Si Mykola Dmytrovych Leontovych (13 December [Lumang Estilo 1 December] 1877 – Enero 23, 1921; Ukranyo: Микола Дмитрович Леонтович; binabaybay ring Leontovich) ay isang Ukranyanong kompositor, konduktor, etnomusikolohista, at guro. Ang kaniyang musika ay inspirasyon ni Mykola Lysenko at ng Pambansang Ukranyanong Paaralang Pangmusika. Dalubhasa si Leontovych sa a cappella na koral na musika, mula sa orihinal na komposisyon, hanggang sa musika ng simbahan, hanggang sa detalyadong pagsasaayos ng katutubong musika.

Mykola Leontovych

Si Leontovych ay ipinanganak at lumaki sa lalawigan ng Podolia ng Imperyo ng Russia (ngayon sa Ukranya). Siya ay nag-aral bilang isang pari sa Teolohikal na Seminaryo ng Kamianets-Podilskyi at kalaunan ay nagpatuloy sa kaniyang edukasyong pangmusika sa Estatal na Akademikong Capella ng San Petersburgo at mga pribadong aralin kay Boleslav Yavorsky. Sa pagsasarili ng estadong Ukranyano noong rebolusyong 1917, lumipat si Leontovych sa Kyiv kung saan siya nagtrabaho sa Konserbatoryo ng Kyiv at sa Mykola Lysenko Surian ng Musika at Drama. Siya ay kinikilala sa pagkomposita ng Shchedryk noong 1904 (na pinalabas noong 1916), na kilala sa mundong nagsasalita ng Ingles bilang Carol of the Bells o Ring, Christmas Bells. Siya ay kilala bilang isang martir sa Simbahang Silangang Ortodoksong Ukranyano, kung saan siya ay naaalala din para sa kaniyang liturhiya, ang unang liturhiya na binubuo sa katutubong wika, partikular sa modernong wikang Ukranyano. Siya ay pinaslang ng isang ahenteng Sobyet noong 1921.

Sa kaniyang buhay, ang mga komposisyon at pagsasaayos ni Leontovych ay naging tanyag sa mga propesyonal at amateur na grupo sa buong rehiyon ng Ukranyano ng Imperyo ng Rusya. Ang mga pagtatanghal ng kaniyang mga gawa sa kanlurang Europa at Hilagang Amerika ay nakakuha sa kaniya ng palayaw na "ang Ukranyanong Bach" sa Pransiya. Bukod sa kaniyang napakasikat na Shchedryk, ang musika ni Leontovych ay pangunahing ginaganap sa Ukranya at sa pangingibang-bansang Ukranyano.

Musika

baguhin

Nagpakadalubhasa si Mykola Leontovych sa a cappella na musikang koral.[1] Siya ay naaalala ngayon karamihan sa pamamagitan ng mga musikal na kanyang naiwan, na kinabibilangan ng higit sa 150 choral compositions. Ang mga ito ay mula sa masining na pagsasaayos ng mga katutubong awit, mga gawang panrelihiyon (kabilang ang kaniyang liturhiya), cantatas, at mga komposisyong koro na itinakda sa mga salita ng iba't ibang makatang Ukranyano.[2] Ang kaniyang dalawang pinakatanyag na mga gawa ay ang mga koral miniature na Schedryk at Dudaryk .[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Mykola Dmytrovich Leontovych About/Bio – ClassicalArchives.com
  2. Wytwycky, Wasyl. "Leontovych, Mykola". Encyclopedia of Ukraine. Nakuha noong 31 Disyembre 2007.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)