Panspermia
Ang Panspermia (Griyego: πανσπερμία from πᾶς/πᾶν (pas/pan) "lahat" at σπέρμα (sperma) "binhi") ang teoriya na ang mga mikrorganismo o mga kompuwestong biyokimikal mula sa panlabas na kalawakan o outer space ang responsable sa pagpapasimula ng buhay sa mundo at posibleng sa iba pang mga bahagi o ibang mga planeta sa uniberso kung saan ang mga angkop na kondisyon ay umiiral.[1]
Ito ay nagsasaad na ang buhay ay umiiral sa buong uniberso na ikinakalat ng mga meteoroid, mga asteroid at mga planetoid. Ang panspermia ay nagmumungkahi na ang buhay na maaaring makaligtas mula sa mga epekto ng panlabas na kalawakan gaya ng mga extremophile na bakterya ay nabibitag sa mga debris na ibinubuga sa panlabas na kalawakan pagkatapos ng pagbabanggaan sa pagitan ng mga planeta na may anyong buhay. Ang mga bakterya ay maaaring maglakbay ng tulog para sa mahabang panahon at kung ang mga ito ay makahanap ng mga kanais nais na kondisyon sa ibabaw ng isang nabanggang bagong planeta, ang bacteria ay magiging aktibo at ang proseso ng ebolusyon ay magsisimula.
Mga pagsasaliksik
baguhinSinaunang buhay sa mundo
baguhinAng Precambrian fossil record ay nagpapakitang ang buhay ay agad na lumitaw pagkatapos nang pagkakabuo ng mundo. Ito ay nagpapahiwatig na ang buhayay lumitaw sa loob ng ilang mga daang milyong taon nang ang mga kondisyon ay nagiging kanais nais sa mundo. Ang pangkalahatang mga siyentipikong pagtatantiya ng edad ng mundo ay naglalagay sa pagkakabuo nito (kasama ng iba pang bagay sa Sistemang Solar) noong mga 4.55 bilyong taon taong nakakaraan. Ang pinakamatandang alam na sedimentaryong bato ay medyo binagong Hadean na mga pagkakabuo mula sa katimugang dulo ng islang Akilia sa Kanlurang Greenland. Ang mga batong ito ay binigyan ng petsang hindi bababa sa 3.85 bilyong mga taong gulang.[2][3][4][5]
Ang pinakamatandang alam na naging fossil na stromatolite o mga agregatong bacteria ay may edad na 3.5 bilyong mga taong gulang. Ang bacteria na bumubuo ng mga stromatolite na cyanobacteria ay nagsasagawa ng photosynthesis. Ang karamihan sa mga modelo ng pinagmulan ng buhay ay naglalarawan ng mga sinaunang organismo na kumukuha ng enerhiya mula sa redox na mga kimikal na may mas komplikadong mga mekanismo ng photosyntesis na kalaunang nag-ebolb. Habang nangyayari ang Huling Matinding Pambobomba ng buwan ng mundo mga 3.9 bilyong taon ang nakalilipas (gaya ng ebidensiyag mga lunar na sampol ng Proyektong Apollo), ang mga kasidhian ng pagsalpok ay maaaring hanggang mga 100 beses kesa sa agad na nauna rito.[6] Sa mga pagsisiyasat ng mga tunay na lunar at mga obserbasyon ng mga katulad na pagbubutas sa mataasnalugar sa Mars, iminungkahi nina Kring at Cohen na ang Huling Matinding Pambobomba ay sanhi ng mga pagsalpok ng asteroid na umapekto sa buong panloob na Sistemang Solar.[7] Ito ay malamang na epektibong nag-sterilisa ng buong ibabaw ng planetang mundo kabilang ang mga submarinong hydrothermal vent na kundi ay mapoprotektahan.[6]
Mga extremophile
