Natalia Vorozhbyt
Si Natalia Anatoliyivna Vorozhbyt (Ukranyo: Наталія Анатоліївна Ворожбит, ipinanganak noong 4 Abril 1975 sa Kiev, Ukrainian SSR, USSR) ay isang Ukranyanong mandudula, direktor pampelikula, manunulat ng iskrip, at tagapangasiwa. Nagsusulat siya sa mga wikang Ukranyano at Ruso, at ay mayroong pokus sa "bagong drama". Siya rin ang nanalo ng Premyong Women in Arts noong taong 2020.
Natalia Anatoliyivna Vorozhbyt | |
---|---|
Наталія Анатоліївна Ворожбит | |
Kapanganakan | Kiev, Ukrainian SSR, USSR | 4 Abril 1975
Nasyonalidad | Ukraine |
Nagtapos | Institusyong Pampanitikang Gorky |
Trabaho | Mandudula, direktor, manunulat ng iskrip, tagapangasiwa |
Talambuhay
baguhinIpinanganak si Natalia Vorozhbyt sa lungsod ng Kiev ng noo'y Ukrainian SSR, USSR. Noong taong 2000, nagtapos siya sa Institusyong Pampanitikang Gorky na matatagpuan sa Mosku, bansang Rusya, mula sa Departamentong Pandula nito (partikular, sa workshop ni Inna Vishnevskaya). Sa pagitan ng mga taong 2000 at 2010, nanirahan siya't nagtrabaho sa Mosku. Sa pinakasimula ng kaniyang karera, nagsulat siya ng iskrip para sa iskandalosong Rusong teleseryeng "School".[1] Dahil hindi siya nasisiyahan sa malimit na pagsisimplipika ng kaniyang mga isinusulat na iskrip, tumigil siya sa pagtatrabaho sa larangang telebisyon noong taong 2013. Ikinasal siya sa kapwa mandudulang si Maxim Kurochkin, at nagtrabaho rin si Vorozhbyt bilang punong patnugot ng channel na STB. Kasama ng Alemang direktor pampelikulang si Georg Zheno, itinatag niya ang Teatro ng mga Imigrante, kung saan isinasalaysay ng mga imigrante mula sa Donbass na parte ng Ukraine ang mga tunay nilang buhay. Siya ang tagapangasiwa ng mga festival na "Doncult" at "GOGOLFEST", at ay isa rin sa mga tagapagtatag ng festival na "Tyzhden aktualnoyi pyesy". Itinanghal ang mga dula ni Vorozhbyt sa mga teatro ng Ukraine (sina Maxim Golenko at Anna Alexandrovich sa entablado ng Wild Theater, si Tamara Trunova[2] sa mga entablado ng Teatrong Pambata, Pandula't Komedya ng Kyiv na matatagpuan sa kaliwang pampang ng ilog Dnieper, si Andriy Bakirov sa entablado ng Panrehiyong Akademikong Teatrong Pang-Musikang Ukranyano't Dula na Taras Shevchenko ng Chernihiv), Rusya, Britanya, Poland, Estados Unidos, at Letonya.
