My Thoughts Are Silent (film)

Ang My Thoughts Are Silent (Ukranyo: Мої думки тихі, Tagalog: Walang Imik Ang Aking Mga Iniisip) ay isang Ukranyanong pelikulang comedy-drama na dinirekta ni Antonio Lukich.[1] Unang ipinalabas ang pelikula noong ika-4 ng Hulyo taong 2019, sa seksyong East of the West ng ika-54 na Karlovy Vary International Film Festival, kung saan nanalo ang pelikula ng Special Jury Prize.[2]

My Thoughts Are Silent
Мої думки тихі
DirektorAntonio Lukich
SumulatValeria Kalchenko
Antonio Lukich
Itinatampok sinaAndriy Lidahovskiy
Irma Vitovska-Vantsa
Inilabas noong
4 Hulyo 2019 (2019-07-04)
Haba
104 minuto
Bansa Ukranya
WikaUkrainian
Si Antonio Lukich, ang direktor ng pelikula, sa ikapitong Odessa International Film Festival
Si Irma Vitovska-Vantsa sa pelikulang My Thoughts Are Silent

Sinusuri ng pelikula ang walang wakas na problema ng mga magulang at anak. Nagtatrabaho ang bida ng palabas bilang isang sound engineer at musikero, at madalas nakakasalubong ng mga problema't nagkaroon din ng maraming sagabal at dagok sa buhay. Hindi niya alam na mangyayari rin pala ang parehong krisis sa kaniya mismong personal na buhay. Inanyaya siya ng isang kompanya sa Kanada upang i-record ang mga ingay ng iba't-ibang mga hayop sa Ukraine sa rehiyong Transkarpatya ng bansa. Naghanda siyang tapusin ang proyekto nang masigasig at malikhain, ngunit sumunod nama'y sumama ang kaniyang ina sa kaniya't tuloy-tuloy siyang inistorbo't inabala. Kung sakaling makuha niya ang ingay na ginagawa ng madalang makitang patong Rakhiv, maaari siyang makaalis sa "hindi komportableng" Ukraine at makapunta sa "kaakit-akit" na Kanada.[3]

Tauhan

baguhin
  • Andriy Lidahovskiy bilang Vadim, isang sound engineer at musikero
  • Irma Vitovska-Vantsa bilang ina ni Vadim, tagamaneho ng taksi sa lungsod ng Uzhhorod

Produksyon

baguhin

Tantya

baguhin

Noong Hunyo ng taong 2017, isa ang pelikula sa mga nanalo sa ikasampung Kompetisyong Derzhkino. Nakakuha ang pelikula ng pondong 8.9 milyong UAH (katumbas ng humigit-kumulang na 15.2 milyong piso sa salaping Pilipino) sa pangkalahatang tantya ng 9.2 milyong UAH (15.7 milyong piso). Nagsimulang gawin ang pelikula noong buwang Marso ng taong 2018, at naging lokasyon ng paggawa ng pelikula ang kabiserang lungsod ng Kiev, Bulubunduking Karpatya, at Probinsya ng Zakarpattia.

Musika

baguhin

Nagamit ang karamihan sa mga natanggap na pondo sa paggawa ng musika para sa pelikula, na nagkahalaga ng halos sampung libong dolyar. Kumuha ang mga awtor ng pelikula ng karapatan para sa kantang Viva Forever ng Spice Girls. Naging pinakamahal na gastusin ito sa paggawa ng pelikula, ngunit kinuha ng mga awtor ang mga karapatan dito dahil gustong mamuhay ni Vadim, ang bida, tulad ni Victoria Beckham kung saan siya nagkakagusto. Dulot nito'y kinilala ang partikular na kantang ito bilang pinakaimportanteng musika sa teyp ng pelikula.[4] Nagpa-record din ang mga awtor ng bersyon ng kanta sa babaeng grupo ng korong "Inspiratum" sa Katedral na Prokatedral ng Kiev.

Pagpapalabas

baguhin

Unang ipinalabas ang pelikula noong ika-4 na araw ng Hunyo 2019 sa seksyong East and West ng ika-54 na Karlovy Vary International Film Festival, kung saan nakakuha ang palabas ng Special Jury Award. Naganap naman ang pinakauna nitong pagpapalabas sa Ukraine sa Odessa International Film Festival, kung saan nakuha ni Antonio Lukich, ang direktor ng pelikula, ang Audience Award, FIPRESCI Award para sa Pinakamahusay na Pelikulang Ukranyano, at Award para sa Pinakamahusay na Aktor (kay Irma Vitovska-Vantsa, na gumanap bilang ina ni Vadim).[5] Nagsimula ang pagrerenta ng pelikula upang mapanood noong ika-16 ng Enero 2020.[6] Ipinalabas ito uli ng distribyutor ng pelikula noong ika-5 ng Marso 2020 sa Ukraine sa okasyong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Naipalabas ang komedya sa 91 na iba't-ibang mga sinehan sa bansa, at pinanood ng 29 libong mga tao sa unang linggo nito (mula ika-16 hanggang ika-22 ng Enero) at kumita ng halos 2.8 milyong UAH. Sa pangalawang linggo nito nama'y umunti ang bilang ng sinehang nagpapalabas ng pelikula at umabot sa 52.3 libong tao ang nakapanood nito sa katapusan ng linggo, na may pangkalahatang kitang 5.0 milyong UAH.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "My Thoughts Are Silent".
  2. "My Thoughts Are Silent and Scandinavian Silence awarded in Karlovy Vary!".
  3. "Review: My Thoughts Are Silent".
  4. "Антоніо Лукіч: «Мої думки тихі» – авторське кіно про самореалізацію, покоління і невиказані слова".
  5. "Комедія "Мої думки тихі" вийде у прокат на новорічні свята".
  6. "Найочікуваніші українські фільми 2020 року".
  7. "БОКС-ОФІС №4 (2020)".