Muro-ami

(Idinirekta mula sa Muro Ami)
Para sa pelikula, tingnan ang Muro Ami (pelikula).

Ang muro-ami o muroami ay isang paraan ng pangingisda na laganap sa Timog-silangang Asya. Ginagamitan ito ng mga lambat na may nakalagay o nakakabit na mga malalaking bato o bloke ng semento at saka inihahampas sa bahura at mga koral. Sa kaparaanang ito, nawawasak ang mga koral at bahura sa mga maliliit na piraso kung saan madali na lang makahuli ng mga isda. Kadalasang ginagamit ang mga maliliit na bata upang takutin ang mga isda papunta sa koral o bahura dahil sa kanilang maliksi at maliit na pangangatawan. Ginagamitan naman nila ito ng mga salapang upang tusukin ang mga ito at sapilitang papuntahin sa lambat.

Kasaysayan

baguhin

Ang muro-ami ay sinasabing nagmula sa mga Hapones noong mga 1900.[1] Kumalat ang paraang ito sa ibang bansa, lalo na sa Timog-silangang Asya.

Noong 1986, sinimulang ipagbawal ang ganitong paraan ng pangingisda sa Pilipinas at mas pinaigting ito ayon sa mga Batas Republika bilang 8550 noong 1998[2][3] at 10654[4] noong 2015.

Suliranin

baguhin

Dahil sa lalim ng mga koral at bahura, mahirap lumangoy papunta sa mga mabababang bahagi ng karagatan. Ang mga bata ay maaaring mahirapan sa paghinga at pagsisid na kadalasang nagiging sanhi ng kanilang kamatayan. Minsan, gumagamit sila ng isang maliit na tubo na nakakabit sa barko upang huminga ngunit ang barko at sisidlan ay marumi na maaaring kapitan ng sakit. Ang lahat ng ito ay labag sa karapatang-pantao sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Ayon sa Organisasyon ng Pagkain at Agrikultura ng United Nations, ang muro-ami ay lubhang nakakasira sa kalikasan at ekosistema ng mga isda na maaaring tumagal sa mahabang panahon at dumagdag pa sa polusyon ng tubig.[5]

baguhin

Sa Pilipinas, mayroong pelikulang pinamagatang Muro Ami hinggil sa paksang ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.wowparadisephilippines.com/muro-ami-a-japanese-fishing-technique.html
  2. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-26. Nakuha noong 2021-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2022-03-07. Nakuha noong 2021-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2022-03-07 sa Wayback Machine.
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-26. Nakuha noong 2021-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. FOA: Destructive fishing practices

Kawingang panlabas

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.