Eon na Hadean
4600 - 4000 milyong taon ang nakalilipas

Ang Hadean (play /ˈhdiən/) ang hindi opisyal na eon bago ang Arkeyano. Ito ay nagsimula sa pagkakabuo ng daigdig mga 4.570 bilyong taon ang nakalilipas at tinatayang nagwakas noong 3.8 bilyong taon ang nakalilipas bagaman ang huling petsa ay nag-iiba ayon sa iba't ibang mga sanggunian. Ang pangalang ito ay hinango sa Griyegong Hades na Griyego sa ilalim ng daigdig na tumutukoy sa mala-impyernong kondisyon ng daigdig sa panahong ito. Ang heologong si Preston Clooud ang nag-imbento ng terminong ito noong 1972 na orihinal na ipinangalan sa panahong bago ang pinaka-maagang alamn na bato sa daigdig. Kalaunan ay inimbento ni W. Brian Harland ang halos kasing kahulugang termino na Panahong Priscoan. Ang mas matandang mga aklat ay simpleng tumutukoy sa panahong ito bilang Pre-Arkeyano.