Si Paraluman (Disyembre 14, 1923 – Abril 27, 2009) ay unang gumanap sa pelikulang Flores de Mayo ng Filippine Films noong 1940 at unang nakilala bilang katambal ni Fernando Poe sa pelikulang Ang Halimaw noong 1941. Bago pa man ganap na sumikat si Paraluman ay ginamit niya ang una niyang pangalan ang Mina de Gracia kung saan ito ang ibininyag sa kanya ng batikang direktor na si Luis Nolasco.

Nang lumaon siya ay sumikat at dito nag-umpisa ang kanyang propesyon bilang artista subalit ng ipanganak niya si Baby ay panandalian siyang nanahimik sa industriya at ng magbalik ay dala pa rin niya ang karisma at ganda na nagbigay daan sa kanya para kunin ang kanyang serbisyo at isama sa mga naglalakihan bituin ng Sampaguita Pictures at gawin ang una niyang pelikulang La Paloma.

Simula 1947 hanggang 1950, siya ay nakagawa ng siyam na pelikula hanggang siya'y tuluyang binitawan ng Sampaguita Pictures at lumipat sa ibang kompanya ng pelikula. Ginawa niya ang pelikulang Batong Buhay katambal si Leopoldo Salcedo at halos isang dosenang pelikula ang kanyang nagawa, subalit tila sa bakuran yata ng Sampaguita nakadestino ang kanyang kapalaran kaya taong 1956 ay muli siyang kinuha ng Sampaguita Pictures at gumanap sa importanteng papel sa pelikulang Babalu na si Daisy Romualdez naman ang bida at tuluyang bumulusok paitaas ang kanyang estado sa pelikula hanggang sapitin niya ang dekada 60s.

Tunay na Pangalan

baguhin
  • Sigrid Sophia Agatha Von Giese

Kapanganakan

baguhin

Lugar ng Kapanganakan

baguhin

Kolehiyo

baguhin
  • Lothar Von Giese

Kabiyak

baguhin
  • Yoshifumi Abe

Pelikula

baguhin

Tribya

baguhin

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.