baguhinAng mga astrobiologo ay partikular na interesado sa pag-aaral ng mga extremophile dahil sa maraming mga ganitong uring organismo ay may kakayahang mabuhay sa mga kapaligiran ng katulad sa alam na mga kapaligirang umiiral sa ibang mga planeta. Ang ilang mga organismo ay naipakitang mas hindi tinatalaban ng mga sukdulang kondisyon kesa sa nakaraang nakilala at maaaring makapagpatuloy sa napakahabang mga panahon kahit sa malalim na kalawakan at hipotetikal na maaaring makapaglakbay sa isang estadong tulog sa pagitan ng mga kapaligirang angkop sa buhay. Ang ilang mga bacteria at hayop ay natagpuang yumayabong sa mga pangkaragatang hydrothermal vent ng higit sa 100 °C (na puntong kumukulo ng tubig). Ang isang pag-aaral ay naghayag na ang praksiyon ng bacteria ay nakapagpapatuloy sa mga pulsong pang-init hanggang sa 250 °C sa vacuum, samantalang ang katulad na pag-iinit sa normal na atmosperikong presyon ay tumutungo sa buong sterilisasyon ng mga sampol. Ang ibang mga bacteria ay yumayabong sa malubhang kaustikong mga kapaligiran, ang iba sa sukdulang mga presyon na 11 km sa ilalim ng karagatan, samantalang ang iba ay nakaliligtas sa sukdulang tuyong mga kondisyon, malubhang malamig, vacuum o mga asidong kapaligiran. Ang pagpapatuloy sa panalbas na kalawakan ay hindi limitado sa bacteria, lichen o archaea. Ang hayop na Tardigrade ay napatunayang nakaliligtas sa vacuum ng panlabas na kalawakan. Ang mga kamakailang eksperimento ay nagmumungkahing kapag ang bacteria na kahit papaano ay napoprotektahan mula sa radiasyon ng kalawakan na marahil ay sa loob ng isang makapal na meteoroid o isang ma-yelong kometa, ang mga ito ay maaaring makapagpatuloy ng tulog sa loob ng mga milyong taon. Ang Deinococcus radiodurans ay isang radioresistanteng bacterium na maaaring makaligtas sa mataas na mga lebel ng radiasyon. Sa pamamagitan ng paggaya ng mga malupit na kondisyon ng malamig na interstellar na kalawakan, ang mga siyentipiko ng NASA ay nakalikha ng mga primitibong besikulo na gumagaya sa ilang mga aspeto ng mga membraniyosong mga istrukturang natatagpuan sa lahat ng mga buhay na bagay. Ang mga kemikal na kompuwestong ito ay maaaring gumampan ng papel sa pinagmulan ng buhay sa mundo.
Mga spore
baguhinAng mga spore ay isa pang potensiyal na bektor sa paghahatid ng buhay sa buong hindi mapakitungo at nakapipinsalang na mga kapaligiran gaya ng lalim ng kalawakang interstellar.[8][9] Ang mga spore ay nalilikha bilang bahagi ng normal na siklo ng buhay ng maraming mga halaman, algae, fungi at ilang mga protozoan, at ang ilang mga bacteria ay lumilikha ng endospore o mikroybal na cyst sa panahon ng stress. Ang mga istrukturang ito ay maaaring labis na madaling makaahon sa mga radiasyong ultraviolet at radiasyong gamma, desikasyon, lysozyme, temperatura, kagutuman, at mga disinpektanteng kemikal habang metabolikal na hindi aktibo. Ang mga spore ay naghe-hermina kapag ang mga kanais nais na mga kondisyon ay naipanumbalik pagkatapos ng pagkakalanta sa mga kondisyong nakamamatay sa magulang na organismo. Ayon sa astropisikong si Dr. Steinn Sigurdsson, "May mga nabubuhay na bacterial spore na natagpuan na may edad na 40 milyong mga taon - at alam nating ang mga ito'y tumibay(hardened) sa radiasyon."
Mga potensiyal na tirahan para sa anyo ng buhay
baguhinAng presensiya ng nakaraang likidong tubig sa Mars na iminumungkahi ng tulad sa mga ilog na pagkakabuo sa pulang planetang ito ay nakompirma ng mga misyon ng Mars Exploration Rover. Noong Disyembre 2007, inilimbag ni Michael C. Malin ng Malin Space Science Systems ang isang papel sa journal na Science na nangangatwirang ang kanyang kamera(Mars Observer Camera) ay nakatuklas ng ebidensiyang nagmumungkahing ang tubig ay paminsan minsang dumadaloy sa ibabaw ng planetang Mars sa loob ng huling mga limang taon.
