NBA 2K11
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang NBA 2K11 ay isang video game na basketball na binuo ng Visual Concepts at 2k Sports at inilathala ng 2kSports. Ito ay inilabas noong ika-5 ng Oktubre, 2010 sa Xbox 360,PlayStation 2, PlayStation 3, PSP, PC, habang ang bersyon ng Wii ay inilabas noong ika-21 ng Oktubre, 2010. Si Michael Jordan ng Chicago Bulls ang pangunahing atleta ng laro at siya ay itinampok sa iba't ibang paraan. Ang NBA 2K11 ay ang sumunod sa NBA 2K10.
Ponograma
baguhinAng kumpletong ponograma ng NBA 2K11 ay inihayag noong ika-29 ng Hulyo, 2010 at binubuo ng hip hop at indie rock.
- Snoop Dogg – "NBA 2K theme"
- Big Boi – "Shutterbugg"
- Drake – "Over"
- Cassidy – "Game Time"
- Ron Artest – "Champion"
- Kidz in Space – "Downtime"
- Duck-Down All-Stars featuring Buckshot,Skyzoo, Promise, and Sean Price – "Better Than You"
- The Alan Parsons Project – "Sirius"
- Art vs. Science – "Hollywood"
- Big Rock Candy Mountain – "Rocketship"
- The Brunettes – "Red Rollerskates"
- Chicharones – "Little by Little"
- Children Collide – "Skeleton Dance"
- The Constellations featuring Asher Roth - We're Here To Save The Day
- Dan Black featuring Kid Cudi – "Symphonies (Remix)"
- Delorean – "Deli"
- Ev – "Home of the Brave (Instrumental)"
- Failsafe – "Hope"
- Failsafe – "Only if we Learn"
- Hogni – "Bow Down"
- Middleman – "It's Not Over Yet"
- Rakaa featuring Aloe Blaac – "Crown Of Thorns"
- The Redland – "So Far"
- The Russian Futurists – "Paul Simon"
- The Russian Futurists – "Precious Metals"
- Sonny Bones – "Rise"
- Two Door Cinema Club – "I Can Talk"
- Yung Automatik & Bayroot Productions – "Go Hard or Go Home"
- Dux Jones – "Pourin' It On"
Pagtanggap
baguhinAng laro ay nakatanggap ng unibersal na kritikal na pagpuri. Mga manunuri ng mga laro (tulad ng IGN) ay nagbigay ng pagpuri sa NBA 2K11 para sa kanyang mas pinaunlad na mga kontrol, online na multi-player, at mga Michael Jordan na katangian. Ipinahayag ng punong editor ng IGN na si Hilary Goldstein, "Ito ay hindi lamang ang pinakamahusay na laro ng basketball; ito ay ang pinakamahusay na laro ng sports ng henerasyong ito." Si Mike D'Alonzo ng G4tv.com ay inulit ang parehong sentimento sa kanyang pagsusuri at isinaad na ang 2K11 "ay hindi lamang ang pinakamahusay na laro ng basketball na aking nalaro, ito ay isa sa mga pinakamahusay na laro ng sports na aking nalaro, at isang pangunahing kandidato upang mabansagang Laro ng Taon."
Ang bersyon ng Wii ng 2K11 ay halos walang mga nailathalang pagsusuri, dahil na rin marahil sa hindi magandang panimula ng Wii noong huling taon. Sa GameStop.com, ang laro ay may makabuluhan at magandang pagsusuri, nakakuha ng ito ng 9 sa kanilang pagmamarka ayon sa kostumer nito. Ang bersyon ng Wii ay kinilala para sa kanyang mahusay na grapiko, classic controller support, at pagkakaroon ng lahat ng mga katangian na tulad ng sa bersyon nito sa console (kabilang rin ang chat system ng Wii Speak). Sa kanyang pang-anim na buwan mula nang ito ay nailabas, ang NBA 2K11 ay nagpatuloy na nangibabaw sa merkado at nanguna sa lahat ng mga kilala at bagong mga larong lumabas noong Marso. Mula sa paglabas nito, ang video game na ito ay nakapagpadala na ng limang milyong kopya sa buong mundo.
Pagunlad ng Laro
baguhinDalawang patch ang inilabas para sa PS3 at Xbox 360 na bersyon ng laro, kabilang ang mga pag-aayos sa mga problema ng laro sa passing system at hang-ups kung quarter break. Ang pangkompyuter na bersyon ng NBA 2K11 ay naapektuhan din ng mga bug na ito,ngunit wala pa ring patch para sa ganitong bersyon na nakaaayos sa mga gaitong isyu, at wala pang opisyal na pahayag na naisagawa patungkol sa maaaring pagbabago sa pangkompyuter na bersyon. Isang pag-update para sa PS3 at Xbox 360 na bersyon ang inilunsad upang magdagdag ng suporta para sa estereoskopikong 3D na screen noong 16 Enero 2011. Noong ika-17 ng Enero, 2011, inihayag ng 2kSports na hindi na umano sila maglalabas ng anumang mga patch sa hinaharap o mga update para sa anumang bersyon ng NBA2K11. Ito nag-iwan ng maraming mga bug at glitch sa laro-isang bagay na hindi ikinasisiya ng maraming mga manlalaro. Sa kabilang banda, 11 Pebrero 2011 nang ang isang patch file ay inilabas para sa US at Europeong PC bersyon ng NBA 2K11.