Ang nata de coco, na minamarket din bilang coconut gel, ay malambot, maaninag, malagulamang pagkain na nabubuo sa permentasyon ng tubig ng niyog,[1] na lumalapot dahil sa produksyon ng cellulose ng bakteryang Komagataeibacter xylinus.

Nata de coco
Ang mga nata de coco sa larawan ng ensaladang prutas ay mga maaninag na kubo
UriPanghimagas
LugarPilipinas
GumawaTeodula Kalaw Africa
Pangunahing SangkapTubig ng niyog

Nagmula sa Pilipinas, naimbento ang nata de coco noong 1949 ni Teodula Kalaw Africa bilang alternatibo sa nata de pinya, isang tradisyonal na pagkaing Pilipino na gawa sa pinya.

Karaniwan itong pinapatamis na parang kendi o panghimagas, at maaaring sabayan sa samu't saring mga pagkain, kagaya ng atsara, inumin, sorbetes, pudding, at fruit cocktail.[2][3]

Etimolohiya

baguhin
 
Pulang nata de coco sa sirup

Ang kahulugan ng nata de coco ay "krema ng niyog" sa wikang Kastila.[4]

Kasaysayan

baguhin

Naimbento ang nata de coco noong 1949 ni Teodula Kalaw Africa, isang Pilipinang kimika na nagtrabaho para sa National Coconut Corporation (na tinatawag nang Pangasiwaan sa Niyog ng Pilipinas ngayon). Inilikha ito bilang alternatibo sa nata de pinya, isang malagulamang panghimagas sa Pilipinas na ginawa mula noong ika-18 siglo. Kahit mataas ang demand para rito, pana-panahon ang nata de pinya, dahil nakasalalay ito sa mga ani ng pinya mula sa humihinang industriya ng hiblang pinya.[2][5]

Nagsimula ang komersiyal na produksyon ng nata de coco noong 1954, kung kailan nagbukas ang ahensya, na muling pinangalanang Philippine Coconut Administration, ng sangay sa Alaminos, Laguna at ipinakilala ang teknolohiya sa mga lokal na magsasaka. Naoptimisa ang produksyon ng nata de coco noong gitna ng dekada 1970 sa pagsisikap ng isang pangkat ng mikrobiyologo na pinangunahan ni Priscilla C. Sanchez.[2] Noong ika-20 siglo, tumaas ang demand para sa niyog. Naging pangunahing eksport ng Pilipinas ang mga produktong gawa sa niyog, at kasama rito ang nata de coco.[6]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sanchez, P.C. (2008). Philippine Fermented Foods: Principles and Technology [Mga Binuburong Pagkain ng Pilipinas: Mga Prinsipyo at Teknolohiya] (sa wikang Ingles). University of the Philippines Press. p. 378. ISBN 978-971-542-554-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Vergara, Benito S.; Idowu, Panna Melizah H.; Sumangil, Julia H. (1999). Nata de Coco: A Filipino Delicacy [Nata de Coco: Isang Piling Pagkain ng Pilipinas] (PDF) (sa wikang Ingles). National Academy of Sciences and Technology, Philippines. ISBN 9718538615. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2021-06-28. Nakuha noong 2022-11-01.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Sharangi, Amit Baran; Datta, Suchand (2015). Value Addition of Horticultural Crops: Recent Trends and Future Directions [Ang Value-Add ng Mga Pananim na Hortikultural: Mga Kamakailang Trend at Direksyon sa Hinaharap] (sa wikang Ingles). Springer. p. 151. ISBN 9788132222620. Nakuha noong Abril 21, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Tietze, Harald; Echano, Arthur (2006). Coconut: Rediscovered as Medicinal Food [Niyog: Muling Natuklasan bilang Panggamot na Pakgain] (sa wikang Ingles). Harald Tietze Publishing P/. p. 37. ISBN 9781876173579. Nakuha noong Abril 21, 2017.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Africa, Teodula K. (1949). "The production of nata from coconut water" [Ang produksyon ng nata mula sa tubig ng niyog]. Unitas (sa wikang Ingles). 22: 60–100.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "VCO still PH's top non-traditional coco export" [VCO pa rin ang nangungunang di-tradisyonal na coco export ng PH]. Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Hulyo 4, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 4, 2016. Nakuha noong Enero 27, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)