Listahan ng mga episode ng Suzumiya Haruhi no Yuuutsu

Talaan ng mga episode

Isang teleseryeng anime ang Suzumiya Haruhi no Yuuutsu. Ginawa ng Kyoto Animation at idinirek ni Tatsuya Ishihara, ibinase ito sa Haruhi Suzumiya, isang serye ng mga nobelang magaan na isinulat ni Nagaru Tanigawa at iginuhit ni Noizi Ito. Umiikot ang kuwento kay Kyon, isang lalaking nasa mataas na haiskul (senior high school), na isang araw ay nakatagpo si Haruhi Suzumiya, isang babaeng maligalig na walang kaalam-alam sa kapangyarihan niya: ang baguhin ang lahat-lahat. Napasama si Kyon sa Brigada SOS, isang di-opisyal na samahang may dayo (alien), manlalakbay-oras (time traveler), at esper.

Inere ang unang season ng anime, na may 14 na episode, sa bansang Hapón noong ika-2 ng Abril hanggang ika-2 ng Hulyo 2006. Orihinal na ipinalabas ito sa di-tuwirang ayos (nonlinear order). Ang ikalawang season naman nito, isang pagsasaere muli ng unang season na may kasamang 14 na bagong episode, ay inere sa ayos ayon sa pagkakakuwento (chronological order). Ipinalabas ang lahat ng 28 episode na ito noong ika-3 ng Abril[1] hanggang ika-9 ng Oktubre 2009. Inilabas naman ng Bandai Entertainment sa Hilagang Amerika ang naturang anime. Noong 2014, nakuha ng Funimation ang lisensiya nito pagkatapos magsara ang Bandai Entertainment.[2]

Ang pambungad na tema (opening theme) ng unang season ay Bouken Desho? Desho? (冒険でしょでしょ?, Filipino: Paglalakbay 'To Diba? Diba?) na kinanta ni Aya Hirano, samantalang ang kantang Hare Hare Yukai (ハレ晴レユカイ, Filipino: Masayang Magandang Panahon) na kinanta nina Hirano, Minori Chihara, at Yuko Goto ang nagsilbing pangwakas na tema nito. Para naman sa unang episode na ipinalabas (ika-11 sa ayos ng pagkakakuwento), ang pambungad na tema naman ay Koi no Mikuru Densetsu (恋のミクル伝説, Filipino: Ang Alamat ng Pag-ibig ni Mikuru) na kinanta naman ni Goto. Para naman sa ikalawang season nito, ang pambungad na tema ay Super Driver na kinanta ni Hirano, at ang kantang Tomare! (止マレ!, Filipino: Tigil!), kinanta nina Hirano, Chihara, at Goto, ang ginamit na pangwakas na tema nito.[3]

Sinundan ng isang pelikula ang anime, ang Suzumiya Haruhi no Shoushitsu. Ibinase ang kuwento nito sa ikaapat na nobela ng serye ng kaparehong pangalan.

Talaan ng episode

baguhin

Unang season

baguhin

Inere ang unang season na ipinalabas mula ika-2 ng Abril hanggang ika-2 ng Hulyo 2006 sa bansang Hapón, sa ayos na di-tuwiran (nonlinear order), kung hinalo ang pinakakuwento sa iba't ibang mga maiiksing kuwento ng mga nobela. Sa mga pasilip (preview) para sa susunod na episode, may dalawang numero ang binibigay nina Kyon at Haruhi. Base sa pagkakakuwento (kronolohikal na ayos) ang numerong binibigay ni Haruhi (kilala bilang ayos Haruhi), samantalang base naman sa pagpapalabas nito (ayos ng pag-ere) ang numerong binibigay ni Kyon (kilala bilang ayos Kyon). Hindi ito nagtutugma maliban lamang sa pasilip para sa ika-12 episode, kung saan pareho ang numerong binigay ng dalawa.[4] Ang unang episode ng pagsasaere, Asahina Mikuru no Bouken Episode 00, ay ang unang episode rin ng mga DVD, kahit na sinusunod nito ang kronolohikal na ayos (pang-11 ang naturang episode sa kronolohikal na ayos).[5] Noong isinaere muli ang serye noong 2009, nasa ayos ito ng kuwento (kronolohikal). Kinuha mula sa bersyon ng DVD ang mga episode ng unang season na ipinalabas noong 2009, kung itinatampok ang ilang pagbabagong biswal at dayalogo na wala sa orihinal na pag-ere nito noong 2006.

