Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Awiting Gregoriano"

kawingan
(→‎Mga sanggunian: kategorya)
(kawingan)
Ang mga '''awiting Gregoriano''' (Ingles: ''Gregorian chant'', ''monastic chant'', Kastila: ''canto gregoriano''), na tinatawag ding '''kantang Gregoryano''', '''awiting monastiko''', '''awiting pangkumbento''', '''awiting pangmonghe''', o '''awiting pangmongha''' ay isang mahalagang anyo o uri ng [[plainchant|payak na awit]] o awiting walang [[adorno]] o awiting liso, na pangunahing ginagamit sa [[Simbahang Katoliko Romano]]. Sa kantang liso, inaawit ng lahat ng mga tao ang iisang tugtugin nang lahatan at magkakasabay sa halos lahat ng pagkakataon. Pero kung minsan, nagkakaroon ng ikalawang bahagi na tinatawag na "[[organum]]", na madalas na gumagamit ng gayon ding [[melodiya]], subalit nasa isang [[interbal (musika)|interbal]] o agwat (isinasalit). Ang ganitong agwat ay kadalasang nasa ikaapat o ikalima.
 
Ang awiting Gregoriano ay ang pangunahing tradisyon ng [[plainsong|awiting walang palamuti]], na isang uri ng banal na awit na [[monoponiko]] at hindi sinasaliwan ng musika, sa pangkanlurang Simbahang Kristiyano. Pangunahing umunlad ang kantang Gregoriano sa Kanlurang Europa at sa Gitnang Europa noong ika-9 at ika-10 mga daantaon, na pagdaka ay nagkaroon ng mga karagdagan at mga pagbabawas. Bagamang inilalaan ng karaniwang alamat na si [[Papa Gregorio I (Papa San Gregorio na Dakila)]] ang umimbento ng awiting Gregoriano, pinaniniwalaan ng mga paham (mga iskolar) na nagmula ito sa isang mas nahuhuling sintesis o pagbubuo na [[Carolingiano]] ng awiting Romano at [[Gallican chant|awiting Gallikano]].
166,389

edits