Silangang Berlin
Ang Silangang Berlin ay ang de facto na kabesera ng Demokratikong Republikang Aleman mula 1949 hanggang 1990. Pormal, ito ay ang Sobyetikong sektor ng Berlin, na itinatag noong 1945. Ang mga sektor na Amerikano, Britanya, at Pranses ay kilala bilang Kanlurang Berlin. Mula Agosto 13, 1961 hanggang Nobyembre 9, 1989, ang Silangang Berlin ay nahiwalay sa Kanlurang Berlin ng Pader ng Berlin. Hindi kinilala ng mga kapangyarihan ng Kanlurang Alyado ang Silangang Berlin bilang kabesera ng DRA, ni ang awtoridad ng DRA na pamahalaan ang Silangang Berlin. Noong Oktubre 3, 1990, ang araw na opisyal na muling pinag-iisa ng Alemanya, ang Silangan at Kanlurang Berlin ay pormal na muling pinagsama bilang lungsod ng Berlin.
Silangang Berlin Ost-Berlin | |||
---|---|---|---|
big city, metropolis, former national capital, seat of government | |||
| |||
Mga koordinado: 52°31′07″N 13°24′16″E / 52.518611111111°N 13.404444444444°E | |||
Bansa | Silangang Alemanya | ||
Lokasyon | Silangang Alemanya | ||
Itinatag | 1949 | ||
Binuwag | 2 Oktubre 1990 | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 409 km2 (158 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (1989) | |||
• Kabuuan | 1,279,212 | ||
• Kapal | 3,100/km2 (8,100/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | Oras ng Gitnang Europa |
Silangang Berlin ngayon
baguhinMula noong muling pag-iisa gumastos ang gobyerno ng Alemanya ng malaking halaga sa muling pagsasama-sama ng dalawang hati ng lungsod at pagdadala ng mga serbisyo at impraestruktura sa dating Silangang Berlin hanggang sa pamantayang itinatag sa Kanlurang Berlin.
Mga boro
baguhinSa panahon ng muling pag-iisang Aleman, ang Silangang Berlin ay binubuo ng mga boro ng
- Friedrichshain
- Hellersdorf (mula noong 1986)
- Hohenschönhausen (mula noong 1985)
- Köpenick
- Lichtenberg
- Marzahn (mula noong 1979)
- Mitte
- Pankow
- Prenzlauer Berg
- Treptow
- Weißensee
Tingnan din
baguhin- Kanlurang Berlin
- Bonn, ang kabeserang lungsod ng Kanlurang Aleman
Karagdagang pagbabasa
baguhin- Durie, William (2012). The British Garrison Berlin 1945 - 1994: nowhere to go ... a pictorial historiography of the British Military occupation / presence in Berlin (sa wikang Ingles). Berlin: Vergangenheitsverlag (de). ISBN 978-3-86408-068-5. OCLC 978161722.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga sanggunian
baguhinMga panlabas na link
baguhin- Works about East Berlin at WorldCat Identities
- My First Time to East Berlin, 11 November 2019, James Bovard, Mises Institute
Padron:Berlin WallPadron:Allied-administered GermanyPadron:Bezirke DDR