Televido
com | ca | de | el | eo | es | fr |
haw | ia | it | iu | ja | jbo | la |
lfn | nah | pt | sw | tl | vo | zh |
Tungkol sa AkinBaguhin
|
| ||||
|
| ||||
| |||||
|
Sa Lilim ng mga MakopaBaguhin
Ako po si Viktor "Nonong" Emmanuel Medrano Medrano, isang Pilipinong nakatira sa Kanada. Nagtagal ako sa Hapon. Tagalog ang katutubong wika ko. Medyo nakakabasa ako ng ilang wikang Latino bilang ang Kastila, Portuges, Pranses, Italyano, at Katalan, at ng wikang Hapones. Kaunting natutunan ko ang iba pang mga wikang Asyano bilang ang Mandarin, Kantones, Koreano, Taylandes, at Byetnames. Interesado rin ako sa mga wikang indiheno bilang ang Nahuatl, Maya, Haida, Inuktitut, at Quechua. Malimit akong mag-Ingles, at natutunan ko itong wika mula nang narseri.
Natutuwa ako sa mga wikang guni-guning Lojban, Esperanto, Interlingua, Volapük, at Toki Pona. Sa mga wikang ito ko napapansin ang ibang espiritwalidad.
Sang-ayon ako sa Agham, Budismo, at Animismo. (Singkretista ako, pero mas para ngang Budista-Animista ako.) Mahilig ako sa astronomiya, potograpiya, biyolohiya, pagkain, anime, wikang guni-guni, at siyensiyang piksiyon. Bahaghari ang naging buhay ko.
Nasasarapan akong uminom ng tsaang mabula. Mahilig akong kumain ng tokwa. Ang mga paborito kong prutas ay ang pakwan, durian, makopa, ume, at langka. Sa lutuing Pilipino, paborito ko ang kaldereta at laing. Sa matamis, gusto ko ang ube halaya, espasol, at nata de coco.
Nararamdaman ko ang espiritwalidad sa kalikasan, parte ng kosmolohiyang mas malawak sa astronomiya. Ang okupasyon ko sa pangarap ay maging eksobiyolohista o astrobiyolohista. Naniniwala ako sa buhay sa labas ng Tiyera.
May repetisyon sa mga hugis ng mga bagay sa sansinukob. Isip kong sa iba-ibang mundong ang hugis ng mga parang hayop ay parang kabayo, ibon, o tao man. May mga hugis nang parang puno o kabute. May pantasya akong mga parang taong ang balat ay berde o bughaw. Isip kong baka nga mayroon sa malayong-malayo. Isip kong kahit na ang dahilan ay panspermiya o paralelong ebolusyon, may repetisyon ang hugis ng buhay na bagay. Kahit na parang bakterya lamang ang buhay sa ibang mundo, parang mahika na rin. Sana'y makita ko ang ibang buhay.
Sa mundong ito, bumisita na ako sa Alemanya, Awstriya, Batikano, Belhika (daan ng tren), Britanya, Ehipto, Espanya, Gresya, Indonesia, Italya, Liechtenstein, Marwekos, Meksiko, Nederlands, Portugal, Pransiya, Singgapur, Suwisa, Taylandiya, Timog Korea, Tsina, at Turkiya. Tumira na ako sa Estados Unidos, Hapon, Kanada, at Pilipinas na pinanganak ako. Gusto ko pang marating ang Awstralya, Brasil, Byetnam, Guatemala, Madagaskar, Pinlandiya, Pranses na Guiana, Pranses na Polinesya, Sri Lanka, Suwesya, Tanzania, Timog Aprika, at Uruguay. (Nakita ko na naman ang mga itong bansa sa pananaw nang satelayt.)
Sina Olaf Stapledon, Larry Niven, Isaac Asimov, Piers Anthony, Samuel Delany, Ursula K. Le Guin, at Arthur C. Clarke ang kasali sa mga paborito kong manunulat. Mahilig ako sa piksiyong espekulatibong kabilang ang siyensiyang piksiyon at pantasya. Nadidiskubre ko ang espiritwalidad sa binabasa ko.
Ang mga lahi kong etnikong alam ko ay Pilipino, Kastila, Intsik, Griyego, Portuges, at Hudyo. Ang edukasyon ko ay sa unibersidad na UBC sa Inhinyeriyang Pangkimika at Agham Pangkompyuter na tinapos ko nang Batsilyer noong 1989.
Maligayang pagdating!
Mga LathalaBaguhin
Anime | Antropolohiya | Paggawa ng daigdig | Budismo | Shinto | Taoismo | Wikang artipisyal
Mga Larawan KoBaguhin
XoqolatBaguhin
Wikang guni-guni
VlingBaguhin
Wikang guni-guni
AniBaguhin
Talaan
PlanetVix
Viktor Medrano's Conlangs
Televido sa Wika
BikuOrenji sa Wika
Televido sa Geofictionist
Viktoro sa Blogger
batatokuko sa LiveJournal
vixvoxvex sa Gravatar
viktoro sa Flickr
Viktor sa Facebook
nonong sa Tatoeba
Viktor sa Academia
Viktor sa ResearchGate
nonongvik sa GitHub
Viktor sa LinkedIn
viktoro sa DeviantArt
batatokuko sa DeviantArt
viktor-lojban sa SoundCloud
Biku7 sa FreeSound
Taotao7 sa FreeSound
Kalawakan sa Bublup
Floroj sa Bublup
Lojban sa Bublup
Esperanto sa Bublup
Conlang sa Bublup
Beliefs sa Bublup