Muling pag-iisang Aleman

Ang muling pag-iisang Aleman (Aleman: Deutsche Wiedervereinigung) ay ang proseso noong 1990 kung saan ang Demokratikong Republikang Aleman (GDR; Aleman: Deutsche Demokratische Republik, DDR) ay naging bahagi ng Republikang Federal ng Alemanya (FRG; Aleman: Bundesrepublik Deutschland, BRD) upang mabuo ang muling pinagsamang bansa ng Alemanya.

Mapa na nagpapakita ng dibisyon ng Silangan (pula) at Kanlurang Alemanya (asul) hanggang Oktubre 3, 1990, na may dilaw na Berlin
Tarangkahang Brandenburgo sa Berlin, pambansang simbolo ng Alemanya ngayon at ang muling pagsasama nito noong 1990

Ang pagtatapos ng proseso ng pag-iisa ay opisyal na tinutukoy bilang pagkakaisang Aleman (Deutsche Einheit), ipinagdiriwang bawat taon tuwing Oktubre 3 bilang Araw ng Pagkakaisang Aleman (Tag der deutschen Einheit).[1] Ang Silangan at Kanlurang Berlin ay muling pinagsama bilang iisang lungsod at muling naging kabesera ng nagkakaisang Alemanya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "EinigVtr – Vertrag zwischen der Bundesrepublik Deutschland und der Deutschen Demokratischen Republik über die Herstellung der Einheit Deutschlands". www.gesetze-im-internet.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2022-03-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)