Narciso Clavería y Zaldúa

Kastilang Gobernador Heneral ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Narciso Claveria y Zaldua)

Si Narciso Clavería y Zaldúa (Mayo 2, 1795 – Hunyo 20, 1851) ay isang opisyal ng hukbong panlupa ng Kastila na naglingkod bilang isang Gobernador-Heneral ng Pilipinas magmula Hulyo 16, 1844 hanggang Disyembre 26, 1849. Noong panahon ng kaniyang panunungkulan sa Pilipinas, tinangka niyang mabigyan ang kapuluan ng isang pamahalaan na katulad ng sa makabagong Espanya. Naglakbay siya sa maraming mga lalawigan na sinusubukang matutunan ang mga pangangailangan ng mga Pilipino. Hinikayat niya ang pagsasagawa ng agrikultura, pagpapainam ng mga lansangan at ng mga pook na sub-urbano ng Maynila at nagtagumpay siya sa pagtulong sa bansa.[2] Nabigyan siya ng pamagat na Konde ng Maynila.[1] Ang mga bayan ng Claveria sa lalawigan ng Misamis Oriental, Claveria sa lalawigan ng Masbate, at Claveria na nasa lalawigan ng Cagayan ay ipinangalan mula sa kaniya bilang parangal.[3]

Narciso Clavería y Zaldúa


Konde ng Maynila
Ika-71 Gobernador-Heneral ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hulyo 16, 1844 – Disyembre 26, 1849
MonarkoIsabella II ng Espanya
Nakaraang sinundanFrancisco de Paula Alcalá de la Torre
Sinundan niAntonio María Blanco
Personal na detalye
IsinilangMay 2, 1795
Girona, Catalonia, Espanya
Yumao20 Hunyo 1851(1851-06-20) (edad 56)
Madrid, Espanya
KabansaanKastila
AsawaAna Berroeta Clavería, Kondesa ng Maynila[1]

Unang mga taon

baguhin

Si Narciso Clavería ay katutubo ng Gerona, Espanya (subalit may oriheng Biscayano). Naging kasapi siya ng Tauhang Panlahat ng Espanya noong 1838: isang Koronel noong 1839 at Tenyente Heneral noong 1844.[4] Naging gobernador siya ng Pilipinas noong Hulyo 16, 1844.

Pagbabalik sa Espanya

baguhin

Hiniling ni Clavería ang kaniyang pagreretiro at iniwan niya ang posisyon ng pagkagobernador-heneral ng Pilipinas, at nagbalik sa Espanya.[5] Isa siyang tao na mayroong kultura, katapatan, at industriya.[2] Naging isa siyang senador noong 1850 subalit namatay noong sumunod na taon noong Hunyo 20, 1851 sa Madrid.[4][6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Repertorio General. Indice Alfabetico de los principales vecinos de Madrid con indicacion de sus domicilios", p.115. Imprenta de J. Martin Alegria, Madrid, 1852.
  2. 2.0 2.1 Jernegan, Prescott Ford (1905) "A short history of the Philippines: for use in Philippine schools". pp. 232-234. D. Appleton and Company, New York.
  3. (2009-03-28). "Brief History of Claveria" Naka-arkibo 2011-07-13 sa Wayback Machine.. Lakay-Lakay, Opisyal na websayt ng Claveria Website. Nakuha noong 2011-06-03.
  4. 4.0 4.1 Ruiz, Angel Salcedo (1914). "Historia de España", p.715. Saturnino Calleja Fernandez, Madrid.
  5. Blair, Emma Helen and Robertson, James Alexander (1904). "The Philippine Islands 1493-1803, Vol.17", pp. 304-305. The Arthur H. Clark Co., Cleveland, OH.
  6. "Ficha". Nakuha noong Hulyo 26, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing na panlabas

baguhin
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Francisco de Paula Alcalá de la Torre
Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas
1844–1849
Susunod:
Antonio María Blanco