Suzumiya Haruhi no Shoushitsu
Ang Suzumiya Haruhi no Shoushitsu,[a] kilala rin sa Ingles na pamagat nitong The Disappearance of Haruhi Suzumiya at The Vanishment of Haruhi Suzumiya, ay isang pelikulang anime noong 2010 ng bansang Hapón. Ibinase ito sa ikaapat na nobelang magaan ng seryeng Haruhi Suzumiya ni Nagaru Tanigawa, at nagsisilbing kasunod (sequel) ng anime ng kaparehong serye. Dinirek nina Tatsuya Ishihara at Yasuhiro Takemoto, at ginawan ng iskrip ni Fumihiko Shimo, prinodyus ito ng istudyong Kyoto Animation.
Suzumiya Haruhi no Shoushitsu | |
---|---|
涼宮ハルヒの消失 Ang Paglaho ni Haruhi Suzumiya | |
Direktor |
|
Prinodyus |
|
Iskrip | Fumihiko Shimo |
Ibinase sa | Suzumiya Haruhi no Shoushitsu ni Nagaru Tanigawa |
Itinatampok sina | |
Musika |
|
Sinematograpiya | Ryuuta Nakagami |
In-edit ni | Kengo Shigemura |
Produksiyon | |
Tagapamahagi |
|
Inilabas noong |
|
Haba | 162 minuto |
Bansa | Hapón |
Wika | Hapón |
Kita | ¥830 milyon (2010: P441.15 milyon) |
Lumabas ito sa mga sinehan sa bansang Hapón noong 6 Pebrero 2010, at sa DVD at Blu-ray naman noong 18 Disyembre 2010. Nalisensyahan ang Bandai Entertainment para isalin ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika, at Manga Entertainment naman sa Reyno Unido. Simula 2016, napunta sa Funimation ang lisensiya nito sa Hilagang Amerika.[1]
Sa habang 163 minuto (2 oras, 43 minuto), ito ang ikalawang pinakamahabang pelikulang animasyong nagawa, mas mabilis lamang ito nang isang minuto sa inilabas na 70mm print ng Final Yamato.[2]
Kuwento
baguhinMatapos ang mga pangyayaring naganap sa anime, tumakbo ang buong kuwento mula 16 Disyembre hanggang sa bisperas ng Pasko, isang buwan pagkatapos ng bunkasai nila. Plinano ni Brigada SOS, sa pangunguna ni Haruhi Suzumiya, na magdaos ng isang nabe party bilang ipagdiwang ang Pasko. Subalit, sa umaga ng 18 Disyembre, pumasok si Kyon sa paaralan at nalamang nagbago na pala ang realidad na alam niya - nawawala sina Haruhi at Itsuki Koizumi, biglang nagpakita muli si Ryoko Asakura, hindi siya kilala ni Mikuru Asahina, at ordinaryong tao na lang si Yuki Nagato. Tanging si Kyon lang ang may alam na nagbago ang lahat, at wala ni isa sa kanila ang nakakakilala kina Haruhi o tungkol sa Brigada SOS.
Nakita kalaunan ni Kyon ang bookmark na iniwan ng alien na Yuki bago pa mang magbago ang lahat. Nakasulat roon na kailangan niyang kolektahin ang mga "susi" para mabuksan ang isang programa. Habang pinagmuni-munihan niya kung anong ibig sabihin nito, nakilala't nakausap niya ang bagong Yuki, na mukhang may gusto sa kanya. Dumating ang 20 Disyembre, nalaman ni Kyon mula kay Taniguchi na nasa ibang haiskul si Haruhi, kasama si Koizumi at ilan sa mga kaklase niyang mula sa nakaraang realidad. Matapos niyang sabihin kay Haruhi na siya si "John Smith," ang alyas niyang ginamit noong naglakbay siya sa oras para tulungan ang batang Haruhi, nakumbinsi niya ito. Sa tulong ni Haruhi, binuo muli nila ang Brigada SOS at nagtipon sa silid ng club nila. Dahil rito, nakamit ni Kyon ang mga kinakailangang susi para mabuksan ang programang ginawa ng alien na Yuki.
