Baryable

(Idinirekta mula sa Nagbabago)

Sa matematika, ang nagbabago o baryable[tb 1] (Kastila: variable, Ingles: variable) o aligin [1] ay isang halaga na maaaring magbago sa sakop na problema o hanay ng mga operasyon. Sa kabaligtaran, ang konstante ay isang halaga na hindi nagbabago. Ang mga konsepto ng variable at konstant ay pundamental sa matematika at mga aplikasyon nito.

Ang mga variable ay maaaring uriin bilang nakasalalay o malaya. Ang independiyenteng baryable ay itinuturing na mga input sa mga punsiyon at maaaring kumatawan sa anumang halaga. Ang dependiyenteng baryable sa kabilang dako ay mga variable na maaaring magbago ayon sa pagbabago ng ibang halaga sa sistema.

Halimbawa, sa punsiyong   kung saan ang punsiyong f ay tumutukoy sa  , ang y ang dependiyenteng bariabulo dahil ang halaga ng y ay nakadepende sa magiging halaga ng x. Ang x ay independiyenteng bariabulo sa ekwasyon dahil ito ay hindi nakadepende sa halaga ng y.

Pagpoprograma ng kompyuter

baguhin

Sa pagpoprograma ng kompyuter, ang bariabulo ay tumutukoy sa isang halaga na kumakatawan sa isang espasyo ng memorya sa kompyuter at ginagamit upang magsilbing lalagyan ng mga halaga na ginagamit sa mga operasyon ng programa.

Talababa

baguhin
  1. bigkas: /bár·ya·blé/; mula sa Espanyol na variable

Mga sanggunian

baguhin
  1. Marissa R. Enriquez (2012). English-Tagalog Tagalog-English Dictionary. Amos Books, Inc. p. 423. ISBN 971-0324-24-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.