Paalala: A - ayos ng pagpapalabas (ayos Kyon), B - ayos ng pagkakakuwento, unang season (ayos Haruhi), C - ayos sa DVD, D - ayos sa ikalawang season. Pakipindot ang mga palaso upang ayusin ang mga episode sa isang partikular na ayos.

A B Pamagat Direktor Iskrip Petsa ng paglabas (2006) Petsa ng paglabas (2009) C D
111"Asahina Mikuru no Bouken Episode 00"
Ang Paglalakbay ni Mikuru Asahina Episode 00
(Hapones: 朝比奈ミクルの冒険 Episode00)
Yutaka YamamotoYutaka YamamotoAbril 2, 2006Setyembre 18, 2009125
Pinalabas ng Brigada SOS ang pelikula nila na may kaduda-dudang kalidad, na dinirek ni Haruhi Suzumiya at kinwento ni Kyon. Sa pelikulang iyon, isang waitress na manlalakbay-oras mula sa hinaharap si Mikuru Asahina na kailangang labanan si Yuki Nagato, na gumaganap bilang isang salamangkerong dayo (alien). Sumumpa si Mikuru na poprotektahan niya ang isang lalaki, na ginagampanan ni Itsuki Koizumi, pero nauwi ang tatlo sa isang love triangle, kung saan parehong may gusto ang dalawang babae kay Itsuki.
21"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu I"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya I
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱I)
Tatsuya IshiharaTatsuya IshiharaAbril 4, 2006Abril 3, 200921
Sa unang araw ng pagtungtong niya sa haiskul, nabigla si Kyon sa kaklase niya si Haruhi Suzumiya, na nagpakilalang gusto niya lamang makausap ang mga dayo, manlalakbay-oras, at esper. Sa isa mga tangkang pakikipag-usap ni Kyon sa kanya, aksidente niya itong nabigyan ng ideya na bumuo ng sarili niyang club. Pinangalanang Brigada SOS (SOS団, SOS-dan), pilit isinali ni Haruhi si Kyon sa naturang club, at inangkin ang silid ng club ng Panitikan. Sinali rin niya ang kaisa-isang miyembro ng Panitikan, ang tahimik na si Yuki Nagato, gayundin ang mahiyaing si Mikuru Asahina, na kinuha niya lang dahil sa laki ng dibdib nito at upang maging mascot ng club.
32"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu II"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya II
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱II)
Noriyuki KitanoharaYutaka YamamotoAbril 16, 2006Abril 10, 200932
Pumunta si Haruhi at ang Brigada SOS sa Kapisanan ng Pananaliksik sa Kompyuter upang bantaan ang pangulo nito at sapilitang makakuha ng isang kompyuter. Kinuha ni Haruhi si Mikuru upang i-promote ang club sa kaduda-dudang paraan. Samantala, inimbitahan naman ni Yuki si Kyon sa apartment niya, kung saan ibinunyag niya na di siya normal na tao gayundin si Haruhi.
47"Suzumiya Haruhi no Taikutsu"
Ang Pagkabagot ni Haruhi Suzumiya
(Hapones: 涼宮ハルヒの退屈)
Shinobu OkamotoKatsuhiko MuramotoAbril 23, 2006Mayo 15, 200987
Upang mapawi ang kabagutan niya, sinali ni Haruhi ang Brigada SOS sa isang torneo sa baseball. Bukod sa mga miyembro ng club, sinali rin ni Haruhi ang nakababatang kapatid na babae ni Kyon, gayundin sina Taniguchi, Tsuruya, at Kunikida upang maging siyam silang lahat. Kaso lang, napakahina ng koponang binuo ni Haruhi, na maaaring humantong sa pagkasira ng mundo kapag natalo siya sa torneo. Dahil rito, ginamit ni Yuki ang kapangyarihan niya upang baguhin ang kalalabasan ng mga laro.
53"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu III"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya III
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱III)
Kazuya SakamotoYutaka YamamotoAbril 30, 2006Abril 17, 200943
