Nukleyobase

(Idinirekta mula sa Nucleobase)

Ang mga nukleyobase ay isang pangkat ng mga batay sa nitrohenong mga molekula na kailangan ng mga nukleyotida na basikong pantayong mga bloke ng DNA at RNA. Ang mga nukleyobase ay nagbibigay ng istrakturang molekular na kailangan para sa pagbibigkis na hidroheno ng mga komplementaryong strando ng DNA at RNA at mga mahahalagang bahagi sa pagkakabuo ng matatag na mga molekulang DNA at RNA. Ang mga nukleyobase(o mga baseng nukleyotida/mga baseng nitrohenoso/mga aglycone) ay nagbibigay ng istrakturang nukleyotida upang bumuo ng mga base na pares. Ang pangunahing mga nukleyobase ang cytosine, guanine, adenine(DNA at RNA), thymine(DNA) at uracil(RNA) na respektibong pinaikli na C, G, A, T at U. Ang mga ito ay karaniwang simpleng tinatawag na mga base sa henetika. Dahil ang A, G, C at T ay lumilitaw sa DNA, ang mga molekulang ito ay tinatawagt na mga base ng DNA. Ang A, G, C at U ay tinatawag na mga base ng RNA. Ang uracil ay pumapalit sa thymine sa RNA. Ang dalawang mga baseng ito ay magkatulad maliban na uracil ay nagkukulang sa pangkat 5' methyl. Ang adenine at guanine ay kabilang sa klaseng dobleng singsing ng mga molekulang tinatawag na mga purine(pinaikli bilang R). Ang cytosine, thymine at uracil ay lahat mga pyrimidine(pinaikli bilang Y). Sa normal na spiral na DNA, ang mga base ay bumubuo ng mga pares sa pagitan ng dalawang mga strando: Ang A sa T at ang C sa G. Pangunahing pumapares ang mga purine sa mga pyrimidine para sa mga dahilang dimensiyonal-tanging ang kombinasyong ito ang nagkakasya sa konstanteng heometriyang lapad ng DNA spiral. Ang mga pagpapares na A-T at C-G ay kailangan upang tumugma sa mga bigkis na hidroheno sa pagitan ng mga pangkat na amino at karbonilo sa mga baseng komplementaryo. Ang compound na nabubuo kapag ang nukleyobase ay bumubuo ng isang bigkis na glikosidiko sa 1' karbong anomeriko ng isang ribosa o deoksiribosa ay tinatawag na isang nukleyosida at ang isang nukleyosida na may isa o higit pang mga pangkat na pospata na nakakabit sa 5' karbon ay tinatawag na nukleyotida. Maliban sa adenine, cytosine, guanine, thymine at uracil, ang DNA at RNA ay naglalaman rin ng mga base na nabago pagkatapos ang kadenang asidong nukleyiko ay nabuo. Sa DNA, ang karamihan ng mga karaniwang nabagong base ang 5-methylcytosine (m5C). Sa RNA, mayroon maraming mga nabagong base kabilang ang mga nakapaloob sa mga nukleyosidang pseudouridine (Ψ), dihydrouridine (D), inosine (I), at7-methylguanosine (m7G).[1][2] Ang hypoxanthine at xanthine ang dalawa sa maraming mga base na nalilikha sa pamamagitan ng presensiya ng mutaheno na ang parehong ito ay sa pamamagitan ng [[deaminasyon(pagpapalit ng pangkat amino ng pangkat karbonilo). Ang hypoxanthine ay nalilikha mula sa adenine, ang xanthine mula sa guanine. [3] Sa parehong paaran, ang deaminasyon ng cytosine ay nagreresulta sa uracil. Noong Agosto 2011, sa isang ulat batay sa mga pag-aaral ng NASA sa mga meteoritang natagpuan sa daigdig(earth) ay inilimbag na nagmumungkahi ang mga nukleyobase(gaya ng adenine, guanine, xanthine, hypoxanthine, purine, 2,6-diaminopurine, at 6,8-diaminopurine) ay maaaring nabuo(hindi mula sa daigdig/earth) sa panlabas na kalawakan(outer space). [4][5][6]

Pagpapares ng base sa RNA. Ang mga nukleyobase ay sa kulay asul, ang mga bigkis na hidroheno sa pula.

Istraktura

baguhin
  • Ang kalansay ng adenine at guanine ay purine kaya ang pangalang mga baseng-purine.
  • Ang kalansay ng cytosine, uracil at thyimine ay pyrimidine kaya mga baseng pyrimidine.

Mga pangunahing base

baguhin

Ang mga ito ay isinama sa lumalagong kadena sa sintesis na DNA at/o DNA.

Nucleobase  
Adenine
 
Guanine
 
Thymine
 
Cytosine
 
Uracil
Nucleoside  
Adenosine
A
 
Guanosine
G
 
Thymidine
T
 
Cytidine
C
 
Uridine
U

Mga nabagong baseng purine

baguhin

Ang mga ito ang halimbawa ng mga nabagong adenosine o guanosine.

Nucleobase  
Hypoxanthine
 
Xanthine
 
7-Methylguanine
Nucleoside  
Inosine
I
 
Xanthosine
X
 
7-Methylguanosine
m7G

Mga nabagong baseng pyrimidine

baguhin

Ang mga ito ang mga halimbawa ng nabagong cytidine, thymidine o uridine.

Nucleobase  
5,6-Dihydrouracil
 
5-Methylcytosine
 
5-Hydroxymethylcytosine
Nucleoside  
Dihydrouridine
D
 
5-Methylcytidine
m5C

Mga sanggunian

baguhin
  1. "BIOL2060: Translation". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-25. Nakuha noong 2012-10-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Role of 5' mRNA and 5' U snRNA cap structures in regulation of gene expression" - Research - Retrieved 13 December 2010.
  3. T Nguyen, D Brunson, C L Crespi, B W Penman, J S Wishnok, and S R Tannenbaum, DNA damage and mutation in human cells exposed to nitric oxide in vitro Naka-arkibo 2020-06-04 sa Wayback Machine., Proc Natl Acad Sci U S A. 1992 April 1; 89(7): 3030–3034
  4. Callahan; Smith, K.E.; Cleaves, H.J.; Ruzica, J.; Stern, J.C.; Glavin, D.P.; House, C.H.; Dworkin, J.P. (11 Agosto 2011). "Carbonaceous meteorites contain a wide range of extraterrestrial nucleobases". PNAS. doi:10.1073/pnas.1106493108. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-09-18. Nakuha noong 2011-08-15. {{cite web}}: Unknown parameter |unused_data= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-09-18 sa Wayback Machine.
  5. Steigerwald, John (08 August 2011). "NASA Researchers: DNA Building Blocks Can Be Made in Space". NASA. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-23. Nakuha noong 2011-08-10. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  6. ScienceDaily Staff (09 August 2011). "DNA Building Blocks Can Be Made in Space, NASA Evidence Suggests". ScienceDaily. Nakuha noong 2011-08-09. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)