Gustong makabalik sa dating buhay niya, binuksan ni Kyon ang programa at bumalik sa oras ng Tanabata tatlong taon ang nakakaraan. Matapos makita si Mikuru mula sa hinaharap, nakuha niya ang isang programa ng pag-uninstall mula sa alien na Yuki, na nangangailangang ibato sa maysala sa hatinggabi ng 18 Disyembre. Pagkabalik sa kasalukuyan, nakita nila ang maysala, si Yuki, na nanghiram ng kaunting kapangyarihan mula kay Haruhi para baguhin ang lahat maliban kay Kyon. Dahil rito, nabigyan si Kyon ng dalawang pagpipilian sa kung saang mundo siya gustong pumunta. Kinwestyon ni Kyon ang pinili niya at napaisip na ang mundong wala si Haruhi o ang Brigada SOS ay mapayapa at kalmado. Bukod pa doon, naisip rin niyang pagod na pagod na yata si Yuki sa kakabantay sa mga kilos ni Haruhi at sa pagprotekta sa kanya. Sa huli, nagdesisyon siyang mas maganda at mas masaya ang orihinal na mundo niya. Sinubukan niyang i-install ang programa kay Yuki ngunit sinaksak siya ni Ryoko, na bumalik sa dati nitong ugali, bago pa man niya ito magawa.
Bago matuluyan si Kyon ni Ryoko, iniligtas siya nina Yuki, Mikuru, at siya mismo mula sa hinaharap. Nagising na lamang siya ilang araw pagkatapos sa loob ng isang ospital, kung saan normal na ang lahat. Sa mundong ito, halos naniniwala ang lahat na na-coma noon pang 18 Disyembre pagkatapos mahulog sa hagdanan. Nabanggit ni Yuki kay Kyon na mapaparusahan siya ng organisasyon niya dahil sa mga ginawa niya, ngunit sinabi ni Kyon na kung ganon nga ang mangyayari, sasabihin niya kay Haruhi na siya si John Smith at hihikayatin niya itong baguhin muli ang realidad para mawala ang organisasyon. Pagsapit ng 24 Disyembre, nagdesisyon si Kyon na kailangan niya pang bumalik sa oras para iligtas ang sarili niya, habang pumasok siya sa silid ng club nila para ipagdiwang ang Pasko.
Mga karakter
baguhinBrigada SOS
baguhinHaruhi Suzumiya (涼宮 ハルヒ Suzumiya Haruhi)
Boses ni: Aya Hirano (Hapones), Wendee Lee (Ingles)
Kyon (キョン)
Boses ni: Tomokazu Sugita (Hapones), Crispin Freeman (Ingles)
Yuki Nagato (長門 有希 Nagato Yuki)
Boses ni: Minori Chihara (Hapones), Michelle Ruff (Ingles)
Mikuru Asahina (朝比奈 みくる Asahina Mikuru)
Boses ni: Yuko Goto (Hapones), Stephanie Sheh (Ingles)
Itsuki Koizumi (古泉 一樹 Koizumi Itsuki)
Boses ni: Daisuki Ono (Hapones), Johnny Yong Bosch (Ingles)
Mataas na Paaralang Hilaga
baguhinRyoko Asakura (朝倉 涼子 Asakura Ryoko)
Boses ni: Natsuko Kawatani (Hapones), Bridget Hoffman (Ingles)
Tsuruya (鶴屋)
Boses ni: Yuki Matsuoka (Hapones), Kari Wahlgren (Ingles)
Taniguchi (谷口)
Boses ni: Minoru Shiraishi (Hapones), Sam Riegel (Ingles)
Kunikida (国木田)
Boses ni: Megumi Matsumoto (Hapones), Brianne Siddall (Ingles)
Suporta
baguhinNakababatang kapatid na babae ni Kyon (キョンの妹 Kyon no Imōto)
Boses ni: Sayaka Aoki (Hapones), Kari Wahlgren (Ingles)
Sir Okabe (岡部)
Boses ni: Eiji Yanagisawa (Hapones), Michael McConnohie (Ingles)
