Si Nāgārjuna (c. 150 – c. 250 CE; Tsinong pinapayak: 龙树; Tsinong tradisyonal: 龍樹; pinyin: Lóngshù; Tibetano: མགོན་པོ་ཀླུ་སྒྲུབ་Wylie: mGon po Klu sgrub) ay isang Indiyanong mangingisip, iskolar-santo at pilosopong Budistang Mahayana. Karaniwan siyang itinatagurian bilang isa sa pinakamahalagang mga pilosopong Budista.[2] Dagdag pa, ayon kay Jan Westerhoff, siya rin ay "isa sa pinakadakilang mga mangingisip sa kasaysayan ng pilosopiyang Asyano."[3]

Nāgārjuna
Isang pagpipintura ni Nagarjuna mula sa Shingon Hassozō, isang serye ng mga balumbon na iniakda ng paaralang Shingon ng Budismo. Hapon, Panahong Kamakura (ika-13-14 siglo)
Kapanganakanc. 150 CE
Kamatayanc. 250 CE
India
TrabahoBudistang guro, monghe, at pilosopo
Kilala saPinaniniwalaang nagtatag ng paaralang Madhyamaka ng Budismong Mahāyāna

Karaniwang itinatagurian si Nāgārjuna bilang ang tagapagtatag ng paaralang madhyamaka (sentrismo, middle-way) ng pilosopiyang Budista at isang tagapagtaguyod ng kilusang Mahāyāna.[2][4] Ang kanyang Mūlamadhyamakakārikā (Root Verses on Madhyamaka, MMK) ay ang pinakamahalagang teksto sa pilosopiyang madhyamaka ng kawalan. Nagbigay-inspirasyon ang MMK sa maraming mga komentaryo sa Sanskrito, Tsino, Tibetano, Koreano at Hapones at patuloy pa ring pinag-aaralan ngayon.[5]

Mga sanggunian

baguhin

Mga pinagsipian

baguhin
  1. Kalupahana, David. A History of Buddhist Philosophy. 1992. p. 160.
  2. 2.0 2.1 Garfield, Jay L. (1995), The Fundamental Wisdom of the Middle Way, Oxford: Oxford University Press.
  3. Westerhoff (2009), p. 4.
  4. Walser (2005) p. 3.
  5. Garfield (1995), p. 87.

Mga pinagkunan

baguhin
  • Garfield, Jay L. (1995), The Fundamental Wisdom of the Middle Way. Oxford: Oxford University Press.
  • Walser, Joseph (2005), Nāgārjuna in Context: Mahāyāna Buddhism and Early Indian Culture. New York: Columbia University Press.
  • Westerhoff, Jan (2009), Nāgārjuna's Madhyamaka. A Philosophical Introduction. Oxford: Oxford University Press.