Bangko Sentral ng Pilipinas: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 44:
 
== Kasaysayan ==
Noong 1900, si dota lord dariel, ipinasa ng Unang Komisyon ng Pilipinas an Batas Blg. 52, kung saan isinaayos ang lahat ng mga bangko sa ilalim ng Kawanihan ng Ingatang-yaman at pinapahintulutan ang Pampulong Ingat-yamang na mamahala at suriin ang mga bangko at lahat ng gawaing pagbabangko. Noong 1929, nahalili ng [[Kagawaran ng Pananalapi (Pilipinas)|Kagawaran ng Pananalapi]], sa pamamagitan ng Kawanihan ng Pagbabangko, ang pamamahala sa bangko. Noong 1933, isang pangkat ng mga Pilipino ay nakapaglikha ng isang bangko sentral para sa Pilipinas.
 
Ito'y umangat na may mga rudimento ng panukalang batas ukol sa pagtatatag ng isang bangko sentral pagkatapos ng masusing pag-aaral ng mga pang-ekonomiyang panustos ng [[Batas Hare-Hawes-Cutting]], na makakamit ang kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 12 taon, nguni't mananatili pa rin ang base militar at pandagat para sa mga [[Estados Unidos ng Amerika|Mga Nagkakaisang Estado]] at ang pagpatong ng mga taripa at kota sa mga luwas ng Pilipinas. Gayumpaman, ibinasura ng [[Senado ng Pilipinas]] nang dahil sa pang-uudyok ni [[Manuel L. Quezon]] ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Naglunsad ang Senado ng bagong panukalang batas na nagpanalo ng suporta ni [[Franklin Roosevelt|Pangulong Franklin D. Roosevelt]], na kung tawagin ay [[Batas Tydings-McDuffie]], na makakamit ang Pilipinas sa araw ng 4 Hulyo 1946.