Paggawa ng daigdig

Ang literal sa Tagalog na paggawa ng daigdig ng Ingles na worldbuilding ay ang proseso ng paggawa ng daigdig na sa pamamagitan ng imahinasyon, kadalasang naiugnay sa buong piksiyonal na sansinukob o fictional universe.

Heopiksiyon o geofiction naman ang paggamit ng guni-guni sa paggawa ng mga mapang piksiyonal na puwedeng may istoryang kasali. Kaugnay ang heopiksiyon sa paggawa ng mga mundong guni-guni (na sa Ingles ay conworlding, mula sa conworld—mundong guni-guni).

Halimbawa ng pamosong piksiyonal na sansinukob ay ang Tiyera Medya ni J. R. R. Tolkien, ang Barsoom ni Edgar Rice Burroughs, ang Alam na Espasyo ni Larry Niven, ang Imperyong Galaksiya ni Isaac Asimov, ang Imperyong Galaksiya sa Star Wars, ang Daigdig-Dagat ni Ursula Le Guin, at ang Sistemang Solar ni Samuel Delany.

Depende sa paggawa ng daigdig, may puwedeng mga iba-ibang komponenteng guni-guni. May puwedeng conlang o wikang artipisyal. (Conlanging ang tawag sa Ingles para sa paggawa ng wikang artipisyal.) Kung minsan, may conreligion o inimbentong relihiyon. (Ang unlaping con- ay constructed.) Mahilig si Frank Herbert sa ganitong klase sa kanyang prangkisang Dune. Gumawa siya ng mga singkretismo katulad ng Zen at Islam na magkasama at iba pa.

Ang paggawa ng daigdig ay puwedeng prosesong taas-baba o baba-taas. Sa taas-baba, nagsisimula ang tagagawa sa mga heneral na katangian ng daigdig, bilang ang sangkatauhan, nibel ng teknolohiya, medyor na heograpiya, klima, at kasaysayan. Tapos, pababa ang mga detalye. Sa baba-taas, nagsisimula ang tagagawa sa isang pook na importante sa kuwento, bilang ang mga indibidwal sa pook, kultura sa pook, lipunan sa pook, gobyerno, politika, komersiyo, at iba pa. Tapos, pataas ang detalye.

Tingnan din

baguhin