Literal na pagsasalinwika: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
AnakngAraw (usapan | ambag)
Linya 25:
Hindi katulad ng mga alituntuning legal na may mga konkreto at pinagtibay na mga probisyon ng batas bilang batayan; kaya naman ay ng mga teyoryang pang-akademya na nagtataglay ng malawak na kasaklawan ng antas ng pagtanggap na patuloy na iniaangkop sa bawat bagong katuklasan; o, ang maidagdag pa nga na mga batayang moral mga paniniwalang pang-ispiritwal na may opisyal na nagsasatalagang mga sekta at samahang pangrelihiyon, ang mga pampanuto'ng alituntunin na umiiral sa larangan ng panalastasan sa wikang Filipino ay, bunsod ng mabilis na ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, mapupunang hindi na pinagtutuunan ng sapat na pansin at kahalagahan.
 
Sa kapwa larangang berbal at [[pampanulatan]]g ugnayan na gamit ang wikang Filipino, ang antas ng kawasthankawastuhan ay nakalulungkot na hindi na kinikilala bilang mahalagang sangkap ng sining at agham ng panalastasan. Lahat na yata ng anyo ng kamalian ay maluwag na tinatanggap na kadalasan ay hindi na nga kinikilala pang pagkukulang bagkus ay karaniwang kagawian. Sa halip na pag-iral ng mga kongkretong alituntunin ng wastong pagsasatitik at pagsasadila ng wika, ang higit tanggap na katuwiran sa kasalukuyang kultura ng panalastasang Filipino ay ang paniniwalang gaano man kamali ang komposisyon ng isang kapahayagan sa pambalarilang batayan (o kaya ay pampanitikan o pangtalasalitaan, atb), hanggat nararating ng kahayagan ang pang-unawa ng sinasalinan ng diwa, kinikilalang katanggap-tanggap ang naging proseso na talastasan alin mang landas -- liko o tuwid o pabaligtad -- ang binaybay nito bago mailipat o paiparating sa kinauukulan.
Hanggat naintindihan, wala ng kailangan pang kung ano pa mang antas ng kawastuhan.
Katunayan, sa higit halos pagpulandit ng tulin ng pagbabago -- pag-unlad man o pagkasira -- at pagsulong ng ebolusyon ng pandaigdigang bokabularyo, may mga salitang umiiral na wala nang iisang kasarinlan o wika ang makapag-aangkin na yaon ay kanyang bokabularyo.
Linya 31:
At sa kung ano mang layunin at kadahilana na batay sa mga kumentaryo ng matatalinong opinyon ay pangunahing bunsod ng kung ano ang sa kasalukuyan ay popular o ang pop-culture, sinalubong ng Unang Dekada ng Ika-dalawang melenyo ang makabagong anyo ng panalastasan sa wikang Filipino (kung Filipino pa nga bang maituturing ang mga talasalitang gamit nito at mga pambalarilang alituntuning sumasaklaw sa kanilang gamit at anyo). Tinanggap ng lipunan Fipino ng may ngiti at simpleng pagkikibit-balikat ang talastasang tinawag ng henerasyon bilang JEJEMON. At idagdag pa nga dito ang halos kahalinhinang BECKYMON. May ilang bumaimbulog na opinyon na nagsakategorya ng mga gayong pagbabago bilang makabagong sinig ng henerasyon.
 
"Fz urTz nGaaang may22wriiing D jjMoon n'dz vek-ee-moon 4 d wrizone dot IT izzza 4m opha nUE xpREsyun iz vezt weft 2 OPENiun. Butt ass 2 wits 4m oph .comPOZIZium, pwentee bee-live sum steyt of urtwistwik mbadeemwent iz olzo atzived."
"Fz urTz nGaaang may22wriiing D jjMoon n'dz vek-ee-moon 4 d wrizone dot IT izzza 4m opha nUE xpREsyun iz vezt weft 2 OPENiun. Butt ass 2 wits 4m oph .comPOZIZium, pwentee bee-live sum steyt of urtwistwik mbadeemwent iz olzo atzived."
Sa pag-aaral ng wika at panalastasan, isang tanggap na teyorya ang pagkilala sa wika bilang "buhay" na elemento ng isang kultura at sibilisasyon. Mayroon daw itong sariling pintig ng hininga at ritmo ng pagiral na kusa itong umaaangkop (o sumasalungat) na masasabing kumikilos alinsunod sa daloy ng mga pagbabago ng panahon at kalagayan ng pinananahanan nitong lahi o kasarinlan. Ang teyoryang ganito ang batayan at dahilan kung bakit ang gamit ng wika ay higit kinikilala bilang kasanayan (skill) sa halip na kaalaman (knowledge) kung kayat ang pag-aaral dito ay kinikilalang pampanalastasang kasanayan o pagsasanay (communication skills).