My Wife is the Student Council President

Ang Asawa ko ay Presidente ng Konseho Estudyante (Hapones: おくさまが生徒会長!, Hepburn: Okusama ga Seitokaichō!) ay isang Hapones na seryeng manga na nilikha ni Yumi Nakata. Sinimulan itong i-seryalisa sa magasing shōnen manga ng Ichijinsha na Comic Rex mula 2011 hanggang sa nakaabot ito sa pitong tankōbon na bolyum. Ang kwento ay orihinal na iprenisinta noong 2007 bilang Okusama wa Seito Kaichō (奥さまは生徒会長), na inilathala sa isang tankōbon na bolyum ng Jitsugyo no Nihon Sha, Ltd. noong 2007. Isang serye ng anime sa telebisyon ang ipinalabas ng Seven noong Hulyo 2015.[1]

My Wife is the Student Council President
Ang Asawa ko ay Presidente ng Konseho Estudyante
Logo ng serye
おくさまが生徒会長!
DyanraKomedyang Erotika[1]
Manga
KuwentoYumi Nakata
NaglathalaIchijinsha
MagasinComic Rex
DemograpikoShōnen
Takbo21 Enero 2012 – kasalukuyan
Bolyum8 (listahan)
Teleseryeng anime
DirektorHiroyuki Furukawa
ProdyuserDream Creation
IskripYumi Nakata (orihinal na kwento)
MusikaDax Production
Fuuga Hatori
EstudyoSeven
Inere saAT-X, TVS, KBS, tvk, SUN
Takbo2 Hulyo 2015[a] – 17 Setyembre 2015
Bilang12 (Listahan ng episode)
 Portada ng Anime at Manga

Banghay

baguhin

Tumatakbo para sa pagka-presidente ng konseho estudyante si Hayato Izumi sa kanyang pinasukang paaralan, pero natalo siya kay Ui Wakana, isang masigla at karismadong babae na nangakong papalayain ang pag-ibig sa loob ng kampus, at nanghagis ng mga kondom sa madla habang ibinibigay ang kanyang pananalita sa eleksyon. Naging bise-presidente nalang si Hayato ng konseho. Malalaman din niya na dahil sa ginawang "pagsasaayos" ng kanilang mga magulang, si Ui ay kanyang magiging fiancée, at maninirahan sila nang magkasama. Sinusubukan nilang itago ang kanilang pagsasama mula sa paaralan at sa lahat nilang babaeng kasama sa konseho, habang iniiwasan ang progresibong pagmamahal at sekswal na ugali ni Ui sa kanyang bahay. Naakit niya ang atensyon ng disciplinary head na si Rin Misumi, na lilipat din malapit sa kanila kasama ang kanyang ate na si Kei, ang nars ng kanilang paaralan.

