Multilingguwalismo sa Luksemburgo
Ang multi-linggwalismo ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mamamayan ng Luksemburgo.
Ang gamit sa mga wika para sa pang-legal at pang-administratibo ay pinangangasiwaan ng batas na ipinatupad noong 1984, kabilang ang mga sumusunod na probisyon:[1]
Artikulo 1: Ang pambansang wika ng mga Luksemburges ay ang Wikang Luksemburges.
Artikulo 2: Ang mga batas ay nasa Pranses.
Artikulo 3: Ang wika ng pamahalaan: Luksemburges, Aleman, at Pranses ay maaaring gamitin.
Artikulo 4: Mga katanungang pang-administratibo: Kapag ang isang mamamayan ay nagtanong sa Luksemburges, Aleman, o Pranses, ang administrasyon ay dapat tumugon, hangga't maaari, sa wikang kung saan ang katanungan ay naipabatid.
Karamihan sa mga bansang multi-linggwal, katulad ng Belhika, Suwisa, o Kanada, ang pagka-kalat ng wika ay pang-heograpiko; ngunit sa Luksemburgo ay punsyonal - yun ay, ang pagpili sa wika ay naka-depende sa sitwasyon.
Sa mga paaralan, tinuturuan ang mga estudyante ng lahat ng tatlong opsiyal na mga wika, nakahati man sila ng grupo pang-edad at subject matter. Sa paaralang pampangunahin, ang kurso ay nasa Aleman at ang pagpapaliwanag ay kadalasang sinasabi sa Luksemburges. Sa paaralang sekundaryo, depende rin kung anong antas ang mga estudyante. Sa mas mahirap na antas, hanggang sa ika-9 na klase, ang bawat asignatura ay nasa Aleman, maliban sa aritmetiko. Sa bandang ika-10 hanggang sa ika-13 klase, ang kurso ay kadalasang nasa Pranses, ngunit sa kabuuan paaralang sekundaryo, ang mga eksplanasyon ay ibinibigay sa Luksemburges. Sa mas madaling antas, ang bawat asignatura ay nasa Aleman, maliban sa aritmetiko. Sa dibisyong pang-komersyo at pang-administratibo, ang karamihan sa mga asignatura ay nasa Pranses mula sa ika-10 hanggang ika-13 klase. Ang mga eksplansayon ay kadalasang ibinibigay sa Luksemburges.
Sa Kamara ng mga Kinatawan, Luksemburges ang wikang ginagamit, ngunit ginagamit din ang Pranses (e.g., kapag binabanggit ang mga batas).
Sa pahayagan, nakasulat ang mga artikulo sa Aleman, at minsan din sa Pranses. Sa telebisyon at sa radyo, kadalasang Luksemburges ang ginagamit.
Karaniwan, sa pang-araw-araw na pamumuhay, kapag nakikipag-usap sa isang dayuhan, Pranses ang kadalasang ginagamit dahil karamihan sa dayuhang nagta-trabaho sa Luksemburgo ay hindi natututo ng Luksemburges.
Mga tala
baguhin- ↑ (sa Pranses) Mémorial A no. 16 (27 February 1984), pp. 196–197: "Loi du 24 février 1984 sur le régime des langues". Naka-arkibo 2006-02-03 sa Wayback Machine.
Mga Sanggunian
baguhin- WEBER, J.J. Multilingualism, Education and Change Frankfurt, Peter Lang Verlag, 2009
- HORNER, K. and WEBER, J.J. The language situation in Luxembourg, Current Issues in Language Planning 9,1, 2008, 69-128
- (sa Pranses) Projet Moien!, Sproochenhaus Wëlwerwoltz (Hg.), Lëtzebuergesch: Quo Vadis? Actes du cycle de conférences, Mamer: Ondine Conseil 2004
- WEBER,N. The universe under the microscope: The complex linguistic situation in Luxembourg, in De Bot, C./Kroon, S./Nelde, P./Vande Velde, H. (eds.), Institutional Status and use of languages in Europe Bonn, Asgard, 2001, 179-184
- NEWTON, G. (ed.) Luxembourg and Lëtzebuergesch: Language and Communication at the Crossroads of Europe, Oxford, 1996