Ang mga karagatang tubig ay maaaring umiiral sa mga buwan na Europa, Enceladus, Triton at marahil ay sa iba pang mga buwan sa sistemang Solar. Kahit ang mga buwan na ngayon ay matigas na yelong mga bola ay maaaring sa simula ay tunaw sa loob ng init mula sa radioaktibong pambatong mga core. Ang mga katawang tulad nito ay maaaring karaniwan sa buong uniberso. Ang mga buhay na bacteria na natagpuan sa mga sampol sa core na nakuha mula lalim na 3,700 metro (12,100 tal) sa Ilog Vostok sa Antarctica ay nagbigay ng datos para sa ekstrapolasyon sa kalamangan ng mga mikroorganismo na makaligtas ng nagyelo sa mga lugar sa labas ng mundo o habang nangyayari ang paghahatid sa pagitan ng mga planeta.[10] Gayundin, ang bacteria ay natuklasan na nabubuhay sa loob ng medyo mainit na ilalim ng bato sa crust ng mundo.[11]
Buhay extraterrestrial
baguhinAng mundo(earth) ang tanging lugar na alam ng mga tao na kumakanlong ng buhay sa mapagmamasdang uniberso. Sa kasalukuyan, ang mga pagtatantiya ng mga halaga ng ekwasyong Drake ay nagmumungkahing ang probabilidad ng intelihenteng buhay sa isang galaksiya tulad ng ating Daang Magatas (Milky Way) ay mas maliit kesa sa dating inakala samantalang ang labis na malaking bilang mga galaksiya ay gumagawa ritong malamang na ang buhay ay lumitaw sa ibang lugar sa uniberso.[12] Ayon sa mga kasalukuyang teoriya ng pisika, ang paglalakbay sa kalawakansa gayong malaking malalaking mga distansiya ay tatagal sa hindi kapanipaniwalang mahabang panahong sa tagalabas na nagmamasid na may malaking mga halaga ng enerhiya na kakailangin. Gayunpaman, ang maliit na mga pangkat ng mananaliksik tulad ng Search for Extra-Terrestrial Intelligence (SETI) ay patuloy na nagmomonitor ng kalawakan para sa mga transmisyon na kahit papaano ay mula sa ating sariling galaksiya Daang Magtaas.
Ang mga astrobiolohikal na tagataguyod tulad ng hipotesis na bihirang mundo ay nakikilalang ang mga kondisyon na kailangan para sa ebolusyon ng intelihenteng buhay ay maaaring labis na bihira sa uniberso habang sabay na sinasaad na ang simpleng isang-selulang mga mikroorganismo ay maaaring masagana.[13]
Mga organikong molekulang nagmula sa kalawakan(outer space)
baguhinSa isang 2008 na pagsisiyasat ng 12C/13C isotopikong mga rasyo ng mga organikong compound na natuklasan sa Murchison meteorite ay nagmumungkahi ng isang pinagmulan mula sa labas ng mundo o extraterrestrial ng mga molekulang ito kesa sa kontaminasyon sa mundo. Ang mga molekulang natukoy sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng uracil na isang RNA nucleobase at xanthine.[14][15] Ang mga resultang ito ay nagpapakitang maraming mga organikong compound na mga kasangkapan ng buhay sa mundo ay umiiral na sa sinaunang sistemang solar at maaaring gumampan ng mahalagang papel sa pinagmulan ng buhay sa mundo.[16]
Noong Agosto 2009, natukoy ng mga siyentipiko ng NASA ang isa sa mga pundamental na kemikal na tagapagtatag na bloke na asidong amino na glycine sa isang kometa sa unang pagkakataon.[17]
Noong Agosto 8, 2011 ang isang ulat batay sa mga pag-aaral ng NASA sa mga meteorite na natagpuan sa mundo ay inilimbag na nagmumungkahing ang tagapagtatag na mga bloke ng DNA na adenine, guanine at mga kaugnay na organikong molekula ay maaaring nabuo sa labas ng mundo sa panlabas na kalawakan.[18][19][20] Noong Oktubre 2011, iniulat ng mga siyentipiko na ang kosmikong alikabok ay naglalaman ng komplikadong organikong materya na amorphous na organikong mga solidong na may halong aromatiko-aliphatikong istruktura na maaaring natural na malikha at mabilis nang mga bituin.[21][22][23] Ang isa sa mga siyentipiko ay nagmungkahing ang mga komplikadong mga organikong compound na ito ay maaaring may kaugnayan sa pagbuo ng buhay sa mundo. Sinaad rin ng siyentipikong ito na: Kung ito ang kaso, ang buhay sa mundo ay maaaring nagkaroon ng madaling panahon sa pagsisimula dahil ang mga organikong ito ay maaaring magsilbi bilang pundamental na sangkap para sa buhay."[21]
Sanggunian
baguhin- ↑ http://www.thefreedictionary.com/panspermia
- ↑ Schidlowski, M. (1988). "A 3,800-Million-Year Isotopic Record Of Life From Carbon In Sedimentary-Rocks". Nature. 333 (6171): 313–318. Bibcode:1988Natur.333..313S. doi:10.1038/333313a0.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gilmour I, Wright I, Wright J 'Origins of Earth and Life', The Open University, 1997, ISBN 0-7492-8182-0
- ↑ Nisbet E (2000). "The realms of Archaean life". Nature. 405 (6787): 625–6. doi:10.1038/35015187. PMID 10864305.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lepland A, van Zuilen M, Arrhenius G, Whitehouse M and Fedo C, Questioning the evidence for Earth's earliest life — Akilia revisited, Geology; January 2005; v. 33; no. 1; p. 77-79; DOI: 10.1130/G20890.1
- ↑ 6.0 6.1 Cohen BA, Swindle TD, Kring DA (2000). "Support for the lunar cataclysm hypothesis from lunar meteorite impact melt ages". Science. 290 (5497): 1754–6. Bibcode:2000Sci...290.1754C. doi:10.1126/science.290.5497.1754. PMID 11099411.