Produksiyon at pagpalabas
baguhinNoong 18 Disyembre 2007, pinalitan ng isang pekeng 404 error ang pahina ng opisyal na websayt ng anime na Suzumiya Haruhi no Yuuutsu. May lima itong form-input field, isang reference sa unang araw na tinukoy sa ikaapat na nobela ng serye.[3] Di tulad ng naunang naanunsyo, hindi lumabas ang kwento ng Shoushitsu sa ikalawang season nito. Isang pagsasaere muli ng mga episode na unang ipinalabas noong 2006 na may kasamang mga bagong episode hango sa mga kwento ng ikalawa, ikatlo, at sa ikalimang nobela ng serye ang inere noong 2009. Gayunpaman, sa pagtatapos ng pagsasaere nito, isang 30 segundong teaser trailer ang inere na nagpapakita kay Yuki Nagato, at ipinahayag rito na gagawing pelikula ang Shoushitsu.[4] Nakaplano itong ilabas sa darating na 6 Pebrero 2010.[5] Inilabas noong Disyembre 2009 ang isang minutong promosyonal na bidyo nito.[6] Inilabas naman ang parehong regulár at limitadong edisyon ng DVD/Blu-ray nito noong 18 Disyembre 2010.[7][8]
Lisensiyado ang Bandai Entertainment para ilabas ang pelikula sa Hilagang Amerika. Ipinalabas nito ang pelikula nang naka-subtitle sa Ingles sa sinehan ng Viz sa San Francisco mula 21 Mayo 2010, na sinundan naman ng pagpapalabas sa sinehan ng Laemmle's Street sa Hollywood noong 24 Hunyo 2010.[9] Ipinalabas rin ito sa mga sinehan sa Hawaii noong Hunyo 2010 sa tulong ng Consolidated Theaters at ng Artisan Gateway bilang parte ng kanilang programang Spotlight Asia Films.[10] Magkasamang prinodyus ang bersyon nito sa Ingles ng Bang Zoom! Entertainment.[11] Inilabas ang DVD at Blu-ray nito sa Hilagang Amerika noong 20 Setyembre 2011.[12] Inilabas naman ng Manga Entertainment ang DVD nito sa Reyno Unido noong 7 Nobyembre 2011,[13] matapos maantala ang orihinal na paglabas sana nito noong 25 Hulyo.[14][15] Nakansela ang balak na paglabas ng Blu-ray nito sa 2012.[16] Samantala, inilabas din ng Madman Entertainment ang DVD at Blu-ray ng pelikula sa Awstralya at sa Bagong Selanda noong 16 Nobyembre 2011. Inilabas naman ito sa Europa noong 17 Oktubre 2010 sa Scotland Loves Anime sa lungsod ng Edinburgh. Samantala, inere naman ng Animax Asia ang naturang pelikula.
Samantala, dinagdag ng Netflix ng Pilipinas ang naturang pelikula pati na ang dalawang season ng Suzumiya Haruhi no Yuuutsu noong 2019.[17]
Musika
baguhinAng pangunahing tema ng pelikula ay ang kantang "Yasashii Boukyaku"[b] na kinanta ni Minori Chihara. Inilabas ang single nito noong 24 Pebrero 2010.[18] Ginamit naman bilang pambungad na tema ang "Bouken Desho? Desho?"[c] na kinanta ni Aya Hirano. Inilabas naman ang soundtrack ng pelikula noong 27 Enero 2010. Naglalaman ito ng mga orihinal na iskor at Gymnopédies, Gnossiennes, at Je te veux ni Erik Satie, na ginamit sa pelikula.[19] Itinugtog ito ng Eminence Symphony Orchestra at prinodyus ni Satoru Kousaki.
