Impluwensiya

tartar
(Idinirekta mula sa Naimpluwensiyahan)

Ang impluwensiya ay isang lakas, puwersa o kapangyarihan na nakapagpapabago na nagmumula sa labas ng isang tao o isang bagay na naimpluwensiyahan nito. Maaari itong sinadyang binalak ng iba, o maaari ring resulta na hindi binalak na naganap dahil sa ibang mga kaganapan. Ang pang-uring maimpluwensiya (influential) ay may kahulugang "nakakaimpluwensiya", kaya't ang mga tao o mga bagay na may impluwensiya o maimpluwensiya ay may kapangyarihang pagbaguhin ang ibang mga tao o mga bagay sa pamamagitan ng ilang kaparaanan. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang ilarawan ang tanyag na mga tao. Halimbawa, si Mohandas Gandhi ay isang napaka maimpluwensiuang tao, dahil sa mga bagay na nagawa niya at nasabi ay nakapagpabago sa buhay ng maraming mga tao, at maraming mga taong naniniwala na naimpluwensiyahan niya ang mundo. Maaari ring maging isang masamang bagay ang impluwensiya. Halimbawa, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaimpluwensiya sa buhay ng maraming mga tao, na naging sanhi ng pagiging napakahirap para sa mga taong ito na mamuhay na may kasiyahan kahit na lumipas na ang digmaang ito. Sa larangan ng batas, partikular na sa mga nagsasalita ng wikang Ingles, ang pariralang "driving under the influence" (o DUI), na may kahulugang "nagmamanehong nasa ilalim ng impluwensiya" ay may ibig sabihing nagmamaneho habang lasing o nagmamaneho nang nakainom ng alak; sa ibang pananalita, isa itong pagmamaneho ng isang kotse o iba pang sasakyan habang nasa katayuan pa ng pagkalasing dahil sa inuming may alkohol o nakalalasing, na itinuturing na isang krimen sa karamihan ng mga pook sa mundo.

Tingnan din

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.