Mga karakter

baguhin
Ui Wakana (若菜 羽衣, Wakana Ui)
Boses ni: Ayana Taketatsu[2] (anime), Natsumi Takamori (drama CD)
Ang masiglang, palakaibigang title character ng serye, naging presidente siya ng konseho estudyante matapos niyang ikumpanya na ikalat ang pag-ibig sa buong paaralan, kung saan nanghagis siya ng mga kondom. Nanirahan siya sa apartment ni Hayato bilang kanyang fiancée sa isang inayos na kasal. Halata din siyang hindi seryoso sa "bahay", kung saan hindi siya marunong magluto mag-isa, laging nagtatamad-tamaran at dumi-depende nalang kay Hayato. May isang palagiang gag sa buong serye na kung saan may mga sisiw na lumalabas sa taas ng kanyang ulo kung siya ay nade-depres o nag-iisip. Sa buong serye, sinusubukan niyang paligayahin si Hayato sa romantik o sekswal na paraan, kahit kakaunti ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito.
Hayato Izumi (和泉 隼人, Izumi Hayato)
Boses ni: Kazuyuki Okitsu[2]
Ang lalaking bida. Si Hayato ay isang medyo seryosong indibidwal kung saan siya ang bise-presidente ng konseho estudyante. Kasama niya si Ui Wakana sa isang inayos na kasal at kailangang magkasama sila sa kanyang apartment. Kahit tumataas ang kanyang respeto tungo kay Ui sa buong serye, nakakasama pa rin siya sa mga romantik at sekswal na gawain ni Ui, kung saan hindi siya kumportable ngunit siya'y pinupukaw. Si Hayato ay supisyente sa sarili, nakaluto na siya at nakalinis ng bahay bago pa umuwi si Ui.
Ayane Niikura (新倉 あやね, Niikura Ayane)
Boses ni: Aoi Fujimoto[2] (anime), Yuki Horinaka (drama CD)
Ang sekretarya ng konseho estudyante. Mahilig siyang magbihis ng mga mapilegis na mga damit at tengang pusa. Siya ay medyo spacey at walang isip.
Karen Fujisaki (藤咲 可憐, Fujisaki Karen)
Boses ni: Yoshie Sugiyama[2] (anime), Asami Shimoda (drama CD)
Ang tagaingat-yaman ng konseho estudyante. Siya ay maliit at sobrang tapat kay Ui, meron siyang malibog na interes sa kanya. Ayaw niya kay Hayato at palagi silang nag-aaway.
Rin Misumi (三隅 倫, Misumi Rin)
Boses ni: Minami Tsuda[2] (anime), Yuri Komagata (drama CD)
Ang ulo ng komite ng pagdidisiplina. Ayaw ni Rin sa kumpanya ni Ui at lahat ng kanyang mga kabulastugan; gayunman, nadebelop ang kanyang pilings para kay Hayato pagkatapos niyang itrato ito nang maayos at tinutulungan din siya sa anumang sitwasyon. Siya at ang kanyang ate ay lumipat malapit kay Hayato. Sa anime, ipinaliwanag niya na sumali siya sa komite dahil gusto niyang ipagkaila ang isang tsismis na hinihikayat niya sa masama ang mga lalaki dahil sa kanyang malaking dibdib sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanyang kabutihang asal.
Makoto Sawatari (猿渡 真都, Sawatari Makoto)
Boses ni: Juri Nagatsuma[2]
Isang maliit na babae na kasama ni Rin katulad ng ginagawa ni Karen kay Ui. Meron siyang koleksyon ng mga litrato ni Rin sa mga nakakahiyang sitwasyon.
Misato Wakana (若菜 みさと, Wakana Misato)
Boses ni: Tomoko Kaneda[2]
Si Misato ay ang masigla at palabirong nanay ni Ui. Dahil sa kanyang maliit na pangangatawan, akala ng ibang tao na siya'y kapatid ni Ui.
Kei Misumi (三隅 慧, Misumi Kei)
Boses ni: Ryoko Shiraishi
Ang ate ni Rin ay ang nars ng kanilang paaralan na palaging sumusuot ng mga seksi na damit, ngunit ang kanyang ugali ay nakapangyayamot kay Rin. Siya at si Rin ay lumipat malapit sa apartment ni Hayato. Nalaman niya din ang kanilang pagsasama mula sa magulang ni Ui, pero hindi pa ito nalalaman ng kanyang kapatid.
Ryuji Wakana (若菜 竜二, Wakana Ryuji)
Boses ni: Yuu Kobayashi
Tatay ni Ui, kung saan dahil sa kanyang batang itsura, akala ng ibang tao siya ang kayang nakababatang kapatid. Siya ay mahigpit at strikto, ngunit 'pag siya ay nag-iisip, mga maliliit na daga ang lumalabas sa taas ng kanyang ulo, kagaya ng kanyang anak na puro sisiw.

Pagtanggap

baguhin

Si Chris Beveridge ng The Fandom Post ay nagbigay ng B+ sa unang palabas ng serye at nagsabing "Aaminin ko na ang konsepto ay medyo pamilyar at maloko, pero merong isang tiyak na kalidad na kaakit-akit, seksi at merong potensyal na tatawa ka talaga."[3] Nag-reyt siya sa mga sumunod na episode ng B, habang sinasabi "parang sinusubukan ng palabas na maging medyo edukasyonal pero nahuhulog pa rin siya sa mga "pumupukaw na konsepto" hindi katulad ng iba."[4] Sa kanyang pagsusuri sa ika-9 na palabas, sinulat niya na "hinihiwalay ng palabas ang tagapanuod sa reyalidad, sa mga karakter pa lang na iba ang ini-isip tungkol sa sekswalidad, tatawa ka na agad." at binuod ang serye bilang "Galgal at seryoso na may maraming fanservice, liligaya ka talaga kung mapapanood mo 'to."[5]

Simula noong Hulyo 2015, inilabas na ito sa walong tankōbon na bolyum.


