Babaeng nasa ibabaw
Ang Babae ang nasa ibabaw (Ingles: woman on top, jackhammer position, cowboy position, cowgirl position) ay isang pangkat ng mga posisyon sa pagtatalik kung saan ang nagpapasok na katalik ay nakahiga o nakaupo; o kaya ang tumatanggap na katalik ay nakabukaka sa nagpapasok na katalik at ang mga magkatalik ay nakaharap sa isa't isa; o kaya ang mga magkatalik ay inihahanay ang puki o butas ng puwit ng tumatanggap na katalik sa matigas na titi ng nagpapasok na katalik upang magkamit ng penetrasyon.[1] Batay sa Ingles na katawagan, matatawag din ang posisyong ito bilang posisyon ng makinang pantibag, babaeng nangangabayo, posisyong pangkoboy, posisyon ng rantserong babae, posisyon ng rantsera, posisyon ng rantserong lalaki. Ang pangalang posisyon ng babaeng nangangabayo, posisyong pangkoboy, at posisyon ng rantsera ay hinango ang diwa mula sa paglalarawan ng tumatanggap na kapareha bilang "nakasakay" sa katalik bilang isang koboy na nakasakay sa isang kabayong dumadamba o umaalma (dahil noon pa lamang nasakyan, hindi pa nasasakyan dati). Isa ito sa isang bilang ng mga posisyong seksuwal kung saan ang nangingibabaw o mapagpaimbabaw ang tumatanggap na katambal, at ang isa pa ay ang posisyon ng nakatalikod na babaeng nangangabayo. Ang posisyong ito ay ginagamit bilang isang pahimatong o paunang posisyon bago isagawa ang pantagilirang posisyon ng pagtatalik na inilarawan ng Masters and Johnson.[2]
Ang posisyong ito ay pangkaraniwang binabanggit bilang isa sa pinakatanyag na mga posisyong pangpagtatalik.[3] Nagbibigay ito sa katalik na tumatanggap ng higit na kontrol o pagtaban at nagpapahintulot din sa kaparehang nagpapasok upang matanaw at haplusin ang dibdib at lugar ng puson o tiyan ng kapareha.[1][4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Discovery Health Sexual Positions" Naka-arkibo 2012-01-15 sa Wayback Machine.. healthguide.howstuffworks.com. Nakuha noong 2010-10-22.
- ↑
Masters, Johnson (Hunyo 1970). Human Sexual Inadequacy (ika-1st (na) edisyon). Little Brown and Company. p. 54. ISBN 0316549851.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Positions for Sexual Intercourse" Naka-arkibo 2013-09-24 sa Wayback Machine.. the-clitoris.com. Nakuha noong 2010-10-22.
- ↑ "Sex Positions For Better Sex" Naka-arkibo 2010-09-02 sa Wayback Machine.. everydayhealth.com. Nakuha noong 2010-10-22.