Content deleted Content added
Televido (usapan | ambag)
No edit summary
Linya 8:
[[Talaksan:Catrinas 2.jpg|thumb|right|Mayroon ding Araw ng mga Patay sa [[Mehiko]]. Isang paraan ng pagidiriwang ng Undas sa Mehiko ang paggamit ng manikang ''La Catrina'' o Ang Catrina, ang wangis ng kalansay ng isang babaeng nasa mataas na antas ng lipunan.]]
 
Noong unang panahon ng Iglesya, ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang anibersaryo ng pagkamatay ng isang martir kay Kristo (kilala bilang “pagsilang”“hesukristo anak ng santoDiyos") sa pagsasagawa ng magdamagang pagtatanod at susundan ng pagdiriwang ng Eukaristiya sa ibabaw ng puntod o lugar ng pinagmartiran. Noong ika-4 ng siglo, ang mga magkakalapit na mga diyosesis ay nagsimulang maglipat ng mga relikya at magdiwang ng kapistahan ng mga kilalang martir na komun sa kanila. Kalimitan, may ilang Kristiyano ay naging martir sa iisang araw na natural na gunitain sa mismong araw din iyon. Sa pagtugis ni [[Diocleto]] sa mga Kristiyano, di mabilang ang nagpakamartir at dahil dito ang paglalaan ng araw ng paggunita ay hindi na praktikal. Sa damdaming dapat na igalang ang bawat martir, nagtabi ang Iglesya ng isang araw para sa lahat ng martir.
 
Ang paggunita sa “Lahat ng Martir” ay nagsimulang ipagdiwang noon pa mang taong 270 datapuwat walang tiyak na buwan o araw ang nabanggit sa mga umiinog na kasulatan. Ang unang bakas ng isang pangmadlang pagdiriwang na may petsa ay naganap sa [[Antioquia]] tuwing Linggo matapos ang Pentekostes. Nabanggit ito na may isang araw na pagdiriwang sa sermon ni [[San Efren]] na taga-Ciria (373), at ang kaugaliang ito ay nabanggit din sa ika-74 homiliya ni [[San Juan Crisostomo]] (†407), na tumutukoy sa isang “pista ng mga martir sa buong mundo.” Noon pa mang taong 411, may isang panglahatang pagdiriwang sa mga [[Kristiyanong Kaldeano]] na nauukol para sa mga Kompesores ''(Commemoratio Confessorum)'', na ipinagdiriwang tuwing Biyernes matapos ng [[Pasko ng Pagkabuhay]].