Phanerozoic
Ang Phanerozoic Eon[3] (Espanyol Eón Fanerozoico) ay ang kasalukuyang geologic eon sa eskala ng panahong heolohiko, at ang panahon kung saan may saganang hayop at halaman ang umiral. Ito ay sumasaklaw sa 541 milyong taon hanggang sa kasalukuyan,[4] at nagsimula sa Cambrian Period nang unang lumitaw ang iba-ibang hayop na may matitigas na talukab. Ang pangalan nito ay nagmula mula sa mga salitang Sinaunang griyegong na φανερός (phanerós) at ζωή (zōḗ), na nangangahulugang nakikitang buhay (Ingles: "visible life"), dahil unang paninawalaang na ang buhay ay nagsimula sa Cambrian, ang unang panahon (period) ng eon na ito. Ang panahoon bago ang Phanerozoic, tinatawag na Precambrian supereon, sa ngayon ay nahahati sa Hadean, Archaean at Proterozoic na mga eon.
Phanerozoic | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
538.8 ± 0.2 – 0 milyong taon ang nakakaraan | ||||||
Kronolohiya | ||||||
| ||||||
Etimolohiya | ||||||
Pormal | Formal | |||||
Impormasyon sa paggamit | ||||||
Celestial body | Earth | |||||
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) | |||||
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale | |||||
Kahulugan | ||||||
Yunit kronolohikal | Eon | |||||
Yunit stratigrapiko | Eonothem | |||||
Unang minungkahi | George Halcott Chadwick, 1930 | |||||
Pormal na time span | Formal | |||||
Kahulugan ng mababang hangganan | Appearance of the Ichnofossil Treptichnus pedum | |||||
Lower boundary GSSP | Fortune Head section, Newfoundland, Canada 47°04′34″N 55°49′52″W / 47.0762°N 55.8310°W | |||||
GSSP ratified | 1992 | |||||
Upper boundary definition | N/A | |||||
Upper boundary GSSP | N/A | |||||
GSSP ratified | N/A |
Ang panahon ng Phanerozoic ay nagsimula sa mabilis na paglitaw ng maraming bilang ng mga phylum ng hayop; ang ebolusyon ng mga phylum na iyon sa magkakaibang anyo; ang paglitaw at pag-unlad ng mga komplikadong halaman; ang ebolusyon ng isda; ang paglitaw ng mga insekto at mga tetrapod; at ang pag-unlad ng modernong fauna. Ang mga halamang panlupa ay lumitaw sa maagang Phanerozoic eon. Sa panahong ito, ang tectonic forces ang nagdulot sa mga kontinente na gumalaw at kalaunan ay nabuo ang isang tipak ng kapulaang nakilala bilang Pangaea, na sumunood ay nabitak ay naghiwa-hiwalay sa kasalukuyang mga kontinente.