Si Namor the Sub-Mariner ( /ˈnmɔːr/) ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Unang lumabas noong maagang 1939, nilikha ang karakter ng manunulat-tagaguhit na si Bill Everett para sa taga-empake ng komiks na Funnies Inc. Inisyal na nilikha para sa di-naipalabas na komiks na Motion Picture Funnies Weekly, unang lumabas ang karakter sa publiko sa Marvel Comics #1 (naka-petsa ang pabalat sa Okt. 1939), na unang komiks mula sa Timely Comics, ang komiks noong dekada 1930 hanggang dekada 1940 na hinalinhan ng Marvel Comics.

Noong panahon na iyon, na kilala sa mga mananalaysay at tagahanga bilang ang Ginuntuang Panahon ng Komiks o Golden Age of Comic Books, si Sub-Mariner ang isa sa mga tatlong pinakamataas na karakter ng Timely, kasama si Captain America at ang orihinal na Human Torch.

Mutant na anak ng isang kapitan ng barko na tao at isang prinsesa ng mitikong kaharian sa ilalim na dagat na Atlantis, taglay ni Namor ang higit-sa-taong lakas at kakayahang pantubig ng lahing Homo mermanus , gayon din ang kakayahang mutant ng paglipad, kasama ang ibang higit-sa-taong kapangyarihan. Sa paglipas ng mga taon, nilarawan siya bilang antihero na papalit-palit na likas na mabuti subalit bugnotin na superhero o masungit na mananakop na gustong maghiganti para sa mga nakikita niyang mali na ginawa ng mga naligaw ng landas na taga-lupa laban sa kanyang kaharian. Naging ang unang antihero sa komiks, nanatili si Sub-Mariner na mahalaga sa kasaysayan at medyo popular na karakter ng Marvel. Direktang nagsilbi siya kasama ang Avengers, ang Fantastic Four, ang Invaders, ang Defenders, ang X-Men at ang Illuminati gayon din nagsilibi din siya na pigilan ang mga ito sa ilang okasyon.

Kasaysayan ng paglalathala

baguhin

Paglikha

baguhin

Nilikha si Namor ng manunulat-tagaguhit na si Bill Everett.[1] Unang lumabas ang karakter noong Abril 1939 sa isang prototipo para isang binalak na pinamimigay na komiks na pinamagatang Motion Picture Funnies Weekly, na ginawa ng taga-empake ng komiks na Funnies Inc.[2] Ang tanging walong kilalang sampol sa mga nalikha upang ipadala sa mga may-ari ng teatro ay natuklasan sa ari-arian ng namatay na tagapaglathala noong 1974. Diumano, nilikha ni Everett si Namor dahil ipinabatid sa kanya na nilikha ni Carl Burgos si Human Torch, na nakakamanipula ng apoy, at nais niyang paglaruan ang paniniwalang "apoy at tubig."[3] Ang kanyang interes sa "kahit anumang tungkol sa dagat [at may] kinalaman sa dagat", ay naging dahilan din sa pagkakalikha at pinagmulan ni Namor.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gustines, George Gene (Agosto 27, 2019). "The Sub-Mariner Turns 80. He's Still Super". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 31, 2019. Nakuha noong Agosto 31, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. DeFalco et al. 2008, p. 11, chpt. "1939": "Writer/artist Bill Everett originally conceived Namor the Sub-Mariner in 1939 for an eight-page title called Motion Picture Funnies Weekly. Produced by Funnies Inc., this black-and-white magazine was intended to be handed out in movie theaters, but this idea fell through. So when Funnies Inc. packaged Marvel Comics #1 for Martin Goodman, Everett added four pages to his story, which finally saw print in color." (sa Ingles)
  3. Sonneveld, Stephen (Disyembre 27, 2016). "The Brilliance of Bill Everett's Sub-Mariner, Marvel's Superman" (sa wikang Ingles). Sequart Organization. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 31, 2019. Nakuha noong Agosto 31, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Bell 2010, p. 53 (sa Ingles)