Blg. | Pamagat | Musika | Haba |
---|---|---|---|
1. | "Itsumo no Fuukei kara Hajimaru Monogatari" (いつもの風景から始まる物語 Nagsimula ang Kuwento sa Karaniwang Tanawin) | Satoru Kousaki | 3:51 |
2. | "SOS-dan Kurisumasu Pa~ti" (SOS団クリスマスパーティ Christmas Party ng Brigada SOS) | Kousaki | 2:24 |
3. | "Dotabata Taimu" (ドタバタ・タイム Maingay Time) | Kousaki | 1:03 |
4. | "Nichijou no Saki ni Machiukeru Mono" (日常の先に待ち受けるもの Mga Naghihintay na Bagay sa Araw-araw) | Keigo Hoashi | 0:51 |
5. | "Asakura Ryouko to Iu Josei" (朝倉涼子という女性 Ang Babaeng si Ryouko Asakura) | Ryuuichi Takada | 2:59 |
6. | "Fuan kara Kyoufu e" (不安から恐怖へ Mula Balisa Patungong Takot) | Takada | 1:44 |
7. | "Uragirareta Kitai" (裏切られた期待 Nagtaksil na Inaasahan) | Hoashi | 2:48 |
8. | "Kodoku Sekai no Hirogari" (孤独世界の広がり Ang Pagkalat ng Mapag-isang Mundo) | Hoashi | 3:14 |
9. | "Kankyou Henka no Zehi" (環境変化の是非 Kalakasan at Kahinaan ng Pagbago sa Kapaligiran) | Kousaki | 2:56 |
10. | "Suzumiya Haruhi no Tegakari" (涼宮ハルヒの手がかり Ang Bakas ni Haruhi Suzumiya) | Kakeru Ishihama | 1:27 |
11. | "Hayaru Kokoro to Mae ni Denai Ashi" (はやる心と前に出ない足 Nag-uudyok na Puso at Di-magalaw na Paa) | Kousaki | 1:14 |
12. | "Tsunagatta Kioku" (つながった記憶 Nakakonektang Alaala) | Kousaki | 2:33 |
13. | "SOS-dan Futatabi" (SOS団再び Brigada SOS Muli) | Kousaki | 1:56 |
14. | "READY?" (Handa?) | Takada | 4:13 |
15. | "Ano Hi no Kioku o Oikakete" (あの日の記憶を追いかけて Hinahabol ang Alaala ng Araw na Iyon) | Kousaki | 1:27 |
16. | "Michibiku Josei no Kataru Kotoba" (導く女性の語る言葉 Mga Salitang Sinabi ng Babaeng Gabay) | Hoashi | 2:26 |
17. | "Mirai e no Ashiato" (未来への足跡 Mga Yapak mula Hinaharap) | Hoashi | 1:53 |
18. | "Jimunopedi Dai 2-ban" (ジムノペディ 第2番 Gymnopédies (Ikalawa)) | Erik Satie | 2:55 |
19. | "Nagato Yuki no Kokoro ni Aru Mono" (長門有希の心にあるもの Sa Puso ni Yuki Nagato) | Hoashi | 2:88 |
20. | "Jikoishiki no Kakunin" (自己意識の確認 Pagpapatotoo sa Sariling Kamalayan) | Hoashi | 2:44 |
21. | "Rekishi no Tenkanten" (歴史の転換点 Pagbabago sa Kasaysayan) | Takada | 3:18 |
22. | "Futatabi Deaeta Dan'intachi" (再び出逢えた団員たち Nagkitaan muli ang mga Miyembro) | Kousaki | 5:01 |
23. | "Itsumo no Fuukei de Owaru Monogatari" (いつもの風景で終わる物語 Nagtapos ang Kuwento sa Karaniwang Tanawin) | Kousaki | 3:16 |
Kabuuan: | 59:41 |
Blg. | Pamagat | Musika | Haba |
---|---|---|---|
1. | "Jimunopedi Dai 1-ban" (ジムノペディ 第1番 Gymnopédie Blg. 1) | Erik Satie | 3:17 |
2. | "Jimunopedi Dai 2-ban" (ジムノペディ 第2番 Gymnopédie Blg. 2) | Satie | 2:50 |
3. | "Jimunopedi Dai 3-ban" (ジムノペディ 第3番 Gymnopédie Blg. 3) | Satie | 2:27 |
4. | "Gunoshiennu Dai 1-ban" (グノシエンヌ 第1番 Gnossiennes Blg. 1) | Satie | 3:24 |
5. | "Gunoshiennu Dai 2-ban" (グノシエンヌ 第2番 Gnossiennes Blg. 2) | Satie | 2:17 |
6. | "Gunoshiennu Dai 3-ban" (グノシエンヌ 第3番 Gnossiennes Blg. 3) | Satie | 2:56 |
7. | "Ju tu Vu~" (ジュ・トゥ・ヴー Je te Veux[d]) | Satie | 5:15 |
Kabuuan: | 22:26 |
Kaugnay na midya
baguhinNagkaroon ang pelikula ng isang spinoff na manga na pinamagatang Nagato Yuki-chan no Shoushitsu (長門有希ちゃんの消失, Filipino: Ang Paglaho ni Nagato Yuki-chan[e]). Iginuhit ito ni Puyo at baha-bahaging inilathala sa magasing Young Ace ng Kadokawa Shoten simula noong Hulyo 2009. Nagkaroon rin ito ng anime, na prinodyus ng istudyong Satelight at umere noong Abril 2015.[20]
Samantala, nagkaroon rin ang pelikula ng isang larong nobelang biswal na pinamagatang Suzumiya Haruhi no Tsuisou.[f] Inilabas ito noong 12 Mayo 2011 ng Bandai Namco Games para sa PlayStation 3 (PS3) at sa PlayStation Portable (PSP). Naganap ang kwento ng laro pagkatapos ng mga pangyayari sa pelikula.[21]
Pagtanggap
baguhinPampito ang pelikula sa sampung pinakakumitang pelikula sa bansang Hapón noong una itong lumabas sa mga sinehan, at kumita ng tinatayang 200 milyong yen (103.2 milyong piso) sa una nitong linggo. Nanalo ito ng "Pinakamahusay na Pelikulang Pansinehan" sa Animation Kobe ng taong 2010. Nakabenta ang Blu-ray nito ng higit sa 77,000 kopya, una sa mga tsart ng Oricon, habang pumang-apat naman ang DVD nito na nakabenta ng 19,667 kopya. Samantala, nanalo si Minori Chihara ng "Pinakamahusay na Pag-awit" sa ikalimang taon ng Seiyuu Awards noong 2011 sa Tokyopara sa kanyang pagkanta sa "Yasashii Boukyaku."
