Ovidio: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m r2.7.1) (robot dinagdag: af, an, ar, arz, az, bat-smg, be, be-x-old, bg, bo, br, bs, ca, cs, cy, da, de, diq, el, eo, es, et, eu, fa, fi, fr, ga, gl, he, hif, hr, hu, hy, id, is, it, ja, ka, kaa, kk, ko, ksh, ku, la, lt, lv, ml, mn, ms, nl, nn, no...
AnakngAraw (usapan | ambag)
dagdag
Linya 1:
[[Talaksan:Publius Ovidius Naso.jpg|thumb|right|Si Ovid, isang makatang Romano.]]
 
Si '''Publius Ovidius Naso''' (20 Marso 43 BK – AD 17/18), na mas nakikilala bilang '''Ovid''' lamang o kaya ay '''Ovidio''' at '''Publio Ovidio Nasón''', ay isang [[Imperyong Romano|Romanong]] makata na higit na nakikilala bilang ang may-akda ng tatlong pangunahing kalipunan ng panulaang erotiko: ang ''[[Heroides]]'' ("Kababaihang Bayani"), ang ''[[Amores (Ovid)|Amores]]'' ("Mga Pag-ibig"), at ang ''[[Ars Amatoria]]'' ("Sining ng Pag-ibig"), at pati ng ''[[Metamorphoses]]'' ("Mga Pagbabagong Anyo" o "Mga Transpormasyon"), isang tulang [[heksametro]] at mitolohikal. Nakikilala rin siya dahil sa ''[[Fasti (tula)|Fasti]]'' ("Mga [[Pestibal]]") na hinggil sa kalendaryong Romano; at ng ''[[Tristia]]'' ("Mga Kalungkutan") at ng ''[[Epistulae ex Ponto]]'' ("Mga Liham mula sa Itim na Dagat"), dalawang katipunan ng mga tulang nasulat habang namamalagi sa [[Itim na Dagat]] pagkalipas na mapalayas siya mula sa kaniyang pook na pinaninirahan. Si Ovid ay may-akda rin ng ilang mas maliliit na mga piraso ng mga akda, ang ''[[Remedia Amoris]]'', ang ''[[Medicamina Faciei Femineae]]'', at ang mahabang tulang sumpa na ''[[Ibis (Ovid)|Ibis]]''. Inakdaan din niya ang isang nawawalang trahedya, ang ''[[Medea]]''. Itinuturing siya bilang isang maestro ng [[elehiyako]] ng ''[[elegiac couplet|couplet]]'', at nakaugaliang inihahanay sa piling nina [[Virgil]] at [[Horace]] bilang isa sa tatlong [[Kanluraning kanon|kanonikong]] mga makata ng [[panitikang Latin]]. Ang iskolar o dalubhasang si [[Quintilian]] ay itinuring siya bilang ang huli sa mga kanonikal na mga elehista ng pag-ibig sa Latin.<ref>Quint. ''Inst.'' 10.1.93</ref> Ang kanyang panulaan, na marami ang gumagaya noong panahon ng [[Huling Antikwidad]] at noong [[Kapanahunang Gitna]], ay tiyak na nakaimpluwensiya sa [[sining Europeo|sining]] at [[panitikang Europeo|panitikang]] [[Europeo]], at nananatili bilang isa sa pinaka mahalagang napagkukunan ng [[mitolohiyang klasikal]].<ref>Mark P. O. Morford, Robert J. Lenardon, ''Classical Mythology'' ([[Oxford University Press]] USA, 1999), p. 25. ISBN 0-19-514338-8 ISBN 978-0-19-514338-6</ref>
 
==Mga sanggunian==