Mga Dula
baguhinNakasulat sa wikang Ruso
baguhin- 1994 — Житие простых (Tagalog: Buhay ng mga simple, Ukraine)
- 1995 — Девочка со спичками (Tagalog: Babaeng may pako, Rusya)
- 1997 — Супербум и другие подарки (Tagalog: Superboom at iba pang mga regalo, Rusya)
- 1999 — Ширма (Tagalog: Iskrin, Rusya)
- 2002 — Галка Моталко Tagalog: Galka Motalko (Rusya)
- 2004 — Что ты хочешь, украинский бог? (Tagalog: Ano ba ang gusto mo, diyos ng mga Ukranyano?, Rusya)
- 2004 — Демоны (Tagalog: Mga Demonyo, Britanya)
- 2005 — Присоединяюсь (Tagalog: Sasali ako, Britanya)
- 2009 — Зернохранилище (Tagalog: Imbakan ng mga butil, Britanya)
- 2012 — Вий. Докудрама (Tagalog: Ungol. Dulang Dokumentaryo, Rusya)
- 2013 — Цветок Чертополох (Tagalog: Bulaklak ng thistle, Rusya)
- 2014 — Дневники Майдана (Tagalog: Talaarawang Maidan, Ukraine)
- 2016 — Стыд (Tagalog: Kahihiyan, Ukraine)
- 2016 — Плохие дороги (Tagalog: Sira-sirang kalsada, Ukraine)
Mga ginawan ng iskrip pampelikula
baguhinSa telebisyon
baguhinNakasulat sa wikang Ruso
baguhin- 2008 — Сила тяжения (Tagalog: Grabidad, teleserye, Rusya)
- 2010 — Школа (Tagalog: Paaralan, teleserye, Rusya)
- 2010 — Анжелика (Tagalog: Angelica, teleserye, Rusya)
- 2011 — Гадкий утёнок (Tagalog: Pangit na pato, pelikulang pantelebisyon, Rusya)
- 2012 — Склифосовский (Tagalog: Sklifosovsky, teleserye, Rusya)[3]
- 2012 — Стальная бабочка (Tagalog: Paruparong bakal, pelikulang pantelebisyon, Rusya)
- 2013 — Парфюмерша (Tagalog: Tagapagpabango, teleseryeng ginawa mula sa ideya ni Vorozhbyt, Rusya)
Nakasulat sa wikang Ukranyano
baguhin- 2020 — Спіймати Кайдаша (Tagalog: Hulihin ang Kaidash, teleserye, Ukraine)
Mga maikling pelikula
baguhinNakasulat sa wikang Ukranyano
baguhin- 2012 — Україно, Goodbye! (Tagalog: Ukraine, paalam!), episodyong Красива жінка (Tagalog: Magandang babae, maikling pelikula, Ukraine)
Mga isinulat na iskrip para sa mga pelikulang feature
baguhinNakasulat sa wikang Ukranyano
baguhinMga dinirekta
baguhin- 2020 — Погані дороги (Tagalog: Sira-sirang kalsada, Ukraine)
Mga parangal
baguhin- 2004 — Pampanitikang Parangal na Eureka, para sa dulang Галка Моталко
- 2020 — Premyong Verona Film Club para sa pelikulang Погані дороги[4]
- 2020 — Parangal na Pinakamahusay na Pasinayang Pandidirekta para sa pelikulang Погані дороги[5]
- 2021 — Pambansang Premyong Oleksandr Dovzhenko ng Ukraine para sa namumukod-tanging ambag sa pag-unlad ng sinehang Ukranyano[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Наталя Ворожбит: «Коли показували «Щоденники Майдану» у Москві, режисер заявив, що не буде виправдовувати окупантів»" [Natalia Vorozhbyt: "Noong ipinalabas ang Talaarawang Maidan sa Mosku, sinabi ng direktor na hindi niya bibigyang-katwiran ang mga mananakop"]. wz.lviv.ua (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Бренд «Поганих доріг»" [Ang brand ng "Sira-sirang kalsada"]. t-fishing.co.ua (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Disyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sklifosovsky (TV Series 2012—) - Full Cast & Crew" (sa wikang Ingles).
- ↑ "Ghosts and Bad Roads come out on top in Venice's International Film Critics' Week". cineuropa.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Setyembre 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Оголошено переможців третьої національної премії кінокритиків Кіноколо" [Inanunsyo na ang mga nanalo sa pangatlong pambansang parangalang pangkritikong pampelikulang Kinokolo]. nv.ua (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "УКАЗ ПРЕЗИДЕНТА УКРАЇНИ №463/2021" [Utos ng Presidente ng Ukraine №463/2021]. president.gov.ua (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Link Panlabas
baguhin- Si Natalya Vorozhbit sa IMDb