Ang Mundo de Cristal ay ang pangalawang album ni Thalía, na prinodyus ni Alfredo Diaz Ordaz at inilabas sa Mehiko sa ilalim ng Fonovisa label noong 1991.
May dalawang bersyon ng video ang ginawa para sa "Sudor".
May apat na kanta na nirecord na dapat ay nasa album na "Thalía", ngunit napagpasiyahan nina Thalía at ng kanyang prodyuser na isama ang mga ito sa album na ito. Ang mga kantang ito ay ang "Sudor", "Jollie Madame", "En la Intimidad" at "Me Matas".