Ric Rodrigo
Kapanganakan
Albert Paul Bregendahl

Mayo 24, 1924
KamatayanPebrero 1996 (gulang na 71)
NasyonalidadFilipino
TrabahoArtista
Aktibong taon1951-1985
AsawaRita Gomez (1950s-1960s; naghiwalay)
Anak2 (kabilang si Ronald Bregendahl)

Talambuhay

baguhin

Si Albert Paul Bregendahl ay isinilang noong Mayo 24, 1924 sa mag-asawang Paul Albert Bregendahl na tubong Denmark at kay Maria Luisa Gozalvez, isang Filipina. Bago siya nakapasok sa Daigdig ng pelikula'y naging isa muna siyang tagapamahala ng isang kompanya ng biscuit na pag-aari ng mga Amerikano.

Karera

baguhin

Siya ay natuklasan ni Rafael Anton Lebran, isang prodyuser ng Lebran Productions, Inc., isa sa mga bantog na istudyo na kabilang sa "The Big Four" na mga istudyong nanguna't nasa likod ng pagkakaroon ng Ginintuang Panahon ng mga pelikulang Pilipino noong dekada '50. Una siyang naitampok sa Pelikulang "Song of Santo Tomas" noong 1951 sa pangalang Ricardo Montez, na kalauna'y pinalitan niya ng Ric Rodrigo dahil hindi ito pumatok sa Masa.

Taong 1953 nang siya'y lumabas sa Pelikulang "Inspirasyon" na pinagbidahan ni Carmen Rosales sa ilalim ng Sampaguita Pictures. (Ito rin ang pelikula na kung saan nagwagi ang naturang aktres ng kanyang FAMAS best actress award). Muli siyang lumabas sa pelikulang "Pilya" kung saa'y nakakuha siya ng pangunahing papel at kalauna'y nagtamo ng kasikatan nang siya'y maitambal sa tinuturing Reyna ng mga Pelikulang Pilipino noong panahong iyon na si Gloria Romero.

Noong 1969 ay nagkamit siya ng isang parangal nang siya'y mahirang na Best Actor sa Asia Film Festival para sa pelikulang "Igorota" kung saa'y kanya namang nakatambal ang batikang aktres na si Charito Solis. Nagkaroon din siya ng ilang mga Nominasyon para sa FAMAS best actor award at bilang Best Supporting naman para sa Gawad Urian para sa mga pelikulang kanyang napagbidahan.

Nagpatuloy siya sa pamamayagpag sa Industriya ng Puting tabing hanggang sa dekada '80, kung saa'y nakakitaan din siya ng husay sa pagiging isang Character Actor sa ilang mga pelikula. Huling lumabas si Ric Rodrigo sa Pelikulang "Miguelito" noong 1985, isang pelikulang pinagbidahan ng noo'y mga binata't dalaga pang Aga Muhlach at Gretchen Barretto.Pagkatapos ng pelikulang ito'y napagpasyahan na siyang magretiro mula sa larangan ng pag-arte.

Personal na Buhay

baguhin

Sila ay nagkaisang dibdib ng artistang si Rita Gomez at sila'y nagkaroon ng dalawang supling, Si Albert Paul Bregendahl, Jr. At si Ronald Bregendahl, na panadaliang naging artista noong dekada '80 na siya namang napangasawa ng artistang si Chona Castillo.

Naghiwalay ang mag-asawang Ric at Rita sa kalagitnaan ng 1960s, at ang pinaka-ugat ng hiwalayang ito'y nang dahil sa labis na Konserbatibong paniniwala ni Ric, isang halimbawa'y bawal animong sumagot o tumutol ang isang babae sa pasya ng kanyang lalaking kabiyak, at wala ring karapatang manumbat ang babae sa kanyang asawa.

Kamatayan

baguhin

Pumanaw siya noong Pebrero, 1996 sa di ipinahayag na dahilan. Siya ay 71 taong gulang, pumanaw tatlong buwan bago niya maipagdiwang ang kanyang ika-72 taong kaarawan.


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.