Aklat ng Genesis: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
AnakngAraw (usapan | ambag)
AnakngAraw (usapan | ambag)
Linya 27:
 
==Komposisyon==
Sa higit ng ika-20 siglo, ang karamihan ng mga skolar ng [[Bibliya]] ay umaayon na ang unang aklat ng [[Lumang Tipan]] na [[Pentateuch]](Aklat ng Genesis, [[Aklat ng Exodo]], [[Aklat ng Levitico]], [[Aklat ng Bilang]] at [[Deuteronomiyo]]) ay nagmula sa apat na pinagkunan na [[Yahwist]], [[Elohist]], [[Deuteronomist]] at [[Pinagkunang Pangsaserdotepangsaserdote]] (Priestly''priestly source'') na ang bawat isang mga ito ay naghahayag ng parehong pundamental na kwento at pinagsama ng iba ibang mga editor.<ref>Gooder (2000), pp.12-14</ref> Simula 1970, nagkaroon ng rebolusyon sa skolarship ng Bibliya kung saan ang pinagkunang [[Elohist]] ay malawak nang tinuturing na isa lamang bariasyon(uri) ng [[Yahwist]] samantalang ang [[Pinagkunang pangsaserdote]] (''priestly source'') ay palagong nakita bilang isang katawan ng mga rebisyon(pagbabago) at pagpapalawig ng Yahwist (o hindi-pangsaserdoteng) materyal. Ang pinagkunang [[Deutoronomista]] ay hindi lumilitaw sa Aklat ng Genesis.<ref>Van Seters (2004), pp.30-86</ref>
 
Sa paglikha ng kasaysayang Patriyarkal, ang [[Yahwist]] ay humugut sa apat na magkakahiwalay na mga bloke ng tradisyonal na kwento tungkol kay [[Abrahan]], [[Jacob]], [[Judah]] at [[Joseph]] at isinama ang mga ito sa mga [[henealohiya]], mga iteneraryo, at ang tema ng "pangako" upang lumikha ng isang nagkakaisang buong kwento.<ref>Van Seters (1998), p.33</ref> Sa parehong paglalarawan, nang ang Yahwist ay lumikha ng "kasaysayang primebal" (panimulang kasaysayan), ito ay humugut sa mga pinagkunan o materyal na [[Griyego]] at [[Mesopotamian]], binago at dinagdagan ang mga ito upang lumikha ng isang nagkakaisang akda upang umayon sa kanyang teolohikal na agenda(hangarin).<ref>Van Seters (1992), pp.188-189</ref> Ang akdang Yahwistiko ay binago naman at pinalawig sa isang huling edisyon ng mga may-akda ng [[pinagkunang pangsaserdote]] (''priestly source'').<ref>Van Seters (2004) p.114</ref>
 
Ito ay nag-iiwan sa tanong na kelan ang mga akdang ito isinulat. Ang mga skolar sa unang kalahati ng ika-20 siglo ay dumating sa konklusyon na ang Yahwist ay nilikha sa yugtong monarkiko(panahon ng mga hari sa Israeli) na spesipikong sa korte ni [[Solomon]] at ang akdang [[pinagkunang pangsaserdote]] (''priestly source'') ay niliha sa gitna ng ika-5 siglo BCE na ang may-akda ay tinukoy na si [[Ezra]] ngunit ang mas kamakailang pananaw ay ang Yahwist ay isinulat bago o habang nangyayari ang [[pagkakatapon sa Babilonya]] noong ika-6 siglo BCE at ang huling edisyong pangsaserdote (''priestly'') ay ginawa sa huli ng yugto ng pagkakatapong ito sa Babilonya o sa sandaling panahon pagkatapos nito.<ref name="Davies37">Davies (1998), p.37</ref>
 
Sa kung bakit ang aklat na ito ay nilikha, ang isang teoriya na nagkamit ng labis na interest sa skolarship ng Bibliya bagaman nanantaili pa ring kontrobersiyal ang "autorisasyong pang-imperyong Persiano". Ito ay nagmumungkahing ang mga Persian pagkatapos ng kanilang pananakop sa [[Babilonya]] noong 538 BCE ay pumayag na bigyan ang Jerusalem ng isang malaking sukat ng lokal na autonomiya(sariling pamahalaan) sa loob ng Imperyong Persian]] ngunit nag-atas sa mga lokal na autoridad na lumikha ng isang kodigo ng batas na tinatanggap ng buong pamayanan. Ang dalawang makapangyarihang mga pangkat na bumubuo ng pamayanan, ang mga pamilyang pangsaserdote (''priestly'') na kumokontrol sa Templo at tumunton ng kanilang saligan na [[mito]](myth) ni [[Moises]] at paglalakbay sa ilang at ang pangunahing nagmamay-ari ng lupaing mga pamilya na binubuo ng mga "matatanda"(elders) na tumunton ng kanilang pinagmulan kay [[Abraham]] na nagbigay sa kanila ng lupa. Ang dalawang mga pangkat na ito ay may alitan sa loob ng maraming mga siglo sa iba't ibang mga isyu at ang bawat isang ito ay may kanya kanyang "kasaysayan ng pinagmulan" ngunit ang pangako ng imperyong Persian ng papalaking lokal na autonomiya para sa lahat ng mga sinakop na ito ay nagbigay ng makapangyarihang pampasigla upang magkaisa ang dalawang mga pangkat na ito sa pagbuo ng isang teksto.<ref>Ska (2006), pp.169, 217-218</ref>
 
===Genre===