{{cite journal}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Kring DA, Cohen BA (2002) Cataclysmic bombardment throughout the inner solar system 3.9-4.0 Ga. J GEOPHYS RES-PLANET 107 (E2): art. no. 5009
- ↑ The BIOPAN experiment MARSTOX II of the FOTON M-3 mission July 2008.
- ↑ Surviving the Final Frontier. 25 November 2002.
- ↑ "Detection, recovery, isolation, and characterization of bacteria in glacial ice and Lake Vostok accretion ice". Ohio State University. 2002. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-11. Nakuha noong 2011-02-04.
{{cite web}}
:|first=
missing|last=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2012-07-11 at Archive.is - ↑ Nanjundiah, V. (2000). "The smallest form of life yet?" (PDF). Journal of Biosciences. 25 (1): 9–10. doi:10.1007/BF02985175. PMID 10824192. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2005-04-28. Nakuha noong 2012-01-24.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2005-04-28 sa Wayback Machine. - ↑ See shrinking estimates of parameter values (since its inception in 1961) as discussed throughout the Drake equation article.
- ↑ Webb, Stephen, 2002. If the universe is teeming with aliens, where is everybody? Fifty solutions to the Fermi paradox and the problem of extraterrestrial life. Copernicus Books (Springer Verlag)
- ↑ Martins, Zita; Botta, Oliver; Fogel, Marilyn L.; Sephton, Mark A.; Glavin, Daniel P.; Watson, Jonathan S.; Dworkin, Jason P.; Schwartz, Alan W.; Ehrenfreund, Pascale (15 Hunyo 2008). "Extraterrestrial nucleobases in the Murchison meteorite". Earth and Planetary Science Letters. 270 (1–2): 130–136. Bibcode:2008E&PSL.270..130M. doi:10.1016/j.epsl.2008.03.026.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ AFP Staff (20 Agosto 2009). "We may all be space aliens: study". AFP. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-06-17. Nakuha noong 2011-08-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Martins, Zita; Oliver Botta, Marilyn L. Fogel Mark A. Sephton, Daniel P. Glavin, Jonathan S. Watson, Jason P. Dworkin, Alan W. Schwartz, Pascale Ehrenfreund. (Available online 20 March 2008). "Extraterrestrial nucleobases in the Murchison meteorite" (PDF). Earth and Planetary Science Letters. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-08-10. Nakuha noong 2008-10-07.
{{cite journal}}
: Check date values in:|date=
(tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) Naka-arkibo 2011-08-10 sa Wayback Machine. - ↑ "'Life chemical' detected in comet". NASA. BBC News. 18 Agosto 2009. Nakuha noong 2010-03-06.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Callahan; Smith, K.E.; Cleaves, H.J.; Ruzica, J.; Stern, J.C.; Glavin, D.P.; House, C.H.; Dworkin, J.P. (11 Agosto 2011). "Carbonaceous meteorites contain a wide range of extraterrestrial nucleobases". PNAS. doi:10.1073/pnas.1106493108. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-18. Nakuha noong 2011-08-15.
{{cite web}}
: Unknown parameter|unused_data=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-09-18 sa Wayback Machine. - ↑ Steigerwald, John (8 Agosto 2011). "NASA Researchers: DNA Building Blocks Can Be Made in Space". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-23. Nakuha noong 2011-08-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ScienceDaily Staff (9 Agosto 2011). "DNA Building Blocks Can Be Made in Space, NASA Evidence Suggests". ScienceDaily. Nakuha noong 2011-08-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 21.0 21.1 Chow, Denise (26 Oktubre 2011). "Discovery: Cosmic Dust Contains Organic Matter from Stars". Space.com. Nakuha noong 2011-10-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ScienceDaily Staff (26 Oktubre 2011). "Astronomers Discover Complex Organic Matter Exists Throughout the Universe". ScienceDaily. Nakuha noong 2011-10-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kwok, Sun; Zhang, Yong (26 Oktubre 2011). "Mixed aromatic–aliphatic organic nanoparticles as carriers of unidentified infrared emission features". Nature. 479 (7371): 80. doi:10.1038/nature10542.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)