Namamalayang panaginip
Ang namamalayang panaginip (lucid dream sa Ingles) ay isang panaginip kung saan may kamalayan ang nananaginip. Kaugnay sa hindi pangkaraniwang bagay na ito, ang Griyegong pilosopo si Aristotle ay naobserbahang: "kadalasang tuwing ang isang tao ay tulog, mayroong bagay sa kanyang kamalayan na nagsasabing ang ipinepresenta sa kanya ay isa lamang panaginip." Isa sa mga pinakaunang sanggunian sa mga personal na karanasan sa dalisay na pananaginip ay mula kay Marie-Jean-Léon, Marquis d’Hervey de Saint Denys.
Ang pinakakinikilala bilang lumikha ng tawag dito ay ang sikiyatriko at manunulat na Olandes na si Frederik (Willem) van Eeden (1860-1932). Sa isang namamalayang panaginip, ang nananaginip ay mas malaking pagkakataon na magsikap na pigilan ang kanyang paglahok sa loob ng panaginip o mamanipula ang kanyang mga karanasang nasa isip sa kapaligiran ng kanyang panaginip. Ang mga namamalayang panaginip ay maaaring maging makatotohanan o malabo. Ipinapakita na may mga mas matataas na dami ng beta-1 frequency band (13-19 Hz) na aktibidad ng wave ng utak na nararanasan ng mga nananaginip nang dalisay, kaya may karagdagang dami ng aktibidad sa mga parietal lobes na ginagawang may malay-tao ang namamalayang pananaginip.
Ang mga taong nagdududa sa hindi pangkaraniwang bagay na ito ay iminumungkahi na hindi ito estado nang pagiging tulog, kundi maikling estado ng kawalan ng tulog. Ang mga iba naman ay pinupuna na walang paraan para patunayan ang katotohanan ng dalisay na pananaginip maliban sa pagtatanong sa naranasan ng nanaginip. Ang dalisay na pananaginip ay nasaliksik na nang may mga kalahok na gumawa ng mga natukoy nang mga pisikal na tugon habang dumaranas ng dalisay na panaginip.