Mutya Reyes
Si Mutya Reyes ay ipinanganak bilang Mutya Madeja noong 3 Disyembre 1949 sa San Andres, Romblon kay Castor Madeja, Sr., sang pampublikong guro at kay Lourdes Leaño, ang kanyang maybahay. Si Mutya ay ang may pinakamahabang panunungkulang bilang barangay captain ng Dapawan sa Odiongan, Romblon nang humigit kumulang isang dekada.[1]
Personal na Buhay
baguhinSiya ay kasal kay Emmanuel D. Reyes, isang retiradong pulis at may pitong anak. Siya ay naging lola sa edad na 41 nang pinanganak ang kanyang kauna-unahang apo na si Ivan noong 1990.
Buhay Pulitika
baguhinSiya ay naging punong barangay noong 1997 at bumitiw sa pwesto noong 2010.
Kaninunuan
baguhinSi Mutya ay kamag-anak ng mga iilang pulitiko sa Odiongan, Romblon gaya na lamang ni Mark Anthony M. Reyes. Siya at ang ina ni Mark Anthony ay magpangalawang-pinsan. Siya rin ay pinsan ni Fe Fortu, asawa ng namayapang mayor ng Calatrava na si Prudencio Fortu. Ang kanyang tito na si Santiago Leaño, kapatid sa ama ng kanyang inang si Lourdes, ay mayor ng dating espesyal na Munisipyo ng Tablas.