Si Mykhailo Gerasimovych Illienko (Ukranyo: Михайло Герасимович Іллєнко, ipinanganak noong ika-29 ng Hunyo 1947 sa Mosku)[1] ay isang Ukranyanong direktor pampelikula,[2] screenwriter, at aktor. Isa rin siyang Akademiko ng Pambansang Akademya sa Sining ng Ukraine (2017), isang Nakararangal na Artista ng Ukraine (2003),[3] at Laureado ng Pambansang Parangal na Oleksandr Dovzhenko ng Ukraine (2007).

Mykhailo Gerasimovych Illienko
Михайло Герасимович Іллєнко
Kapanganakan (1947-06-29) 29 Hunyo 1947 (edad 77)
Mosku, USSR
TrabahoDirektor pampelikula, screenwriter, aktor

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Mykhailo Illienko noong ika-29 na araw ng Hunyo 1947 sa Mosku, ang kabisera ng bansang Rusya, sa isang pamilya ng mga inhinyero. Nagtapos siya sa Pambansang Institusyon ng Sinematograpiya (1970, mula sa studio ni M. Romma). Simula taong 1973 ay naging direktor siya ng Studiong Pampelikulang Dovzhenko. Simula taong 1997 naman ay naging tagaorganisa siya ng Open Night Film Festival, at simula taong 2000 nama'y naging bahagi siya ng mga Dekano ng Departamentong Pampelikula ng Pambansang Unibersidad sa Teatro, Pelikula, at Telebisyon ng Ivan Karpenko-Kary sa Kyiv, at naging myembro ng Pambansang Unyon ng mga Sinematograper ng Ukraine. Nakilahok siya noong taong 2009 sa unang yugto ng isang paglalakbay sa palibot ng mundo sakay ng yateng Kupava. Mula naman noong Abril ng taong 2017 magpahanggang Nobyembre ng taong 2018 ay siya ang naging Pangulo ng Akademyang Pampelikula ng Ukraine.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Михаил Ильенко // Имена // Энциклопедия отечественного кино (nakasulat sa wikang Ruso, naka-arkiba). 2011.russiancinema.ru. [Mikhail Il'yenko // Imena // Entsiklopedya otechestvennogo kino, Mykhailo Illienko — Mga Pangalan — Ensiklopedya ng Pambansang Sinema]
  2. Український рембо (nakasulat sa wikang Ukranyano). tyzhden.ua. [Ukrayins'kyy rembo, Rambong Ukranyano]
  3. Про відзначення державними... | від 10.09.2003 № 1011/2003 (nakasulat sa wikang Ukranyano). zakon.rada.gov.ua. [Pro vidznachennya derzhavnimi... | vid 10.09.2003 № 1011/2003, Hinggil sa mga pambansang parangal... | mula sa 10.09.2003 № 1011/2003]