Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Osiris"

m
→‎Ang Alamat ni Osiris: clean up, replaced: niyo → ninyo using AWB
m (→‎Relihyon at Ritual: clean up, rm {{Link FA}}, {{Link GA}} using AWB)
m (→‎Ang Alamat ni Osiris: clean up, replaced: niyo → ninyo using AWB)
Napasalang ni Set si Osiris nang nilinlang niya ang kanyang kapatid na pumasok sa loob ng isang napaka-gandang kahong gawa sa [[ginto]], [[marpil]], mga makukulay na mga [[diyamante]] at kahoy mula sa punong [[cedar]]. Nangako si Set na kung sino mang tao na sakto ang sukat ng kanyang katawan sa kahon ay mapapasakanya ang napakagandang 'regalo'. Noong nakaraang gabi, palihim na kinuha ni Set ang sukat ng katawan ni Osiris upang masiguradong ang biktima niya lamang ang kakasya sa loob ng kahon. Sinubukang pumasok ng mga kasabwat ni Set sa kahon ngunit wala sa kanila ang kumasya dito, maliban kay Osiris. Nang pumasok si Osiris sa kahon, isinara ni Set si Osiris sa loob ng kahon at binuhusan ito ng tunaw na [[tingga]] (lead) at ihinagis niya ito sa ilog. Inanod ng ilog ang kahon papunta sa kabilang dako ng [[Dagat Mediterano]] at ito ay umahon sa kalampasigan ng [[Byblos (lungsod)|Byblos]], isang lumang lungsod sa [[Lebanon]].
 
Nang muling matagpuan ni Isis ang kahon, ibinuksan niya ito at nakitang si Osiris ay wala ng buhay. Sa pamamagitan ng salamangka, panandaliang napanatili ni Isis na buhay kahit papaano si Osiris at ibinalik niyoninyo siya sa Ehipto. Nagawa ni Isis na makipagtalik kay Osiris kung kaya't si Isis ay nagkaroon ng supling sa kanyang sinapupunan na si [[Horus]]. Subalit nang iniwan ni Isis ang kahon sa dampa ng ilog Nile noong gabi, natagpuan ito si [[Seth|Set]], at sa kanyang galit, tuluyan niya pinaslang ang kanyang kapatid at pinaghiwa-hiwalay niya ang mga bahagi nito sa iba't ibang dako ng Ehipto. Ayon kay Plutarch, hinati ni [[Seth|Set]] ang katawan ni Osiris sa labing-apat na bahagi, ngunit walang maayos na basihan kung ilan ba talaga ito.
 
Sa tulong ng kanyang kapatid na si Nephthys, matagumpay na nahanap ni Isis ang lahat ng bahagi ng katawan ni Osiris maliban sa kanyang [[uten]] na kamailang kinain ng mga isdang [[Oxyrhynchus]], isang hayop na tagasunod ni Set. Sa pamamagitan ng mga makapangyarihan na salamangka ni [[Isis (diyosa)|Isis]] at sa tulong mula sa mga diyos na sila [[Anubis]] at [[Thoth]], muling nabuhay si Osiris bilang hari ng mga yumao.