Nagaru Tanigawa

Manunulat na Hapón

Si Nagaru Tanigawa (谷川 流, Tanigawa Nagaru, ipinanganak noong 19 Disyembre 1970) ay isang manunulat mula sa bansang Hapón. Nagtapos siya sa paaralan ng abogasya ng Pamantasan ng Kwansei Gakuin. Kilala siya bilang ang may-akda ng seryeng Haruhi Suzumiya kung siya nanalo ng pinakamataas na gantimpala sa ikawalong Sneaker Awards. Nagkaroon ng anime ang gawa niyang ito sa ilalim ng pamagat ng unang nobela ng serye, Suzumiya Haruhi no Yuuutsu (涼宮ハルヒの憂鬱, Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya), na prinodyus ng istudyong Kyoto Animation noong 2006 at 2009. Bukod sa naturang anime, nagkaroon ng isang pelikulang anime ang ikaapat nitong nobela, Suzumiya Haruhi no Shoushitsu (涼宮ハルヒの消失, Ang Paglaho ni Haruhi Suzumiya) na lumabas sa mga sinehan noong 2010. Habang naka-hiatus siya sa pagsusulat ng mga nobelang magaan, isinulat niya ang mangang Kagerou Meikyuu (蜻蛉迷宮, lit. Nalilitong Tutubi, opisyal na Ingles: Amnesia Labyrinth) na baha-bahaging inilabas sa magasing Dengeki Bunko.

Nagaru Tanigawa
谷川 流
Tanigawa Nagaru
Kapanganakan (1970-12-19) 19 Disyembre 1970 (edad 53)
Nishinomiya, bansang Hapón
NasyonalidadHapón
TrabahoManunulat
Kilala saHaruhi Suzumiya

Mga Gawa

baguhin

Nobelang magaan

baguhin

Haruhi Suzumiya (涼宮ハルヒ, Suzumiya Haruhi) (2003-2020)

  • Suzumiya Haruhi no Yuuutsu (涼宮ハルヒの憂鬱, Filipino: Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429201-9
  • Suzumiya Haruhi no Tameiki (涼宮ハルヒの溜息, Filipino: Ang Hinagpis ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429202-7
  • Suzumiya Haruhi no Taikutsu (涼宮ハルヒの退屈, Filipino: Ang Pagkainip ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429203-5
  • Suzumiya Haruhi no Shoushitsu (涼宮ハルヒの消失, Filipino: Ang Paglaho ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429204-3
  • Suzumiya Haruhi no Bousou (涼宮ハルヒの暴走, Filipino: Ang Pagtakas ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429205-1
  • Suzumiya Haruhi no Douyou (涼宮ハルヒの動揺, Filipino: Ang Pagkabalisa ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429206-X
  • Suzumiya Haruhi no Inbou (涼宮ハルヒの陰謀, Filipino: Ang Pakikipagsabwatan ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429207-8
  • Suzumiya Haruhi no Fungai (涼宮ハルヒの憤慨, Filipino: Pagkapoot ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 4-04-429208-6
  • Suzumiya Haruhi no Bunretsu (涼宮ハルヒの分裂, Filipino: Ang Paghiwalay ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 978-4-04-429209-6
  • Suzumiya Haruhi no Kyougaku (Zen) (涼宮ハルヒの驚愕 (前), Filipino: Ang Pagkabigla ni Haruhi Suzumiya (Unang Bahagi)) - ISBN 978-4-04-429211-9 (regulár na edisyon), ISBN 978-4-04-429210-2 (limitadong edisyon)
  • Suzumiya Haruhi no Kyougaku (Go) (涼宮ハルヒの驚愕 (後), Filipino: Ang Pagkabigla ni Haruhi Suzumiya (Ikalawang Bahagi)) - ISBN 978-4-04-429212-6 (regulár na edisyon), ISBN 978-4-04-429210-2 (limitadong edisyon)
  • Suzumiya Haruhi no Chokkan (涼宮ハルヒの直観, Filipino: Ang Kutob ni Haruhi Suzumiya) - ISBN 978-4-04-429210-2[1]

Gakkou wo Deyou! [ja] (学校を出よう!, Filipino: Tara sa Paaralan!) (2003-2004)

Dengeki Aegis 5 [ja] (電撃!! イージス5) (2003-2005)

Zetsuboukei Tojirareta Sekai [ja] (絶望系 閉じられた世界, Filipino: Ang Sistema ng Kawalang Pag-asa sa Nakasaradong Mundo) (2005) - ISBN 4-8402-3021-8

Boku no Sekai wo Mamoru Hito [ja] (ボクのセカイをまもるヒト, Filipino: Ang Táong Nagligtas sa Aking Mundo) (2005-2006)

Kagerou Meikyuu (蜻蛉迷宮, lit. Nalilitong Tutubi) (2008-2009)

Kolaborasyon

baguhin

Bokusatsu Tenshi Dokuro-chan Desu [ja] (撲殺天使ドクロちゃんです, Filipino: Ang Anghel ng Bugbog-Sarado, Dokuro-chan po) - ISBN 4-8402-3443-4

Sanggunian

baguhin
  1. "[Haruhi Shinsaku] 9-nenhan buri no Shousetsu "Suzumiya Haruhi no Chokkan" 11-gatsu Hatsubai Kettei" 【ハルヒ新作】9年半ぶりの小説『涼宮ハルヒの直観』11月発売決定 [[Bagong Haruhi] Matapos ng siyam at kalahating taon, Ang Kutob ni Haruhi Suzumiya, ilalabas sa Nobyembre]. Dengeki Online (sa wikang wikang Hapón). 31 Agosto 2020. Nakuha noong 15 Setyembre 2020. {{cite web}}: Unknown parameter |authors= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) CS1 maint: url-status (link)

Kawing panlabas

baguhin