Ipinaliwanag ni Yuki, na nagpakilalang isang dayo (alien), ang tungkol sa mga Katawang May-isip ng Pinagsama-samang Datos (情報統合思念体, Jouhou Tougou Shinen-tai, Data Integration Thought Entity sa Ingles) at ang katotohanan na walang kaalam-alam si Haruhi na may kapangyarihan siyang gunawin o baguhin ang mundo. May pumasok na bagong-lipat na estudyante, si Itsuki Koizumi, sa klase nina Haruhi't Kyon. Sinali ito ni Haruhi sa club. Naghanap ang club, hinati sa grupo, sa lungsod nila ng mga misteryo't kababalaghan, kung saan binunyag ni Mikuru na isa siyang manlalakbay-oras na inatasang bantayan ang kilos ni Haruhi. Nagulantang sa mga sunod-sunod na rebelasyon, tinanong ni Kyon si Itsuki kung ano ba siya talaga. Umamin agad ito - isa siyang esper. Sinabi niya ang balak gawin ng Ahensiya niya, at kinumpirma ang mga sinabi nina Yuki at Mikuru patungkol kay Haruhi.
69"Kotou Shoukougun (Zenpen)"
Sakit sa Malayong Isla (Unang Bahagi)
(Hapones: 孤島症候群(前編))
Shinobu YoshiokaKatsuhiko MuramotoMayo 7, 2006Hunyo 5, 20091010
Pinatuloy ng isang malayong kamag-anak ni Itsuki, si Keiichi Tamaru, ang Brigada SOS, kasama ang kapatid ni Kyon, sa kagagawang villa sa isang malayong isla. Nagsaya ang grupo sa kanilang unang araw sa isla, at naglaro sa dalampasigan. Sa ikalawang araw naman, dumaan ang isang bagyo at napilitan ang grupo na manatili muna sa mansyon, kung saan naglaro sila sa isang silid. Kinabukasan, bigla na lang nawala ang kapatid ni Keiichi na si Yutaka Tamaru, at nakita na lang ng Brigada SOS ang patay na Keiichi.
78"Misuterikku Sain"
Mystérique Sign, lit. na 'Misteryosong Paskil'
(Hapones: ミステリックサイン)
Taichi IshidateAtsushi Itō14 Mayo 2006 (2006-05-14)Mayo 29, 200999
Matapos utusan ni Haruhi si Kyon na ilagay ang ginawa niyang logo sa websayt ng brigada, humingi ng tulong ang isang babaeng nangangalang Emiri Kimidori upang hanapin ang nawawala niyang kasintahan, ang pangulo ng Pananaliksik sa Kompyuter. Matapos mabagot si Haruhi dahil sa wala siyang mahanap na kahit ano sa apartment ng nawawala, nadiskubre nina Kyon atbp. na nakakulong pala ang lalaking hinahanap nila sa isang nilalang na datos sa loob ng isang selyadong realidad. Matapos matalo ang nilalang nina Yuki at Itsuki at mailigtas ang pangulo, nalaman nila na ang logo pala ni Haruhi ang pinakapuno't dulo ng lahat. Matapos nito, sinabi ng pangulo ng Kapisanan na wala siyang kasintahan, kaya nagduda si Kyon na baka pakana lang ni Yuki ang kaso para di mabagot si Haruhi.
810"Kotou Shoukougun (Kouhen)"
Sakit sa Malayong Isla (Huling Bahagi)
(Hapones: 孤島症候群(後編))
Tomoe ArataniFumihiko Shimo21 Mayo 2006 (2006-05-21)Hunyo 12, 20091111
Lumabas sina Haruhi at Kyon para hanapin si Yutaka, na pinaniniwalaan nilang siyang pumatay kay Keiichi. Matapos ng ilang mga pangyayaring nakakamatay, naghinuha si Haruhi na peke ang "pagpatay" na ginawa ni Itsuki at ng iba pa. Lingid sa kaalaman niya, ginawa nila ito upang walang maganap na totoong pagpatay na iniisip ni Haruhi habang nasa daan sila papunta sa isla.
914"Samudei in za Rein"
Someday in the Rain, lit. na 'Balang araw habang Umuulan'
(Hapones: サムデイ イン ザ レイン)
Noriyuki KitanoharaNagaru Tanigawa28 Mayo 2006 (2006-05-28)Oktubre 9, 20091428
Papasok na ang taglamig, kaya naman inutusan ni Haruhi si Kyon na kumuha ng isang pampainit (heater). Nang umalis ito, kinuhanan ni Haruhi ng samu't saring mga larawan si Mikuru, sa iba't ibang kasuotan, para sa poster ng ginawa nilang pelikula. Tumulong si Itsuki, samantalang nagbabasa si Yuki sa isang tabi. Nang makabalik si Kyon sa silid, nakita niya lang si Yuki, at nakatulog kakahintay sa iba. Ginising siya ni Haruhi, at tinakpan ng cardigan para di siya malamigan. Nagulat si Haruhi sa muntik na pagkabisto ni Kyon sa kanya, kahit na ang tanging napansin nito na suot-suot niya ang cardigan ni Mikuru. Nasa maayos na mood si Haruhi, habang sabay silang umuwi ni Kyon sa iisang payong dulot ng biglaang ulan.
104"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu IV"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya IV
