Agence France-Presse
Ang Agence France-Presse (AFP) ay isang internasyunal na ahensiya pambalita na nakahimpil sa Paris, Pransya. Naitatag noong 1835 bilang Havas, ito ang pinakamatandang ahensyang pambalita sa buong mundo.
Industriya | Midya pambalita |
---|---|
Itinatag | 1835 (bilang Havas) |
Punong-tanggapan | Paris, Pransya |
Pinaglilingkuran | Buong mundo |
Pangunahing tauhan | Fabrice Fries (Pangulo at CEO) |
Produkto | Serbisyong wire |
Dami ng empleyado | 2,400 (2018) |
Website | factcheck.afp.com |
May pang-rehiyong punong-himpilan sa Nicosia, Montevideo, Hong Kong, at Washington, D.C., at kawanihang pambalita sa 151 bansa sa 201 lokasyon. Naghahatid ang AFP ng kuwento, bidyo, litrato at grapiko sa Pranses, Ingles, Arabe, Portuges, Kastila, at Aleman.
Kasaysayan
baguhinNagmula ang Agence France-Presse sa Agence Havas, na itinatag noong 1835 sa Paris ni Charles-Louis Havas, na ginagawang pinakamatandang serbisyong pambalita sa buong mundo.[1][2] Binunsad ng ahensiya ang koleksyon at pamamahagi ng balita bilang isang kalakal,[1] at naitatag ang sarili bilang isang buong pandaigdigang inaalala noong huling bahagi ng ika-19 na dantaon.[3] Dalawang trabahador ng Havas, sina Paul Julius Reuter at Bernhard Wolff, ang nagtayo ng sarili nilang ahensiyang pambalita sa London at Berlin ayon sa pagkakabanggit.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Toal, Gerard (2014). Thrift, Nigel; Tickell, Adam; Woolgar, Steve; Rupp, William H. (mga pat.). Globalization in Practice (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. p. 199. ISBN 978-0199212620.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ James F. Broderick; Darren W. Miller (2007). Consider the Source: A Critical Guide to 100 Prominent News and Information Sites on the Web (sa wikang Ingles). Information Today, Inc. pp. 1. ISBN 978-0-910965-77-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kuhn, Raymond (2011-03-01). The Media In Contemporary France (sa wikang Ingles). New York: McGraw-Hill Education. p. 3. ISBN 978-0335236220.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)