Nakasuspindeng Tulay ng Magapit

Ang Tulay ng Magapit ay isang nakasuspindeng tulay (suspension bridge) na may habang 257 m (843 tal) upang i-ugnay ang silangan at kanlurang mga dako ng Ilog Cagayan sa Lal-lo, Cagayan. Ibinuksan noong 1978, ibinubuhat nito ang Daang Maharlika sa pagitan ng mga Barangay ng Bangag at Magapit sa Lal-lo. Binansagan ng mga naninirahan doon ang tulay bilang "Golden Gate of Cagayan." Ito ay isa sa dalawang natatanging mga tulay sa lalawigan na tumatawid sa ibabaw ng Ilog Cagayan, ang isa pa ay Tulay ng Buntun.

Nakasuspindeng Tulay ng Magapit

Nakasuspindeng Tulay ng Magapit magtatakip-silim, noong 2007
Opisyal na pangalan Magapit Suspension Bridge
Tumatawid sa Ilog Cagayan
Pook Cagayan
Pinanatili ng Department of Public Works and Highways
Disenyo Nakasuspindeng tulay
Pinakamahabang kahabaan 257 m (843 tal)
Kabuuang haba 449.14 m (1,473.6 tal)
Load limit 20 metric ton (20 long ton; 22 short ton)
AADT 2 landas ng pansasakyang trapiko; mga bangketa para sa mga naglalakad
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo 1978
Petsa ng pagbubukas 1978
Mga koordinado 18°07′20″N 121°40′22″E / 18.122258°N 121.672672°E / 18.122258; 121.672672

Ang yumaong si Engr. Angel G. Villanueva ay ang inhinyero ng proyekto ng Nakasuspindeng Tulay ng Magapit sa ilalim ng IWCDC (pagmamay-ari ng mga Dy) at mga tagasangguning Hapones.

Pagsasaayos

baguhin

Isinailalim ang tulay sa isang pagsasaayos na nagsimula noong Mayo 16, 2012 at natapos noong Nobyembre 20, 2012. Pansamantalang nilingkuran ng mga bangkang ferry ang trapiko sa kasagsagan ng pagsasaayos. Tinatayang nasa 100 milyong piso ang halaga ng proyektong pagsasaayos. [1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. DPWH: Magapit Bridge closed starting May 16 for repair "Archived copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-05. Nakuha noong 2012-05-28. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)