Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Awiting Gregoriano"

bantas
(bagong)
 
(bantas)
Ang mga '''awiting Gregoriano''' (Ingles: ''Gregorian chant'', ''monastic chant'', Kastila: ''cantos gregorianos''), na tinatawag ding '''kantang Gregoryano''', '''awiting monastiko''', '''awiting pangkumbento''', '''awiting pangmonghe''', o '''awiting pangmongha''' ay isang mahalagang anyo o uri ng [[plainchant|payak na awit]] o awiting walang [[adorno]] o awiting liso, na pangunahing ginagamit sa [[Simbahang Katoliko Romano]]. Sa kantang liso, inaawit ng lahat ng mga tao ang iisang tugtugin nang lahatan at magkakasabay sa halos lahat ng pagkakataon. Pero kung minsan, nagkakaroon ng ikalawang bahagi na tinatawag na "organum", na madalas na gumagamit ng gayon ding [[melodiya]], subalit nasa isang [[interbal (musika)|interbal]] o agwat (isinasalit). Ang ganitong agwat ay kadalasang nasa ikaapat o ikalima.
 
Ang awiting Gregoriano ay ang pangunahing tradisyon ng [[plainsong|awiting walang palamuti]], na isang uri ng banal na awit na [[monoponiko]] at hindi sinasaliwan ng musika, sa pangkanlurang Simbahang Kristiyano. Pangunahing umunlad ang kantang Gregoriano sa Kanlurang Europa at sa Gitnang Europa noong ika-9 at ika-10 mga daantaon, na pagdaka ay nagkaroon ng mga karagdagan at mga pagbabawas. Bagamang inilalaan ng karaniwang alamat na si [[Papa Gregorio I (Papa San Gregorio na Dakila)]] ang umimbento ng awiting Gregoriano, pinaniniwalaan ng mga paham (mga iskolar) na nagmula ito sa isang mas nahuhuling sintesis o pagbubuo na [[Carolingiano]] ng awiting Romano at [[Gallican chant|awiting Gallikano]].
 
Sa una, ang mga awiting Gregoriano ay nakaayos sa apat, pagdaka ay walo, at sa panghuli ay labindalawang mga [[modong pangmusika|modo]] (gawi). Ang tipikal na mga katampukang pangmelodiya ay kinabibilangan ng mga katangian nitong mga [[Ambitus (musika)|ambitus]], mga padrong mayroong interbal o agwat (pagsasalitan) na mayroong kaugnayan sa isang salitang [[Pinal (musika)|katapusang modo]], mga ''[[incipit]]'' at mga [[kadensiya (musika)|kadensiya]], ang paggamit ng mga [[tonong pabigkas]] (tonong pangresitasyon o pasalaysay) na mayroong partikular o tiyak na layo magmula sa pinal o pangwakas, na sa paligid nito ay umiinog ang iba pang mga nota ng melodiya, at isang [[talasalitaan]] (bokabularyo) ng mga paksa o ''motif'' na pangmusika na hinabing magkakasama sa pamamagitan ng isang prosesong tinatawag bilang [[centonization|kentonisasyon]] upang makalikha ng mga pamilya ng magkakaugnay na mga "awit na pabigkas". Ang padron ng eskala (huwaran ng sukat) ay mayroong organisasyon (pagkakaayos) na laban sa isang padrong panlikuran na binubuo ng mga [[tetrakord]] na nakaugnay (''conjunct'') at tinatanggal (''disjunct''), na lumilikha ng isang mas malaking sistema ng [[pitch|tinis]] (tono) na tinatawag bilang [[gamut (musika)|gamut]]. Ang mga awit ay maaaring awitin sa pamamagitan ng paggamit ng mga padrong may anim na mga nota na tinatawag bilang mga [[heksakord]]. Ang mga melodiyang Gregoriano ay nakaugaliang isinusulat sa gumagamit ng mga [[neume]], isang maagang anyo ng [[notasyong pangmusika]] kung saan umunlad ang modernong [[staff (music)|tagdang mayroong apat na mga guhit at mayroong limang mga guhit]].<ref>Ang pag-unlad ng mga estilo ng notasyon ay tinatalakay sa [http://www.dolmetsch.com/musictheory2.htm Dolmetsch online], napuntahan noong 4&nbsp;Hulyo&nbsp;2006</ref> Ang mga elaborasyon o detalyeng may maramihang mga tinig ng awiting Gregoriano, na tinatawag bilang organum, ay isang maagang hakbang sa pag-unlad ng [[poliponiya]]ng sa [[Kanluraning Mundo]].
166,389

edits