Sa pangkalahatan, nakatanggap ang pelikula ng mga positibong papuri mula sa mga kritiko at sa mga tagahanga nito. Pinuri ni Theron Martin ng Anime News Network ang maraming aspeto ng pelikula, kasama na ang kwento, animasyon, at pagboses sa parehong Hapón at Ingles, ngunit tinukoy niya na nabawasan ang posibleng manonood ng pelikula dahil hindi ito nagbigay ng pagbabalik-tanaw sa serye. Pinansin rin niya ang haba ng pelikula, na kahit "gahibla" lang ang pagitan ng haba nito sa Final Yamato, pakiramdam niya'y "20-30 minutong mas mahaba" kaysa sa pinakamahabang pelikulang animasyong nagawa dahil sa mga eksenang "mas mahaba kaysa sa kinakailangan nito."[2]
Talababa
baguhin- ↑ 涼宮ハルヒの消失, Filipino: Ang Paglaho ni Haruhi Suzumiya
- ↑ 優しい忘却, Filipino: Magiliw na Paglimot
- ↑ 冒険でしょ?でしょ?, Filipino: Paglalakbay 'To, Diba? Diba?
- ↑ Wikang Pranses, lit. na 'Mahal Kita'
- ↑ Ang pangalang "Nagato Yuki-chan" ay nasa ayos ng pangalang Hapón, kung saan ang apelyido ay "Nagato" at ang pangalan ay "Yuki". Para mapreserba ang diwa ng pamagat, isinama ang hulaping "-chan" sa isinaling pamagat sa Filipino.
- ↑ 涼宮ハルヒの追想, Filipino: Ang Paggunita ni Haruhi Suzumiya
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Pineda, Rafael Antonio (29 Nobyembre 2016). "Funimation Licenses The Disappearance of Haruhi Suzumiya Film" [Nalisensiyahan ang Funimation [para] sa pelikulang The Disappearance of Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Martin, Theron (6 Disyembre 2011). "The Disappearance of Haruhi Suzumiya Blu-ray + DVD Review". Anime News Network. Nakuha noong 17 Setyembre 2020.
Its full 163 minute running time (including English credits) comes in only a hair behind Final Yamato as the second-longest animated movie ever made [...] (Gahibla lang ang pagitan ng buong 163-minuto haba nito (kasama ang credits sa Ingles) sa Final Yamato bilang ang ikalawang pinakamahabang pelikulang animasyon nagawa [...])