Blg.Petsa ng paglabas ng {{{Language}}}ISBN ng wikang
1 21 Enero 2012ISBN 9784758062930
2 28 Hulyo 2012ISBN 9784758063227
3 28 Hunyo 2013ISBN 9784758063548
4 28 Hulyo 2013ISBN 9784758063920
5 28 Hunyo 2014ISBN 9784758064354
6 27 Hulyo 2014ISBN 9784758064569
7 27 Abril 2015ISBN 9784758065030
8 27 Hulyo 2015ISBN 9784758065221

Isang adaptasyon sa anime ang dinerek ni Hiroyuki Furukawa at ginawa ng Seven sa Hapon sa gabi ng 1 Hulyo 2015. Ang serye ay ipinapalabas online na merong Ingles na subtitulo sa Crunchyroll. Ang paunang musika tema ng palabas ay "Koisuru☆Hiyoko" (恋する☆ひよこ) ni Rekka Katakiri.

Listahan ng palabas

baguhin
No. Titulo Petsa ng pagpapalabas

[a]

1 "Ang Presidente Ikakasal sa isang Pamilya"
"Seito Kaichō no Totsugisaki" (生徒会長の嫁ぎ先) 
2 Hulyo 2015
2 "Ang Presidente at ang Hapunan sa Bahay"
"Seito Kaichō to Ouchi Gohan" (生徒会長とおうちごはん) 
9 Hulyo 2015
3 "Ang Presidente at ang Eksperimento sa Paghahawak ng Kamay"
"Seito Kaichō to Te Tsunagi Jikken" (生徒会長と手つなぎ実験) 
16 Hulyo 2015
4 "Pagsilong mula sa Ulan habang wala ang Presidente"
"Seito kaichō ga inai tokoro de amayadori" (生徒会長がいないところで雨宿り) 
23 Hulyo 2015
5 "Pakikipag-ayos sa Presidente"
"Seito kaichō to nakanaori no Are" (生徒会長と仲直りのアレ) 
30 Hulyo 2015
6 "Pamilya ng Presidente"
"Seito kaichō to miuchi cha arimasen" (生徒会長と身内ちゃん) 
6 Agosto 2015
7 "Palihim na Presidente"
"Kosokoso seito kaichō" (こそこそ生徒会長) 
13 Agosto 2015
8 "Ang Bise-Presidente at ang Dalawang Demonyang Nars"
"Fuku kaichō to hoken-shitsu no akuma 2-biki" (副会長と保健室の悪魔2匹) 
20 Agosto 2015
9 "Presidente, Suhol, at Pagkakalantad"
"Seito kaichō to wairo to bakuro" (生徒会長と賄賂と暴露) 
27 Agosto 2015
10 "Presentasyon ni Sawatari"
"Saruwatari-san no manatsu no purezen" (猿渡さんの真夏のプレゼン) 
3 Setyembre 2015
11 "Paglalabing-anim ng Presidente"
"Seito kaichō 16-sai ni naru" (生徒会長16歳になる) 
10 Setyembre 2015
12 "Iba pang Pamilya ng Presidente"
"Kaichō no miuchi-kun" (会長の身内くん) 
17 Setyembre 2015

Mga nota

baguhin
  1. 1.0 1.1 Bago maghating-gabi ipinapalabas ng AT-X ang seryeng ito. Ang unang palabas ay ipinaalam na ipapalabas sa gabi ng 1 Hulyo 2015 sa oras na 24:30, kung saan pareho din sa Hulyo 2 sa oras na 12:30am. Ang mga araw ng palabas sa artikulo ay pareho sa aktual na araw ng pagpapalabas.[6][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Okusama ga Seito Kaichō! TV Anime to Premiere in July". Anime News Network. 26 Abril 2015. Nakuha noong 26 Abril 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 2.6 "New Okusama wa Seito Kaichō! Ad Previews Anime's Story". Anime News Network. Nakuha noong 18 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Beveridge, Chris (Hulyo 6, 2015). "My Wife is the Student Council President Episode #01 Anime Review". The Fandom Post. Nakuha noong 18 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Beveridge, Chris (Hulyo 17, 2015). "My Wife is the Student Council President Episode #03 Anime Review". The Fandom Post. Nakuha noong 18 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "My Wife is the Student Council President Episode #09 Anime Review". The Fandom Post. 28 Agosto 2015. Nakuha noong 16 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 一迅社. "一迅社WEB - 「おくさまが生徒会長!」特設サイト". 一迅社WEB - 「おくさまが生徒会長!」特設サイト. Nakuha noong 29 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "週間番組表(2015/07/01~2015/07/05) - AT-X ワンランク上のアニメ専門チャンネル". at-x.com. Nakuha noong 29 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

baguhin