Nagakute

(Idinirekta mula sa Nagakute, Aichi)

Ang Nagakute (長久手市, Nagakute-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01), may tinatayang populasyon na 61,503 katao ang lungsod sa 24,352 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 2,854 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 21.55 square kilometre (8.32 mi kuw). Kasapi ang Nagakute ng Alyansa para sa Malusog na mga Lungsod (AFHC) ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO).[2]

Nagakute

長久手市
Paikot sa kanan mula sa itaas: Sityo ng Expo 2005; Linimo; Gusaling Panlungsod ng Nagakute; Panoramang urbano ng Nagakute
Watawat ng Nagakute
Watawat
Opisyal na sagisag ng Nagakute
Sagisag
Kinaroroonan ng Nagakute sa Aichi Prefecture
Kinaroroonan ng Nagakute sa Aichi Prefecture
Nagakute is located in Japan
Nagakute
Nagakute
 
Mga koordinado: 35°11′2.4″N 137°02′55.3″E / 35.184000°N 137.048694°E / 35.184000; 137.048694
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeIppei Yoshida
Lawak
 • Kabuuan21.55 km2 (8.32 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan61,503
 • Kapal2,900/km2 (7,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras sa Hapon)
- PunoArse
- BulaklakSatsuki azalea
Bilang pantawag0561-63-1111
Adres60-1 Yazako, Shironouchi, Nagakute-shi, Aichi, Japan 480-1196
WebsaytOpisyal na websayt

Kasaysayan

baguhin

Noong panahong Sengoku, naganap ang Labanan sa Komaki at Nagakute sa lugar na ito. Noong panahong Edo ang lugar ng kasalukuyang Nagakute ay bahagi ng mga lupain ng Dominyong Owari. Itinatag ang nayon ng Nagakute sa loob ng Distrito ng Aichi noong Mayo 10, 1906 sa pamamagitan ng pagsasanib ng mga nayon ng Nagakute (ibang baybay sa Hapones: 長湫村), Kamigō at Yazako. Itinaas ito sa katayuang pambayan noong Abril 1, 1971. Naging malaking tulong ang pagdaraos ng Expo 2005 para sa pampook na ekonomiya, at humantong sa pagtatayo ng Linimo, isang komersiyal na tren na linear motor, upang i-ugnay ang lugar sa Nagoya metropolis. Naging lungsod ang Nagakute noong Enero 4, 2012.

Heograpiya

baguhin

Matatagpuan ang Nagakute sa mga burol ng Owari ng gitnang Prepektura ng Aichi, sa taas na 43 hanggang 184 mga metro, at hinahangganan ng metropolis ng Nagoya sa kanluran. Labintatlong mga ilog ang dumadaloy sa lungsod.

Kalapit na mga munisipalidad

baguhin

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[3] mabilis na lumalaki ang populasyon ng Nagakute sa nakalipas na 50 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1940 5,138—    
1950 6,638+29.2%
1960 6,639+0.0%
1970 11,317+70.5%
1980 18,610+64.4%
1990 33,714+81.2%
2000 43,306+28.5%
2010 52,399+21.0%

Kapatid na mga lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Nagakute City official statistics (sa Hapones)
  2. Alliance for Healthy Cities official home page
  3. Nagakute population statistics
  4. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 4 March 2016[Date mismatch] sa Wayback Machine.

Mga kawing panlabas

baguhin

  May kaugnay na midya ang Nagakute, Aichi sa Wikimedia Commons