Ang napalma (mula sa Ingles na napalm) ay isang uri ng kimikal na ginagamit sa paggawa ng mga bombang pampasunog at mga pambuga ng apoy o panghagis ng apoy.[1] Isa itong kimikal na nagpapakapal o pampalapot na yari mula sa mga asidong napteniko at palmitiko. Bilang aditibo o pangdagdag sa gasolina sa mga pampasunog na bomba, ginagamit ang napalma sa pagsasagawa ng mga pakikidigmaang kimikal. Nilikha at pinaunlad ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at ng mga siyentipiko ng Pamantasan ng Harvard. Unang ginamit ang napalma noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bilang sandatang panlaban sa mga tauhang panghukbo, pinatataas nito ang katalaban ng mga pambuga ng apoy at mga bomba sa pamamagitan ng paglikha ng mas maalab o mas maapoy na sustansiyang dumirikit sa anumang bagay na madikitan o "mahipo" nito.[2]

Isang larawang nagpapakita ng pagsabog ng napalma.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Napalm - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Napalm". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 429-430.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.