Museo Civico Filangieri
Ang Museo Civico Filangieri ("Museo Sibiko ng Filangieri") ay isang eklektikongi koleksyon ng mga likhang sining, barya, at libro na tinipon noong ikalabinsiyam na siglo ni Gaetano Filangieri, prinsipe ng Satriano, na ibinigay ito sa lungsod ng Napoles bilang isang museo. Ito ay nakalagay sa kaniyang dating palasyo, Palazzo Cuomo (o Como) sa Via Duomo, sa may simbahan ng San Severo al Pendino.
Museo Civico Filangieri | |
Itinatag | 1888 |
---|---|
Lokasyon | Napoles, Italya |
Uri | museong pansining |