Stress (mekanika)

pisikal na sukat ng kantidad ng puwersa sa loob ng isang materyal
(Idinirekta mula sa Stress)

Sa mekanikang continuum, ang stress o tensyon ay ang sukat ng mga panloob na puwersa sa loob ng isang nadedepormang katawan. Kung sa kantidad, ito ay tumutukoy sa sukat ng karaniwang (average) puwersa sa bawat nasasakupang yunit ng pang-ibabaw sa loob ng isang katawan kung saan ang mga panloob na puwersa ay kumikilos. Ang mga panloob na puwersang ito ay mga reaksiyon sa panlabas na mga puwersang inilalapat sa isang katawan. Dahil sa ang isang punong nadedepormang katawan ay ipinapapalagay na nag-aasal bilang continuum;;, ang mga panloob na puwersang ito ay ipinamamahagi ng tuloy tuloy sa bolyum ng isang materyal na katawan at nagreresulta sa depormasyon ng hugis ng katawang ito. Kung lalagpas sa isang tiyak na hangganan ng lakas ng materiyal, ito ay maaaring magsanhi ng permanenteng pagbabago ng hugis o pagbasak ng estruktura nito.

Stress
Mga kadalasang simbulo
σ
Yunit SIpascal
Ibang yunit
psi, bar
Sa Batayang yunit SIPa = kgm−1s−2
Dimensiyon

Ang stress ay ginagamit sa inhinyera at pisika para tukuyin ang katindihan ng puwersa sa isang nasasakupan. Ito ay sinusukat sa paghahati ng puwersa na ang karaniwang yunit ay Newton (N) at ng nasasakupan na ang karaniwang yunit ay metro kuwadrado. Ang resulta ng yunit ng nasabing paghahati ay Pascal (Pa). Ang karaniwang simbolo nito ay ang titik Griyego na σ. Ang stress sa nasabing paghahati ay maaring hindi ang stress na tunay na nararanasan ng isang bagay. Ito ay nagsisilbi lang na pagtantya sa tindi ng stress dahil average lamang ang kinukuha rito.

Uri ng tensyon

baguhin

Sa inhinyeriya, ito ay isa sa mga sukatan ng pagiging matibay ng isang bagay. Mas matibay ang isang bagay, base sa stress, kung mas mataas ang stress na kaya nitong maranasan bago masira. Ang pagdesenyo ng mga poste at biga sa mga bahay at gusali ay nakabatay sa konseptong ito. Ang stress ay nahahati sa dalawang simpleng kategorya. Una ay ang aksyal (axial) na tensyon at ang pangalawa ay ang pumupunit (shearing) na tensyon.

Aksyal na tensyon

baguhin

Sa aksyal na tensyon, may tensyon na nabubuo kapag may dalawang magkatapat at magkasalungat na puwersa. Ang aksyal na tensyon ay tinutukoy, kapareho rin ng stress, sa pamamagitan ng letrang Griyego na σ. Isang halimbawa nito ay ang epekto ng paghihilaan sa larong tug-of-war. Dahil sa paghihilaan, may nabubuong stress sa lubid. Ang puwersa ay ang ginagamit ng magkabilang panig samantalang ang sakop ay ang sakop ng lubid sa pahalang na direksiyon.

Pumupunit na tensyon

baguhin

Sa pumupunit na tensyon, may tensyon naman na nabubuo sa pamamagitan ng magkasalungat na puwersa ngunit hindi magkatapat. Ang dalawang puwersang ito ay kailangang magkahilera. Ito ay tinutukoy sa pamamagitan ng letrang Griyego na τ. Ang pinakakaraniwang halimbawa nito ay ang paggupit ng papel gamit ang gunting. Ang puwersa rito ay nanggagaling sa mga kamay at ang erya naman ay ang manipis na bahagi ng papel.

Mga sanggunian

baguhin
  • Beer et al. Mechanics of Materials, 4th Edition. McGraw-Hill International Edition. 2006

Tingnan din

baguhin