Marlene Dauden
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Hulyo 2007)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Marlene Daudén ay isa sa mga katriyanggulo nina Lolita Rodriguez at Eddie Rodriguez na namayagpag sa mga telon noong dekada 1960 hanggang 1970.
Marlene Dauden | |
---|---|
Kapanganakan | Marlene Daudén Nobyembre 9, 1937 (gulang na 85) |
Nasyonalidad | Filipino |
Trabaho | Artista |
Aktibong taon | 1957–1978 |
Asawa | Ernesto Hernaez |
Ipinakilala siya at gumanap bilang Babaeng Sekreta sa Mga Ligaw na Bulaklak ng Sampaguita Pictures kung saan nag-eespiya ng mga taong nasasangkot sa mga ipinagbabawal na gamot, at gumanap naman siya bilang nakababatang kapatid na nurse ni Lolita Rodriguez sa Kundiman ng Puso at epektibo rin siya bilang kontrabida sa buhay ng isang magandang katulong na si Amalia Fuentes sa Ang Senyorito at ang Atsay.
Si Dauden ay isa sa mga pinakabatikang aktres ng Pilipinas, wika nga sa Ingles, siya ay isang "dramatic actress par excellence." Ito ay pinapatunayan ng kanyang natamong sampung nominasyon sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards, kung saan siya ang kauna-unahang bituin na nagkamit ng limang pampelikulang gawad para sa kapuri-puring pagganap sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Siya ay nominado sa FAMAS nang sampung beses at nanalo ng limang beses. Nanalo siya ng tatlong FAMAS Best Supporting Actress Awards sa mga pelikulang Anino ni Bathala (1958), Kamandag (1959) at Sapagkat Kami'y Tao Lamang (1963). Nanalo naman siya ng dalawang FAMAS Best Actress Awards para sa kanyang kapuri-puring pangganap sa Sa Bawat Pintig ng Puso (1964) at Kapag Puso'y Sinugatan (1967). Siya ay nominado bilang FAMAS Best Supporting Actress sa pelikulang Talipandas (1958) at FAMAS Best Actress sa mga pelikulang Gumuhong Bantayog (1960), Mila Rosa (1965), Alipin ng Busabos (1968) at Babae, Ikaw ang Dahilan (1972).
Siya ay naninirahan ngayon sa Amerika kung saan siya ay isang medical office manager. Mayroon din siyang lumpia business doon. Pamangkin niya si Carol Dauden.
Pelikula
baguhin- 1957 - Mga Ligaw na Bulaklak
- 1957 - Gabi at Araw
- 1957 - Eternally
- 1958 - Pulot gata
- 1958 - Kundiman ng Puso
- 1958 - Anino ni Bathala .... Sylvia
- 1958 - Talipandas
- 1958 - Silveria
- 1958 - Mapait na Lihim
- 1958 - Talipandas
- 1958 - Berdaderong Ginto
- 1958 - Alaalang Banal
- 1959 - Kamandag
- 1959 - Pitong pagsisisi
- 1959 - Isinumpa
- 1959 - Ipinagbili kami ng aming tatay
- 1959 - Rosa Rossini .... Rosa Rossini
- 1960 - Ipagdarasal kita
- 1960 - 7 Amores .... (segment "Bicol Story")
- 1960 - Kuwintas ng alaala
- 1960 - Gumuhong Bantayog
- 1962 - The Big Broadcast
- 1963 - Sa puso ng isang ina
- 1963 - Ang senyorito at ang atsay .... Helen
- 1963 - Sapagkat Kami'y Tao Lamang
- 1964 - Sa Bawat Pintig ng Puso
- 1965 - Mila Rosa
- 1965 - Maria Cecilia .... Maria Cecilia
- 1965 - Kay tagal ng umaga
- 1965 - Mastermind
- 1966 - Sa bawa't lansangan
- 1966 - Mistico Meets Mamaw
- 1966 - Maghapong walang araw
- 1966 - Saan ka man naroroon
- 1966 - Ako'y magbabalik!
- 1966 - Hindi nahahati ang langit
- 1966 - Bakit pa ako isinilang?
- 1967 - Modus Operandi
- 1967 - Masquerade .... Veronica de Villa
- 1967 - Kapag puso'y sinugatan
- 1967 - Langit pa rin kita .... Silvana
- 1968 - Alipin ng Busabos .... Melda
- 1968 - Triple .... Socorro/Maricha/Dolora
- 1968 - Salamisim
- 1968 - Simula ng walang hanggan
- 1968 - Sino ang may karapatan?
- 1968 - Elizabeth .... Liza
- 1968 - The Specialists
- 1968 - Liku-likong landas
- 1968 - Kasalanan kaya?
- 1968 - Dear kuya Cesar
- 1969 - Combat Killers
- 1969 - Gumuho man ang langit!
- 1972 - Babae, Ikaw ang Dahilan
- 1970 - Pagkakamali ba?
- 1970 - Bakit ako pa?
- 1971 - Banal na pag-ibig
- 1971 - Kapantay ay langit
- 1975 - Siya'y umalis, siya'y dumating
- 1978 - Kung kaya mo, kaya ko rin
Telebisyon
baguhin- 1968 - Balintataw - ABS
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.