Kalamnan
Ang laman, kalamnan, masel, o muskulo (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang "bubwit" o "maliit na daga")[1] ay mga nagpapagalaw na mga tisyu ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga selulang mikrobyong embriyoniko. Sa mga bertebrado, inuuri ang tisyung kalamnan sa pambuto (iskeletal), pampuso (kardiyako), at kalamnang makinis,[2][3] at tungkulin nitong lumikha ng lakas (puwersa) at magdulot ng galaw, na maaaring lokomosyon o kilos sa loob ng mga lamang loob (organong panloob).
Kalamnan | |
---|---|
Mga pagkakakilanlan | |
FMA | 5022 30316, 5022 |
Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga kalamnan na hindi direktang pinapagalaw ng isip at kinakailangang para sa buhay, katulad ng galaw ng puso, o peristalsis na nagtutulak sa pagkakaing lumalagos sa sistema ng dihestiyon (sistemang panunaw). Ginagamit ang kusang-loob na paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaaring pinuhin at pigilin, katulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa muskulong kuwadriseps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay o pibro ng mga lamang kusang-napapagalaw (boluntaryo), mabagal na pintig at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting puwersa, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.
Tungkulin
baguhinKontraksyon ang pangunahing tungkulin ng tisyung kalamnan. May mahalagang pagkakaiba ang tatlong uri ng tisyung kalamnan (pambuto, pampuso at makinis). Bagaman, gumagamit lahat ng tatlong ito ang galaw ng aktina at miyosina upang makagawa ng kontraksyon.
- Kalamnang pambuto – nangyayari ang kontraksyon dito sa istimulasyon ng mga salpok pang-elektriko na dinadala ng nerbyong pangmotor. Nagkakaroon ng istimulasyon ang mga kalamnang pampuso at makinis sa pamamagitan ng panloob na mga selulang pacemaker (o hibla ng kalamnan ng nagreregula ng tulin) na regular na nagkaroon ng kontraksyon, at nagpapalaganap ng kontraksyon sa ibang selulang kalamnan na kakontak nila. Pinapagaan ang lahat ng kontraksyon ng kalamnang pambuto at maraming kalamnang makinis sa pamamagitan ng asetilkolinang neurotransmisor. Kabilang sa ibang tisyu sa kalamnang pambuto ang mga litid at perimisiyo.[4]
- Kalamnang pampuso – ito ang kalamnan ng puso. May sariling kontraksyon ito, awtonomo ang pareregula, at kailangang magpatuloy sa na may ritmo para sa buong buhay ng organismo. Kaya naman, may natatanging katangian ito.
- Kalamnang makinis – matatagpuan ito sa halos lahat ng mga sistemang organo tulad ng mga organong may guwang tulad ng sikmura at pantog; sa mga istrakturang malatubo tulad ng dugo at mga lagusang linpa, at maliliit na tubo ng apdo; sa mga espinter tulad ng nasa sinapupunan, at mata. Gumaganap din ang kalamnang makinis sa mga maliliit na tubo ng glandulang eksokrino. Sinasagawa nito ang iba't ibang gawain tulad ng pagpapasak ng mga oripisyo (halimbawa, piliro, oripisyong uterino) o ang pagpapadala ng kimo sa pamamagitan ng mga malaalon ng kontraksyon ng tubo ng bituka. Mas mabagal ang kontraksyon ng kalamnang makinis kaysa sa kalamnang pambuto, subalit mas malakas sila, mas tumatagal at nangangailangan ng mas maliit na enerhiya. Inboluntaryo din ang kalamnang makinis, hindi tulad ng kalamnang pambuto na nangangailangan ng isang istimulo.
Mga katangian ng tisyung kalamnan
baguhin- Kakayahang mairita – ito ang kakayanan ng laman na kumilos o magbigay ng kaugnayan reaksiyon sa kahit anong reaksiyong kemikal na kinakailangan o nagaganap sa selyulang pang-ugat.
- Kakayahang konduktibidad – ito ang abilidad ng kalamnan na magparami mula sa senyas pang-elektriko patungo sa membrano.
- Kakayahang gumalaw o mag-kontraksyon – ito ang nagbibigay kakayahan sa kalamnan na magpaiksi at maglabas ng puwersa kung kinakailangan.
- Kakayahang humaba – nangyayari ang pagpapahaba ng hindi nasusugatan kung kinakailangan. Kakayahang mabanat at mapaurong o elastidad – ito ang pagiging elastiko ng laman na nagbibigay sa laman ng original na porma matapos na ito ay umiksi o magpahaba.
Sistemang pangkalamnan
baguhinAng sistemang muskular, sistemang pangkalamnan, o pamamaraang pangsangkalamnan ay ang sistemang biyolohikal ng isang organismo at siyang nagpapagalaw sa organismong ito. Napapamahalaan ang sistemang muskular ng mga bertebrado sa pamamagitan ng sistemang nerbiyos, bagaman may ilang mga kalamnan (na katulad ng kalamnang pampuso) na sadyang may kakayahang magsarili o kumilos mag-isa (may awtonomiya). Kasama ng sistemang pambuto sa tao, binubuo nito ang sistemang muskuloskeletal, na responsable sa pagkilos ng katawan.[5]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Kahulugan at pinagmulan ng salitang muscle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-20. Nakuha noong 2007-10-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ KMLE Medical Dictionary. "KMLE Medical Dictionary Definition of muscle (Kahulugan ng laman mula sa Talasalitaang Pangmedisina ng KMLE)". Isinangguni noong 17 Peb 2006.
- ↑ "eLS" (sa wikang Ingles). Wiley. 30 Mayo 2001. doi:10.1002/9780470015902.a0026598. Nakuha noong 24 Abril 2023.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dave, Heeransh D.; Shook, Micah; Varacallo, Matthew (2024), "Anatomy, Skeletal Muscle", StatPearls (sa wikang Ingles), Treasure Island (FL): StatPearls Publishing, PMID 30725921, nakuha noong 2024-04-22
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Standring S, Gray H (2016). Gray's anatomy : the anatomical basis of clinical practice (ika-Forty-first (na) edisyon). [Philadelphia]. ISBN 9780702052309. OCLC 920806541.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)