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱IV)
Taichi IshidateTatsuya Ishihara4 Hunyo 2006 (2006-06-04)Abril 24, 200954
Nakakita si Kyon ng isang misteryosong sulat sa locker niya. Sinasabi nito na puntahan niya ang klasrum nila, kung saan nakaharap niya ang pangulo ng klase, si Ryoko Asakura. Isa rin dayong tulad ni Yuki, tinangkang patayin ni Ryoko si Kyon upang may gawin si Haruhi. Pinigilan siya ni Yuki, na nagbura sa datos ni Ryoko. Pagkatapos nito, kinabukasan, iniulat sa klase na lumipat ng paaralan ang pangulo nila. Matapos nito, binisita siya ni Mikuru mula sa hinaharap, kung saan sinabi nito na may kinalaman ang kuwentong Snow White sa mga darating na araw.
1113"Iteza no Hi"
Ang Araw ng Sagitaryo
(Hapones: 射手座の日)
Yasuhiro TakemotoShoji Gatoh11 Hunyo 2006 (2006-06-11)Oktubre 2, 20091327
Hinamon ng Kapisanan ang Brigada SOS sa isang larong ginawa nila, ang The Day of the Sagittarius III. Kung sakaling manalo sila, ibabalik ng brigada ang kinuha nilang kompyuter sa kanila. Habang naglalaro, nadiskubre ni Yuki na nandaya ang Kapisanan sa pamamagitan ng pagtanggal sa fog of war ng koponan nila. Dahil rito, hinack ni Yuki ang naturang laro para ayusin ito. Nanalo ang Brigada SOS. Nagulantang at namangha, inanyayahan ng Kapisanan si Yuki na pumaroon sa silid nila para mag-usap patungkol sa pagpoprograma.
1212"Raibu Araibu"
Live Alive, lit. na 'Buhay Ngayon'
(Hapones: ライブアライブ)
Yutaka YamamotoYutaka Yamamoto18 Hunyo 2006 (2006-06-18)Setyembre 25, 20091226
Nagdaos ang paaralan nina Kyon ng kanilang bunkasai. Sumali ang Brigada sa iba't iabng mga atraksyon ng pista. Samantala, naglibot-libot si Kyon, na pagod na pagod mula sa pagprodyus nila sa pelikula para sa pista. Nakita niya sina Haruhi at Yuki na tumutugtog sa isang konsiyerto ng bandang nawalan ng bokalista at gitarista.
135"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu V"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya V
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱V)
Noriyuki KitanoharaFumihiko Shimo25 Hunyo 2006 (2006-06-25)Mayo 1, 200965
Takang-taka sa biglaang pagkawala ni Ryoko, sinama ni Haruhi si Kyon para mag-imbestiga. Habang naghahanap, nakuwento ni Haruhi ang kabataan niya at kung bakit niya gustong maghanap ng mga di-normal na bagay - ito'y upang malampasan niya ang takot ng pagiging di kilala. Sumunod na sinabi ni Itsuki ang tungkol sa prinsipyong antropiko at kung paano ito nauugnay kay Haruhi. Pinaniniwalaan na si Kyon ang puno't dulo kung bakit hinihiling ni Haruhi na magkaroon sana ng mga dayo. Dinala ni Itsuki si Kyon sa isang selyadong realidad, kung saan pinatay ni Itsuki at ng iba pang mga esper ang isang higanteng kulay-bughaw na nilalang na ginawa ni Haruhi sa isip niya nang di namamalayan.
146"Suzumiya Haruhi no Yuuutsu VI"
Ang Kalumbayan ni Haruhi Suzumiya VI
(Hapones: 涼宮ハルヒの憂鬱VI)
Tatsuya IshiharaFumihiko Shimo2 Hulyo 2006 (2006-07-02)Mayo 8, 200976
Aksidenteng nabuksan isang gabi ang kapangyarihan ni Haruhi. Dahil rito, nakulong sina Kyon at Haruhi sa isang selyadong realidad sa loob ng paaralan nila. Kinamusta ni Itsuki si Kyon, at sinabing gumagawa ngayon ng bagong mundo si Haruhi, at siya lang ang tanging maliligtas sa mga pagbabago. Kinontak ni Yuki si Kyon gamit ang isang kompyuter at nagbigay ng isang clue - ang kuwento ng Dalagang Natutulog (Sleeping Beauty) - para mapigilan ang ginagawa ni Haruhi. Nagpakita ang mga kulay-bughaw na nilalang sa paaralan at unti-unting sinisira ang mundo. Dahil rito, hinalikan ni Kyon si Haruhi, na nagpabalik sa dating mundo. Pinaniniwalaan ni Haruhi na isa iyong bangungot, pero sinunod pa rin niya ang hiling ni Kyon sa selyadong realidad na mag-ponytail.

