Buksan ang pangunahing menu

Changes

kawing
Ang '''kasetang siksik''', '''kasetang audio''', '''kasetang teyp''', '''kaseta''', o '''teyp''' (literal na “sintas”“[[sintas]]” o “tali”“[[tali]]”) lamang ay isang uri o pormato ng [[teyp na magnetiko]] (teyp na mabalani) na para sa [[Pagrerekord at reproduksiyon ng tunog|pagtatala ng tunog]]. Una itong idinisenyo para sa mga [[makinang pangdiktasyon]], subalit ang mga pagpapainam [[High fidelity|fidelity]] o “katumpakan” ay humantong na mahalinhan ng kasetang audio ang [[cartridge|kartutso]] o “bala” na [[8-track tape|Stereo 8-track]] (may walong bakas na pang-isteryo) at ang pangrekord na teyp na [[Reel-to-reel audio tape recording|reel-to-reel]] (mula sa ikiran ng teyp papunta sa isa pang ikiran ng teyp) para sa mga paggamit na hindi pamprupesyunal.<ref name=Camras>{{Cite book|author=Marvin Camras (ed.)|title=Magnetic Tape Recording| year=1985|publisher=Van Nostrand Reinhold|isbn= 0-442-21774-9}}</ref> Ang paggamit nito ay sumasaklaw magmula sa audiong portable o portatil (nadadala kahit saan) magpahanggang sa pagrerekord sa tahanan at hanggang sa pag-iimbak ng dato para sa maaagang uri ng mga [[mikrokompyuter]]. Sa pagitan ng kaagahan ng dekada ng 1970 at sa kahulihan ng dekada ng 1990, ang kaseta ay isa sa dalawang mga pinaka karaniwang uri ng mga musikang may paunang pagrerekord, na ang una ay ang pagiging kasabayan ng [[record na LP]] (rekord na long playing o matagalan ang pag-andar) at sa lumaon ay ang [[diskong kompakto]] o CD (diskong siksik).<ref name=Daniel>{{Cite book|author=Eric D. Daniel, C. Dennis Mee, Mark H. Clark|title=Magnetic Recording: The First 100 Years| year=1999|publisher=The Institute of Electrical and Electronics Engineers|isbn= 0-7803-4709-9}}</ref>
 
Ang mga kasetang audio ay binubuo ng dalawang maliliit na mga ikiran o karete, na sa gitna ng mga ito ay dumaraan at iniikid ang isang teyp o sintas na plastiko at may balot na mabalani (magnetiko). Ang mga ikirang ito at ang katulong na mga bahagi nito ay nakalagay sa loob ng isang talukap o sisidlang plastiko na pampruteksiyon.
166,389

edits