Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Arkanghel Miguel"

(dagdag)
 
==Mga pagtukoy sa banal na kasulatan==
===Bibliyang HebreroHebreo===
 
Sa mga [[Hebrew Scriptures|Kasulatang Hebreo]], at sa gayon sa Lumang Tipan ng Bibliya, nakaranas ang propetang si [[Daniel]] ng isang pangitain pagkaraang sumailalim sa isang panahon ng pag-aayuno. Sa pangitaing nasa [[wikisource:Bible (American Standard)/Daniel#10:13|Daniel 10:13-21]], ipinakilala ng isang [[anghel]] si Miguel bilang ang tagapag-ingat ng [[Israel]]. Tinukoy ni Daniel si Miguel bilang isang "prinsipeng nasa unang ranggo".<ref>''Who's who in the Jewish Bible'' ni David Mandel 2007 ISBN 0-8276-0863-2 pahina 270</ref> Sa pagdaka, sa pangitaing nasa [[wikisource:Bible (American Standard)/Daniel#12:1|Daniel 12:1]], ipinagbigay-alam kay Daniel ang gampanin ni Miguel sa "Panahon ng Wakas" kung kailan magkakaroon ng "pagkabagabag na katulad ng hindi pa nagaganap magmula sa pagsisimula ng mga bansa" at:<ref>''Daniel: Wisdom to the Wise: Commentary on the Book of Daniel'' by Zdravko Stefanovic 2007 ISBN 0-8163-2212-0 page 391</ref>
Bagaman ang tatlong mga pagbanggit kay Miguel sa Aklat ni Daniel 10:13, 10:21 at 12:1 ay tumutukoy sa iisang indibidwal na kumikilos sa magkakahalintulad na mga paraan sa loob ng tatlong mga pagkakataon, ang panghuli ay nakatakda sa "[[mga panahon ng wakas]]", habang ang naunang dalawa ay tumutukoy sa talagang kapanahunan noon sa Persiya.<ref>''Daniel: a reader's guide'' ni William H. Shea 2005 ISBN 0-8163-2077-2 pahina 270-271</ref> Ang mga ito lamang ang tatlong mga pagbanggit kay Arkanghel Miguel sa Bibliyang Hebreo.<ref name=Richard>Richard Freeman Johnson (2005) ''Saint Michael the Archangel in Medieval English Legend'' ISBN 1-84383-128-7; pp. 33-34</ref>
 
Ang mga pagtukoy sa "kapitan ng ostiya ng Panginoon" na nakatagpo ni [[Aklat ni Joshua|Joshua]] noong kaagahan ng mga araw ng mga pangangampanya niya sa [[Lupang Ipinangako]] ([[wikisource:Bible (American Standard)/Joshua#5:13|Joshua 5:13-15]]) ay paminsan-minsang ipinaliliwanag bilang si Miguel ang Arkanghel, subalit walang batayang pangteolohiya para sa pagpapalagay na ito, kung dinadambana ni Joshue ang pigurang ito, habang hindi naman dapat sambahin ang mga anghel. Mayroong ilang mga paham na nagbibigay ng diin na ang pigurang ito ay maaaring tumutukoy sa Diyos mismo.<ref>''Yahshua, the Man Behind the Glory'' ni Jarid Miller ISBN 1-4500-9880-0 pahina 15-16</ref><ref>''Joshua'' ni J. Gordon McConville, Stephen Williams 2010 ISBN 0-8028-2702-0 pahina 29-30</ref> Sa pagsasalaysay sa Aklat ni Joshua, ipinababatid na si Joshua ay tumingala at nakatanaw ng isang lalaking nakatindig sa harapan niya na mayroong espadang hawak na binunot magmula sa kinasusuksukan nito. Nang ang hindi pa nakakabatid na si Joshua ay magtanong kung saan nakapanig sa nagaganap na labanan, ang tugon nito ay "wala akong pinapanigan... subalit bilang komandante ng hukbo ng Panginoon, ako ngayon ay naririto na".
 
===Bagong Tipan===
166,389

edits