Ikalawang season

baguhin
D Pamagat Direktor Iskrip Petsa ng paglabas (Hapón) Petsa ng paglabas (Ingles) E
8"Sasa no Ha Rapusodi"
Rapsodya ng Dahon ng Kawayan
(Hapones: 笹の葉ラプソディ)
Yasuhiro TakemotoFumihiko Shimo22 Mayo 2009 (2009-05-22)Abril 6, 20111
Sa pista ng Tanabata, dinala ni Mikuru si Kyon tatlong taon pabalik sa nakaraan. Doon, pinatulog ni Mikuru ng hinaharap si Mikuru ng nakaraan, at sinabihin si Kyon na may tutulungan siya. Nakita ni Kyon, na nagpakilala bilang si John Smith, ang batang bersyon ni Haruhi at tinulungang iguhit ang mga kakaibang simbolo sa quadrangle ng paaralan. Tinanong ni Haruhi si Kyon patungkol sa mga kababalaghan, at sumagot si Kyon: may kilala siyang katulad niya sa paaralan niya. Matapos umalis ni Haruhi, ginising ni Kyon si Mikuru, na nakatulog at aksidenteng nawala ang aparato niya sa paglalakbay-oras. Pumunta sila kay Yuki, at sumailalim sa isang time statis (pagtulog nang matagal) sa apartment nito upang makabalik sila sa kasalukuyan. Napag-isip-isip ni Kyon kung siya ba ang inspirasyon ni Haruhi para pumasok sa paaralan niya at maghanap ng mga kababalaghan.
12"Endoresu Eito I"
Endless Eight I, lit. na 'Walang Katapusang Walo I'
(Hapones: エンドレスエイト I)
Mitsuyoshi YonedaShoji Gatoh19 Hunyo 2009 (2009-06-19)Abril 13, 20112
Tinawag ni Haruhi ang buong brigada para sulitin ang bakasyon. Marami silang ginawa. Pumunta sila sa isang pampublikong languyan, nakipista, nagpaputok, naghanap ng insekto, nagpart-time, tumingin sa mga bituin, nag-baseball, nanood ng fireworks, sumali sa isang paligsahan, pumunta sa sementeryo, nanood ng pelikula, pumunta sa dalampasigan, nag-bowling, at nag-karaoke. Nagawa ang lahat ng nasa listahan, nakukulangan pa rin si Haruhi pero binigay niya ang huling araw ng bakasyon. Bagamat sinubukan niyang gawin ang takda niyang nakalimutang niyang gawin, sumuko rin siya sa huli at natulog na lang.
13"Endoresu Eito II"
Endless Eight II, lit. na 'Walang Katapusang Walo II'
(Hapones: エンドレスエイト II)
Tomoe ArataniYasuhiro Takemoto26 Hunyo 2009 (2009-06-26)Abril 13, 20113
Tinawag ni Haruhi ang buong brigada para sulitin ang bakasyon. Marami silang ginawa - halos pareho ng nakaraang episode. Nakaramdam si Kyon ng matinding deja vu, at nung nalaman ni Mikuru na hindi siya makalakbay sa hinaharap, ipinagpalagay ni Itsuki na nasa loob sila ng isang time loop, kung saan umuulit ang buong huling dalawang linggo ng Agosto. Iniulat ni Yuki na umulit na sila nang 15,498 beses, na may maliit na pagkakaiba sa isa't isa. Sa huling araw ng kasalukuyang pag-ulit, napag-isip-isip ni Kyon na mayroon pang gustong gawin si Haruhi. Pinag-isipan niya ito nang matindi, hanggang sa sumuko na lang siya at hinayaang umulit muli ang lahat.