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Loo, Egan (18 Disyembre 2007). "New Haruhi Suzumiya Anime Series Details Revealed" [Inihayag ang mga detalye ng bagong anime ng Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Loo, Egan (9 Oktubre 2009). "Disappearance of Haruhi Suzumiya Film Announced for 2010 (Update 2)" [Inanunsyong sa 2010 ang pelikulang Disappearance of Haruhi Suzumiya (ika-2 update)]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Loo, Egan (3 Nobyembre 2009). "Gintama, Haruhi Suzumiya Films' Dates Listed in 2010 (Updated)" [Nilista sa 2010 ang mga petsa [ng paglabas] ng mga pelikula ng Gintama, Haruhi Suzumiya (in-update)]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Loo, Egan (18 Disyembre 2009). "Haruhi Suzumiya Film's New Promo Video Streamed" [Ini-stream ang bagong promo bidyo ng pelikula ng Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The Disappearance of Haruhi Suzumiya [Limited Edition] [Blu-ray]". CD Japan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The Disappearance of Haruhi Suzumiya [Limited Edition]". CD Japan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Macdonald, Christopher (2 Hunyo 2010). "Disappearance of Haruhi to Screen in LA June 24" [Ii-screen sa LA [sa] Hunyo 24 ang Disappearance of Haruhi]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Bandai Entertainment Acquires The Disappearance of Haruhi Suzumiya; E-Store Launches" [Nakuha ng Bandai Entertainment ang The Disappearance of Haruhi Suzumiya; nilunsad ang e-store]. Anime News Network (sa wikang Ingles). 15 Abril 2010. Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Loo, Egan (15 Abril 2010). "Bandai Entertainment Adds The Disappearance of Haruhi Suzumiya" [Dinagdag ng Bandai Entertainment ang The Disappearance of Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The Disappearance of Haruhi Suzumiya [BLU-RAY + DVD COMBO] (AVAIL 09/20/2011, PRE-ORDER NOW)". Bandai Entertainment (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2011. Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Loo, Egan (1 Nobyembre 2010). "Manga UK Adds Haruhi Film, 2nd TV Season, Haruhi-chan" [Dinagdag ng Manga UK ang pelikula at ikalawang TV season ng Haruhi, Haruhi-chan]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Osmond, Andrew (13 Abril 2011). "New Manga DVD/BR Release Dates Announced" [Inanunsyo ang petsa ng paglabas sa mga bagong DVD/BR ng Manga [Entertainment]]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Osmond, Andrew (13 Hunyo 2011). "(Updated) The Disappearance of Haruhi Suzumiya Delayed to November" [(In-update) Inusog sa Nobyembre ang [petsa ng paglabas ng] The Disappearance of Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Osmond, Andrew (6 Enero 2012). "Blu-ray Editions of K-ON! and The Disappearance of Haruhi Suzumiya Cancelled (Updated)" [Nakansela ang mga edisyong Blu-ray ng K-ON! at The Disappearance of Haruhi Suzumiya]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ Melegrito, JM (5 Hulyo 2019). "Netflix PH adds Spice and Wolf, Haruhi Suzumiya to streaming line-up" [Dinagdag ng Netflix PH and Spice and Wolf, Haruhi Suzumiya sa mga ii-stream.]. Animé Pilipinas (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Septiyembre 2021. Nakuha noong 21 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong) - ↑ "Yasashii Boukyaku - Gekijou-ban "Suzumiya Haruhi no Shoushitsu" - Chihara Minori | Lantis web site" 優しい忘却 - 劇場版『涼宮ハルヒの消失 - 茅原実里 | Lantis web site [Yasashii Boukyaku - Edisyong Pampelikula "Suzumiya Haruhi no Shoushitsu" Minori Chihara | Lantis website]. Lantis (sa wikang Hapones). Nakuha noong 19 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "Orijinaru Saundotorakku - Gekijou-ban "Suzumiya Haruhi no Shoushitsu" - Kousaki Satoru | Lantis website" オリジナルサウンドトラック - 劇場版『涼宮ハルヒの消失』- 神前暁 | Lantis web site [Orihinal na soundtrack - Edisyong Pampelikula "Suzumiya Haruhi no Shoushitsu" - Satoru Kousaki | Lantis website]. Lantis (sa wikang Hapones). Nakuha noong 19 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link) - ↑ "The Disappearance of Nagato Yuki-chan premieres this April 4" [Magsisimula sa darating na 4 Abril ang The Disappearance of Nagato Yuki-chan]. SGCafe (sa wikang Ingles). 25 Pebrero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Septiyembre 2020. Nakuha noong 19 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: Check date values in:|archive-date=
(tulong); Unknown parameter|authors=
ignored (tulong) - ↑ Loo, Egan (19 Oktubre 2010). "Suzumiya Haruhi no Tsuisō PSP/PS3 Game to Ship in 2011 (Update 2)" [Lalabas sa 2011 ang PSP/PS3 na larong Suzumiya Haruhi no Tsuisou (Ikalawang Update)]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Setyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
baguhin- Suzumiya Haruhi no Shoushitsu (anime) sa ensiklopedya ng Anime News Network (sa wikang Ingles) (sa wikang Ingles)