Adolesente: Pagkakaiba sa mga pagbabago

dagdag
mNo edit summary
(dagdag)
{{split|Childhood|Adolescence}}
Ang '''kabataan''', na tinatawag ding '''tinedyer''', '''tin-edyer''', '''adolesente''', o '''lalabintaunin''' ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang [[bata]] o [[kilaw (gulang)|kilaw]] at hustong [[adulto]], o kaya ang yugto ng panahon kung kailan ang isang tao ay biyolohiyalbiyolohikal o pisikal na adulto subalit emosyonal o makapandamdaming hindi pa husto ang [[maturidad]]. Ang mga edad na itinuturing na bahagi ng '''adolesensiya''' ay iba-iba ayon sa [[kultura]]. Halimbawa, sa [[Estados Unidos]] ang adolesensiya ay nagsisimula sa bandang edad na 13. Ang kataguriang ''tinedyer'' o ''tin-edyer'' ay nagmula sa Ingles na ''teenager'', pinaiiksing ''teen'', ay nagmula sa mga Ingles na salitang ''thirteen'' (labintatlo) hanggang ''nineteen'' (labinsiyam). Ang ''tinedyer'' o ''tin-edyer'' ay katumbas ng katagang ''lalabintaunin''. Ang adolesensiya ay kultural at hindi tumutukoy sa isang pirming yugto ng panahon. Ang salitang ''adolesensiya'' ay nagbuhat sa [[wikang Kastila]]ng ''adolescencia'', na nagbuhat naman sa [[wikang Latin|Latin]]g ''adolescere'', isang [[pandiwa]]ng may kahulugang "paglaki". Sa panahong ito, ang katawan, damdamin, at katayuang akademiko ng isang tao ay nagbabago ng malaki at marami.
 
Sa panahon ng adolesensiya, karamihan sa mga bata ang dumaraan sa mga yugto ng mga pagbabagong pisikal na kung tawagin ay [[pubertad]]: o mas espesipikong ang [[pagbibinata]] sa mga [[lalaki]] at ang [[pagdadalaga]] ng mga [[babae]], na karaniwang nagsisimula bago umabot ang isang tao sa gulang na 13. Karamihan sa mga kalinangan ang nag-iisip na ang tao ay nagiging adulto sa loob ng samu't saring mga edad ng mga taon ng pagiging adolesente. Halimbawa, sa tradisyon ng [[Hudaismo]], ang mga tao ay iniisip na adulto na sa edad na 13, at ang pagbabagong ito ay ipinagdiriwang sa [[Bar at Bat Mitzvah|Bar Mitzvah]] para sa mga batang lalaki at sa [[Bar at Bat Mitzvah|Bat Mitzvah]] para sa mga batang babae. Sa pangkaraniwan, mayroon isang pormal na [[edad ng mayorya]] o [[mayor de edad]] ([[mayor na edad]] (kabaligtaran ng [[menor de edad]] o [[menor na edad]]) kung kailan ang mga adolesente ay pormal (ayon sa batas) na nagiging mga adulto.
 
Ilang mga sakit ang maaaring lumitaw sa panahon ng adolesensiya ang katulad ng ''acne'', ''chlorosis'' (bagaman bihira na), ''dementia praecox'', epilepsiya, ''hysteria'', at ''acute rheumatism''.<ref name=TMHP>Robinson, Victor, Ph.C., M.D. (patnugot). (1939). "Adolescence". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 19.</ref>
 
==Tingnan din==
*[[Kabagongtauhan]]
 
==Mga sanggunian==
{{Reflist}}
 
[[Kategorya:Tao]]
166,389

edits