14"Endoresu Eito III"
Endless Eight III, lit. na 'Walang Katapusang Walo III'
(Hapones: エンドレスエイト III)
Yoshiji KigamiYasuhiro Takemoto3 Hulyo 2009 (2009-07-03)Abril 20, 20114
Sa ika-15,499 na pagkakataon, umulit muli ang buong dalawang linggo. Tulad ng nakaraang episode, hindi nalutas ni Kyon kung ano ang gustong gawin ni Haruhi sa huling araw ng bakasyon.
15"Endoresu Eito IV"
Endless Eight IV, lit. na 'Walang Katapusang Walo IV'
(Hapones: エンドレスエイト IV)
Noriko TakaoYasuhiro Takemoto10 Hulyo 2009 (2009-07-10)Abril 20, 20115
Ito na ang ika-15,513 pagkakataong umulit muli ang dalawang linggo. Sobrang tumindi ang kilabot ni Kyon na para bang nakita niya na ang mga pangyayari noon pa.
16"Endoresu Eito V"
Endless Eight V, lit. na 'Walang Katapusang Walo V'
(Hapones: エンドレスエイト V)
Tatsuya IshiharaYasuhiro Takemoto17 Hulyo 2009 (2009-07-17)Abril 27, 20116
Bagamat umulit ang mga pangyayari sa ika-15,521 pagkakataon, marami-rami ang nabago sa mga eksena. Nawala ang eksena kung saan bumili sina Haruhi, Yuki, at Mikuru ng kani-kanilang yukata, tinanong ni Kyon si Yuki patungkol sa mga nangyayari sa gubat imbes sa baseball cage, at umulit nang tatlong beses ang eksena kung saan papaalis si Haruhi sa restawran pagkatapos ng miting nila sa huling araw. Tulad ng dati, hindi nalutas ni Kyon kung ano ang gusto ni Haruhi.
17"Endoresu Eito VI"
Endless Eight VI, lit. na 'Walang Katapusang Walo VI'
(Hapones: エンドレスエイト VI)
Noriyuki KitanoharaYasuhiro Takemoto24 Hulyo 2009 (2009-07-24)Abril 27, 20117
Umulit na naman ang buong dalawang linggo sa ika-15,524 na beses. Tulad ng dati, matindi ang kaso ng deja vu ni Kyon, at nung nalaman niyang umuulit pala ang lahat, naghanap siya ng paraan kung paano tapusin iyon. Bandang huli, sumuko siya.
18"Endoresu Eito VII"
Endless Eight VII, lit. na 'Walang Katapusang Walo VII'
(Hapones: エンドレスエイト VII)
Taichi IshidateYasuhiro Takemoto31 Hulyo 2009 (2009-07-31)Mayo 4, 20118
Umulit muli ang huling dalawang linggo ng brigada sa ika-15,527 pagkakataon. Sa iterasyong ito, umulit nang dalawang beses ang mga eksena kung saan sinagot ni Kyon ang tawag ni Haruhi, eksena kung saan napansin ni Kyon si Yuki, at ang huling eksena.
19"Endoresu Eito VIII"
Endless Eight VIII, lit. na 'Walang Katapusang Walo VIII'
(Hapones: エンドレスエイト VIII)
Mitsuyoshi YonedaKatsuhiko Muramoto7 Agosto 2009 (2009-08-07)Mayo 4, 20119
Sa ika-15,532 na pagkakataon, umulit ang dalawang linggo ng brigada. Gayunpaman, bago matapos ang huling araw ng pag-ulit, niyaya ni Kyon na gawin nang magkasama ang mga takda nila. Pinagalitan ni Haruhi si Kyon dahil inutusan niya siya, pero sumama pa rin siya kahit na natapos na niya ang takda niya noong Hulyo. Ngayong di na nakukulangan si Haruhi sa bakasyon nila, gumising si Kyon sa umaga ng Setyembre 1, ang unang araw ng pasukan. Nagbigay si Itsuki ng hinuha patungkol sa mga nangyari: hindi naisip ni Haruhi na magkasamang gumawa ng takda dahil sa sobrang talino niya, palagi siyang maagang nakakatapos ng mga takda.
20"Suzumiya Haruhi no Tameiki I"
Ang Buntong-Hininga ni Haruhi Suzumiya I
(Hapones: 涼宮ハルヒの溜息I)
Naoko YamadaNagaru Tanigawa14 Agosto 2009 (2009-08-14)Mayo 11, 201110
21"Suzumiya Haruhi no Tameiki II"
Ang Buntong-Hininga ni Haruhi Suzumiya II
(Hapones: 涼宮ハルヒの溜息II)
Noriko TakaoKatsuhiko Muramoto21 Agosto 2009 (2009-08-21)Mayo 11, 201111
22"Suzumiya Haruhi no Tameiki III"
Ang Buntong-Hininga ni Haruhi Suzumiya III
(Hapones: 涼宮ハルヒの溜息III)
Tatsuya IshiharaAtsushi Itō28 Agosto 2009 (2009-08-28)Mayo 18, 201112
23"Suzumiya Haruhi no Tameiki IV"
Ang Buntong-Hininga ni Haruhi Suzumiya IV
(Hapones: 涼宮ハルヒの溜息IV)
Noriyuki KitanoharaYasuhiro Takemoto4 Setyembre 2009 (2009-09-04)Mayo 18, 201113
24"Suzumiya Haruhi no Tameiki V"
Ang Buntong-Hininga ni Haruhi Suzumiya V
(Hapones: 涼宮ハルヒの溜息V)
Taichi IshidateTatsuya Ishihara11 Setyembre 2009 (2009-09-11)Mayo 25, 201114

Mga sanggunian

baguhin
  1. Loo, Egan (Mayo 21, 2009). "New Haruhi Suzumiya Anime Episode Airs" [Umere ang bagong episode ng anime na "Haruhi Suzumiya"]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ressler, Karen (Agosto 9, 2014). "Funimation Licenses Haruhi Suzumiya, Lucky Star Anime; Strike Witches, Steins;Gate Films" [Nalisensiyahan ang Funimation para sa anime na Haruhi Suzumiya [at] Lucky Star; pelikula ng Strike Witches [at] Steins;Gate]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Suzumiya Haruhi no Yuuutsu" 涼宮ハルヒの憂鬱. Kyoto Animation. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 20, 2009. Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Iteza no Hi" 射手座の日 [Ang Araw ng Sagitaryo]. Suzumiya Haruhi no Yuuutsu. Panahon 1 (sa wikang Hapones). Hunyo 11, 2006. {{cite episode}}: Unknown parameter |episode= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Martin, Theron (Hunyo 1, 2007). "English DVD 1 review" [Rebyu sa unang DVD ng Ingles [na dub]]. Anime News Network (sa wikang Ingles). Nakuha noong Nobyembre 4, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)